MANA 13

266 8 0
                                        

Felix's POV




"Ano'ng nangyari sa pintuan ko?!" Inis niyang tanong sa akin. Parang nagpipigil lang siyang sapakin ako eh.



"Ace, magpapaliwanag ako." I said raising both of my hands in defeat.



"Kailangan pa ba 'to ng paliwanag?!!" Mataas na naman ang dugo niya.



"Ginawa ko lang naman 'yan kasi nag-alala ako no'ng hindi ka sumasagot sa mga chat at mga katok ko. Akala ko kung ano ng nagyari sa'yo. Masisisi mo ba ako?"



"Iniwan mo na lang sana ako. Haay naku talaga Felix! Umagang umaga pinapainit mo ang ulo ko."


"Hindi ako magsosorry Ace kung 'yan ang gusto mong marinig sa akin. Ginawa ko ang dapat gawin sa sitwasyon na 'yon." I said in my defense.



"Ah talaga ba Felix? Hindi ko naman hinihingi ang sorry mo kasi hindi naman 'yan kayang ayusin 'tong sirang pintuan ko. Ang gusto ko ayusin mo ito. Ngayon din. Ikaw ang sumira so ikaw rin ang mag-aayos. Maliwanag?" Pagtataray niya sa akin.



Halikan kita diyan eh! For sure tatahimik ka na naman. Pero joke lang syempre baka tuluyan na akong sapakin nito.


"Wala naman tayong extra door knob eh. Ganyan na lang para fair. 'Yong pintuan ko nga hindi ko masarado kasi sira at baka makulong pa ako sa loob. Pagtiisan mo na lang 'yan Ace. Wala naman akong gagawing masama sa'yo."



"Hayy naku Felix. Kumukulo dugo ko sa'yo." Napahawak pa siya sa batok niya habang nagsasalita.



"Gutom lang 'yan Ace. Tara kain tayo. Nagluto ako ng adobo." Hinila ko siya sa kusina at siya'y nagpahila rin. Gutom na talaga siguro 'to kaya mainit na naman ang ulo.

 Gutom na talaga siguro 'to kaya mainit na naman ang ulo

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
MANA | A KENTIN AUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon