Ace's POV
We stayed silent for a couple of minutes and then I asked him if I could talk to my parents alone which he gladly granted and left. He said he will just stroll around and to take my time.
Doon ko na kinwento sa kanila ang good news ko about sa lumitaw na witness. For two years, we had countless witnesses, but none of them helped. This time, we're positive that we could get a valuable info that could help us with the case.
This is my first visit to them with a lighter heart. I would always cry whenever I'm here to the point of losing consciousness just like what Felix witnessed. It's hard. Pain is always present as if I'm always sent back to the day it happened.
When I'm finished I called Felix to come back. When he came back, I excused myself too because I know he has something to say to them too.
"Let's go?" He said when we finished offering our prayers to them. I just nod at him.
We were walking the same trail as we went and just casually talking about random things.
tw // blood
"Shit!" Agad akong napalingon sa kanya at nakitang nakaupo na siya sa lupa habang nakahawak sa paa niyang nagdudugo.
"Ano'ng nangyari sa'yo?!" Pumunta agad ako sa tabi niya at tiningnan ang sugat niya.
"Nasipa ko yata 'yong matulis na bato." Nasa mabatong parte kasi kami at matatalim ang ibang bato dito.
"Ba't ba hindi ka nag-iingat?! Sana hindi na lang talaga kita sinama dito." Naiinis kong sabi sa kanya.
"Ang tanga kasi ng bato. Hindi umilag." Pabiro niyang sabi.
"At may gana ka pa talaagang magbiro Felix?! Akin na nga 'yang paa mo." Inilapit niya ang kaliwang paa niya sa akin at buti na lang hindi masyadong malaki ang sugat na natamo niya.
"Hoy! Ano'ng ginagawa mo?" Naguguluhang tanong niya sa akin habang pinupunit ko ang bandang laylayan ng t-shirt ko.
"Malayo-layo pa ang lalakarin natin tapos nakabukas lang yang sugat mo. Baka maubusan ka ng dugo. Gagamitin ko lang temporary bandage para matakpan 'yang sugat mo." Sabi ko at pinunit na ang damit ko. Buti na lang at oversized shirt ang suot ko ngayon.
Dahan-dahan ko ng binandage ang sugat niya para tumigil ang pagdurugo nito.
"Kaya mo bang maglakad?" Nag-aalalang tanong ko sa kanya.
"Oo naman. Maliit lang naman 'to. 'Wag kang mag-alala. Kaya ko."
Inalalayan ko siyang tumayo at sinubukan niyang maglakad mag-isa pero hindi niya mabalanse ang katawan niya dahil hindi niya maapak ng maayos ang kanyang paa dahil sa sugat.
"Tsk. Halika nga rito. 'Wag mo ng ipilit baka bumukas pa 'yan."
Inilagay ko ang kaliwang braso niya sa balikat ko at ang kanang kamay ko sa bewang niya para alalayan siya. Napaigtad naman siya sa ginawa ko.
"Nakikiliti ka ba?" Tanong ko sa kanya pero mabilis naman siyang umiling. Weird.
Kung mabagal kami kanina no'ng paakyat. Mas mabagal pa kami ngayon pababa. Aabotan yata kami ng gabi sa daan.

BINABASA MO ANG
MANA | A KENTIN AU
Fiksi PenggemarDahil sa isang pangako, hanggang saan mo kayang protektahan ang taong kinasusuklaman mo?