MANA 20

266 10 1
                                        

Felix's POV




"Sir may package po. Nakapangalan po kay Sir Felix Liam Suson."




Andito kami sa may dining area ngayon kumakain ng agahan at naririnig ko na ang delivery guy na may dumating raw na package para sa akin.



The game begins.




Lumapit sa amin ang isa sa mga bodyguards namin.




"Sir may package daw po si Sir Felix."




Kinakabahang tumingin si Papa sa akin tila alam na kung ano ang package na dumating. Alam naman niyang wala ng ibang magpapadala sa akin kasi kahapon lang naman ako dumating.




"Icheck niyo muna kung ano ang laman." Utos ni papa sa kanya.



"Yes sir." Mabilis niyang tugon at lumabas uli ng bahay para buksan kung ano ang laman ng package para sa akin.




Tiningnan ko ang ekspresyon ng mukha ni mama at tila naguguluhan siya sa narinig.








tw // mention of death threat







Tama kayo, pinadalhan ko ang sarili ko ng package na naglalaman ng death threat gamit ang mga pinadala ni mama sa akin dati.



I can't wait to see your expression seeing the same death threat that you've been sending me the whole time.




Makaraan ang ilang minuto ay bumalik ulit ang body guard na inutusan ni papa at ngayon may mga kasama na siyang ibang bodyguards.




"Sir letter po at isang . . . saka na lang po kapag natapos na po kayong kumain." Nagdadalawang pa sila kung sasabihin ba nila o hindi.





"No. Say it now." Utos ni papa.





Alam na ni papa kung ano ang kasama sa sulat dahil nakikita naman niya 'yong mga pinapadala sa akin dati. Siguro gusto lang niyang makasiguro na iisang tao lang ang nagpadala. Sa tinagal ng panahon na nakatatanggap ako, hindi naman nag-iba ang mga pinapadala niya.







tw // mention of a dead rat






"At . . . isang patay na daga po." Nakayukong sabi niya.




When I see her expression, she seems shocked and puzzled about the package that I received kasi siguro sa isip niya ay hindi naman siya ang nagpadala no'n, but it's identical to what she's been sending me.




"Ipatrace kung sino ang nagpadala niyan!" Nanggagalaiting sabi ni Papa habang nakakuyom ang kamao.




"Yes sir."





"Pa, I know someone na magaling magtrace. I met him during my vacation. Maybe I could ask for his help." Singit ko sa usapan nila. Lumingon si papa sa akin at bakas parin ang galit sa mukha niya.





"Okay son." *deep sigh* "We need to know as soon as possible."





"As early as tomorrow, we will get the result na." I assured him.




"Great"




"Ma, you wanna see what I've been receiving since nalaman kong ako ang heir?" Ibinaling ko ang tingin ko kay mama na namumutla na ngayon.




MANA | A KENTIN AUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon