Chapter 24

2.7K 132 6
                                    

KUNG HINDI lang nagkayayaan ang Mama at Tita nila, sigurado na kasama ni Rayos ngayon si Leo. They plan an outing, pero imbes na umarkila ng buong resort, they went to a public one instead.

Her twin, Vyrlle, was back to her cold attitude because Light was with them. Surprisingly. Palagi itong wala kapag ganitong okasyon.

Their father was in a good shape because Tito Xyrus was nowhere to be found. Nagkabaliktad ang mag-ama.

"Pinayagan ako magsuot ng two piece ni Kuya Laur!" masayang balita ni Nicha sa kanila.

Vyrlle looked at their cousin flatly before ruining Nicha's mood, "Malamang, alangan naman ibalot ka ni Kuya Laur, nasa beach tayo?"

Sumimangot si Nicha at mahina naman siyang natawa. They're also allowed to wear two piece. Ang kaso, may nakapatong na t-shirt. T-shirt ng Kuya nila.

"What's up with her?" Siniko siya ni Nicha.

"Don't be a nosy little rat, Nicha. Ikaw rin, baka lunurin ka niyan mamaya sa dagat!" pananakot niya sa pinsan.

Nicha pouted her lips. Tumigil din ito sa pagtatanong kung bakit wala sa mood ang kambal niya. Alam naman kasi nilang pareho kung bakit. She just really wanted to push Vyrlle's button, pero takot naman ito kapag nagalit na ang kambal niya.

Magkasama silang lima sa hotel room— Nicha, Vyrlle, Bridj, and Grex. Sa kabila ay ang mga lalaki. Xyria, Light's sister choose to be alone in one room to finish some of her works. At syempre, ganoon din ang parents nila.

Grex and Vyrlle started to play. At dahil wala naman siyang maintindihan sa nilalaro ng dalawa, tumabi na lang siya sa mga ito at nilibang ang sarili sa mga update ni Leo sa kanya.

She smiled inwardly. Ang sabi niya dito ay siya ang mag-a-update. She took a quick snap of Vyrlle's phone, saka niya 'yon nai-send kay Leo.

Ganoon ang routine nilang dalawa habang hindi sila magkasama.

"Nag-aaya mag swimming si Tita Greta. Baba na raw tayo." Vyrlle announced. Nawala na ang pagkakunot ng noo nito kanina. Sigurado na babalik iyon kapag nakita nito ang crush niya na nilalapitan ng mga babae.

Although, Rayos was expecting them to behave. Lalo na at kasama nila ang mga magulang nila. Tito Xyrus was not with them, pero present naman ang Mama ng mga ito.

"Cay, Ion, come here!" Sumenyas ang kapatid nila na lumapit sila rito.

Their brother was holding a lotion in his hand, their mother was smiling brightly, mukhang kakatapos lang din nito na maasikaso. Their mother was wearing one of their father's shirts too, and looks cute with her twin braided hair.

"Inipit ka rin, Ma?" She asked.

Nakangiti itong tumango sa kanila ni Vyrlle.

"Kayo rin."

Sabay silang pinaupo ni Vyrlle. Si Vyrlle ang inaayusan ng Daddy nila, habang siya naman ang napunta sa kapatid nila. Binuksan niya ang cellphone at dinala sa camera, front camera.

Pigil ni Rayos ang matawa nang makita na salubong ang kilay ng kapatid nila, ganoon din ang sa Daddy nila.

"Ma! Picture tayo!" Rayos giggled when their mother got her phone and took a quick picture of them.

Nakangiti silang tatlo sa camera, habang ang dalawa na nagtatali sa mga buhok nila ay salubong ang kilay at sobrang focus sa ginagawa. Doon lang din napansin ni Rayos na topless ang Daddy at Kapatid nila.

Their Dad, even at his age, has a sculpted and nice body. And now that he shaved his beard, magkamukha na talaga silang dalawa ng panganay na anak nito. Humalo pa ang Kuya Laur nila.

Cay's Zodiac (Completed)Where stories live. Discover now