MANA 1

493 8 1
                                    

The following scenes contain:
tw // depiction of kidnapping , captivity



Third Person's POV


"Sino ka?" Madilim ang paligid at hindi halos maaninag ng binatilyong nakakulong ngayon sa isang kwarto ang isang lalaking nakatayo sa pintuan.

"Hindi ako sinuka." Madilim man ay inirapan nito ang kaharap dahil sa mapang-inis nitong sagot.

"Tatawa na ba ako?" May halong inis niyang sabi sa kausap.

"Go."

"Ano'ng ginagawa ko rito? Sino kayo? Ba't ako nandito? Ano'ng gagawin niyo sa akin?" Sunud-sunod nitong tanong dahil gulong-gulo na rin siya sa mga nangyayari.

"Hold-up! Kalma. Isa-isa lang, mahina ang kalaban."

"So kalaban ka nga?"

"Ano sa tingin mo?"

"Wala ka pang sinasagot sa mga tanong ko. 'Wag mong iniiba ang usapan." Madilim man ay matatalim na tingin ang binato nito sa kausap.

"Ang init naman ng ulo mo." Lumapit ito ng bahagya sa kama kung saan nakaupo ang isang binatilyo pero nanatili itong nakatayo. "It's not the right time to answer your question. 'Yon lang ang masasagot ko sa ngayon. Kaya 'wag ka ng makulit. Tama na ang tanong."

"May magagawa pa ba ako?"

"Wala."

"Sabi ko nga." He said in defeat.

"Ano'ng pangalan mo? Kahit 'yon na lang or kung gusto mo hoy na lang tawag ko sa'yo." Sarkastiko nitong sabi sa kausap na hanggang ngayon ay hindi parin niya alam ang pagkakakilanlan.

"Jayce or just call me Ace like the old times."

"Ace? Ace de Dios?"

"So now you remember me?" Nakangising sagot nito na mas lalong nagpa-init sa ulo ng kaharap. "It's been a long time Felix." Biglang nagliwanag ang paligid hudyat na bumalik na ang kuryente.

Nang makumpirmang isang de Dios nga nag nasa harap niya ay sinunggaban niya agad ito at kinwelyuhan. Bakas ang galit sa mga mata nito habang hindi parin nawawala ang mapang-inis na ngiti ni Ace. Nakakuyom naman ang kanyang mga kamao at handa na nitong basagin ang mukha ng kaharap.

"Hindi ka ba natutuwang makita ako Liam?" Tila bumalik ang mga alaala nito ng marinig ulit ang pagtawag sa kanya ng 'Liam'.

Noong bata pa sila at wala pang alitan ang kanilang pamilya ay matalik na magkaibigan ang dalawa at tanging si Ace lamang ang pinahihintulutan niyang tawagin siya nito. Isang pangako na hindi niya aakalaing mapapako. Ngunit, hindi siya natutuwa ngayon.

Matagal na panahon ng hindi nagkita ang magkababata. Simula ng pinaghiwalay sila ay hindi na sila nagkita pa. Not until now.

"It's been a long time I guess, but I'm not happy meeting you again. Matutuwa lang ako kung makita kong basag 'yang pagmumukha mo."

"Then go. Basagin mo ang mukha ko." Mapanghamong sabi nito pero taliwas sa sinabi ng binata ay tinggal nito ang pakakahawak sa kwelyo ni Ace at binaba nito ang kanyang kamay.

"May natitira pa naman akong kaunting awa sa'yo kaya magpasalamat ka."

"Okay? Thank you?" Hindi alam ni Liam kung iniinis lang ba talaga siya nito pero effective kasi sobrang naiinis siya sa taong nasa harapan niya.

MANA | A KENTIN AUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon