Chapter 27

2.8K 155 17
                                    

HINDI pa rin maganda ang pakiramdam ni Rayos sa tuwing nakikita niya ang babae, who happened to be one of her blockmates. In fact, she can do what she wants now that her brother was busy as hell.

Nawala ang atensyon nito sa kanila dahil sa girlfriend nito. Recently, her twin brought a beautiful woman home. She's kind and well mannered. Rayos likes her very much, as well as her family. But knowing how their brother treated a woman… Rayos doubts if they're really in a relationship. A serious relationship.

Para silang nakawala sa hawla ni Vyrlle. Palagi itong nasa bahay nina Light, playing with Grex and Tita Greta. Vyrlle said it was a good game. Nawawala raw ang stress nito.

"Who is that?" mabagal na pagtatanong ni Nicha nang makita ang babae na mukhang may balak lumapit sa kanya.

Rayos sighed. That girl was really trying hard to pissed her off. Para bang naghihintay ito na sumabog siya. One wrong move by Rayos and she'll be back to zero. Even her family's connection won't save Rayos. Quota na ang School nila sa kabulastugan ni Nicha, sumasama pa ang kambal niya.

Vyrlle glanced at the girl. Naglalakad na ito palayo sa kanila.

"Sino 'yon? Kaibigan mo, Cay?"

Rayos wanted to puke when her twin asked that.

"Hindi. May something e!" sabi ni Nicha at mahinang tumawa.

"Siya yung babae na may gusto kay Leo," sagot niya.

Nagkatinginan ang kambal at pinsan niya. Rayos was startled when they both laughed and clasped their hands together. These two were always loitering in Psychology building, some students were now looking at them because of how loud they laugh.

"What?" nakataas ang kilay na tanong niya.

Vyrlle smirked. "Hindi pa humuhupa ang issue sa building namin, Cay, tapos nandito lang pala ang totoong may balak kay Leo!" Umiiling na sabi ng kambal niya.

Rayos sighed. Hindi rin nila alam kung paano na may kumalat na issue sa building ng mga ito, it's about Vyrlle and her boyfriend, Leo.

She smiled inwardly when she remembered someone… ganoon din ang iniisip nito. Nagsumbong pa nga sa kapatid nila.

Tumayo na siya at inayos ang puting uniporme niya. Rayos even tied her hair up, para malinis siya lalo na tingnan.

"Hindi pa kayo babalik sa building niyo?" Rayos asked them.

Nicha and Vyrlle looks at her and shake their head in unison.

"Wala na kaming pasok." Vyrlle pouted her lips as she answered her question.

Nicha on the other hand was tapping her phone screen and after a few seconds, pinakita niya 'yon sa kanya. Pabiro siyang umirap nang makita na nag-message ito kay Jillian at pinapapunta sa Psychology building.

"As if pupunta 'yan!" Rayos scoffed.

Mukhang na-realize ni Nicha kung gaano katamad at kaarte ang isa pa nilang kaibigan. Not only that, mas gugustuhin na lang na umuwi ni Jillian at magpasundo sa kapatid nito kaysa ang maglakad sa campus nila mag-isa.

"Oh, no worries now. Pupunta 'yon." Confident na sagot ni Nicha.

Mahinang tumawa si Rayos at Vyrlle.

"Kay Kuya Laur ka magpapasundo?" Vyrlle asked, laughing a little.

Nicha winked at them playfully and gestured 'okay' sign at them.

Knowing Jillian, hindi 'yon palalampasin ang araw na hindi masulyapan ang pinsan nila. Although, she stopped pestering their cousin, Laur.

"Pasok na ako!" Rayos waved her hand.

Cay's Zodiac (Completed)Where stories live. Discover now