MANA 10

286 8 0
                                        

Ace's POV





Madilim na ang paligid dahil sa sobrang itim ng langit kahit alas kwatro pa lang ng hapon. Nagsisimula ng umulan sa labas at lumalakas na rin ang hangin. Sinarado ko na ang mga bintana at pintuan. Nang masigurado kong okay na ang lahat ay umakyat na ako sa kwarto ko. Wala na rin akong balak maghapunan kasi wala akong ganang kumain.



Naririnig ko na ang mga kulog at kidlat kaya sinuot ko na ang noise cancelling headphone ko at nagtago sa ilalim ng kumot ko.



Let me get through the night, please.



Ito 'yong mga panahong mas namimiss ko sila mama at papa. Wala na kasi akong masasandalan pa.






Felix's POV



Bumuhos na ang malakas na ulan hudyat na nagsisimula na bagyo. Kaya maaga akong nagluto ng pagkain para makapaghapunan na kami agad.



Matapos kong magluto ay hindi ko na nakita si Ace matapos niyang isecure na close ang bahay. Parang nagmamadali pa nga siya kanina paakyat ng kwarto niya.



Gumagabi na pero hindi parin siya bumababa para maghapunan. Usually 7 PM ang schedule naming kumain pero dahil nakapagluto na ako ng maaga ay mga 6:30 ready na ang pagkain. Hinihintay ko na lang siyang bumaba galing sa kwarto niya. Nakailang text na rin ako sa kanya na kakain na pero wala parin akong natanggap na reply mula sa kanya.





 Nakailang text na rin ako sa kanya na kakain na pero wala parin akong natanggap na reply mula sa kanya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.



*knock* *knock*



"Ace" Nakailang tawag na ako sa kanya pero hindi parin siya sumasagot. Ano kaya'ng nangyari doon?



"Ace kain na." Kinatok ko siya ulit baka hindi lang niya narinig.



"Ace, papasok na ako kapag hindi ka pa lalabas diyan." Malakas na rin ang ulan sa labas kaya baka hindi niya talaga siguro ako naririnig na kumakatok.



Dahil impatient akong tao, pinihit ko na ang door knob ng pinto niya pero nakalock ito.


Madali naman siya nagigising ah kapag kinakatok ko siya. Something's not right.

MANA | A KENTIN AUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon