Ace's POV
Nakatulala lang ako dito sa labas ng bahay habang nagduduyan at pinagmamasdan ang hampas ng alon. Minsan nakakalimutan kong nasa isang isla pala ako nakatira at nasa di kalayuan lang ang dagat.
Hindi rin naman ako mahilig lumangoy kaya madalas ay nasa dalampasigan lang ako. Naglalakad o kaya'y namumulot ng shells tapos binabalik ko rin sa dagat. Ang effort diba? Tapos binabalik lang sa dagat.
Minsan sa sobrang boredom, nawawala na rin sa katinuan kaya kapag nabobored ako ay napipinta ako hanggang sa mapagod. Ngayon na lang ulit nagbago ang routine ko nang dumating si Felix.
Bigla akong napatayo sa duyan ng patakbong hilahin ni Felix ang kamay ko.
Muntik pa nga ako madapa pero tinawanan niya lang ako.
Hambalusin kita diyan eh! Ang lakas ng tama nito. Akala mo naman close na kami.
"Hoy Felix! Bitawan mo nga ako! Ano ba'ng trip mo ha?!" Inis kong tanong sa kanya habang hila-hila niya ako papuntang dagat.
"Parang kailangan mo na ng Vitamin Sea Ace. As is S-E-A. Ang putla-putla mo na eh. Kung wala ako dito tapos nagkita tayo kung saan, hindi ko talaga malalaman na sa isang isla ka nakatira. Mukhang ka kasing galing ng North Pole." Natatawa niyang sabi.
"Bitawan mo na nga ang kamay ko." Sabi ko sabay hila sa kamay ko ng makarating na kami sa dalampasigan.
"Tatakas ka eh. Kaya N to the O, NO." Mas hinigpitan pa niya ang pagkahawak sa kamay ko.
"Ayokong maligo. Kung gusto mo magsolo ka. Ba't ka ba nandadamay?!" Naiinis kong sabi sa kanya at pilit paring hinila ang kamay ko.
"Kambing ka ba? Ba't ayaw mo'ng maligo?" Natatawa niyang tanong sa akin.
"Ng dagat kasi! Kaiinis! Naligo na ako kanina pwede ba?" Pagdadahilan ko. Eh naligo naman na talaga ako kanina.
"Paki ko?" Tinawanan niya lang ako at hinila na papuntang dagat. Para naman akong nakikipag tug-of-war sa kanya kasi hinihila ko rin ang kamay ko.
Nabasa na ang kalahating parte ng katawan namin kaya sumuko na rin ako. Ano pa'ng silbi ng pagpupumiglas ko eh wala naman akong kalaban-laban sa lakas niya tsaka basa na rin ako?
"Hindi ka parin ba marunong lumangoy?" Tanong niya sa akin ng nasa medyo malalim na parte na kami. Nasa dibdib ko na ang tubig.
"Marunong." Pagtataray ko sa kanya.
"Eh ba't ayaw mo'ng maligo?"
"Hindi lang ako mahilig. At tsaka ako lang naman din mag-isa dito. Paano kong malunod ako? Sinong sasagip sa akin?"
"Mga kaibigan mo pala?"
"Minsan lang naman sila dito. Sawa na rin 'yon sila sa dagat."
"Ako na lang."
"Ang alin?"
"Ang kasama mong maliligo. Ako magbabantay sa'yo."
"'Wag na! Baka lunurin mo pa ako."
"Ganyan ba talaga tingin mo sa akin Ace?""Deja vu?" Napakunot ang noo niya sa sinabi ko. "Mukhang nakalimutan mo na yata lahat ng mga pinagsasabi mo sa akin."
BINABASA MO ANG
MANA | A KENTIN AU
FanfictionDahil sa isang pangako, hanggang saan mo kayang protektahan ang taong kinasusuklaman mo?