Felix's POV
"Paano nangyari 'to?!" Galit na galit na tanong ni Papa habang binabasa ang file na pinadala ni Paul na naglalaman ng impormasyon kung saan nanggagaling ang package na natanggap ko kahapon.
Andito rin si mama sa sala kasama namin at kinakagat na ang kuko niya dahil sa kaba.
tw // mention of death threats
"Hindi ko rin alam Pa. All along kasama lang pala natin dito sa bahay ang nagpapadala ng death threats sa akin? No wonder alam na alam niya kung saan ako. Like kahapon, alam niya na andito na ulit ako kaya dito na niya pinadala ang package."
"Yeah right. Bakit ba hindi ko naisip ang posibilidad na 'yon? Totoo naman 'tong results diba?"
"Oo naman pa. Magaling 'yan. Nakikilala ko siya no'ng nagbakasyon ako." Pagdedepensa ko. Tumango tango lang siya habang nakatingin sa document na hawak niya.
Sinenyasan niya ang isa sa mga bodyguards na pinagkatitiwalaan niya. Bata pa lang ako ay siya na ang naging bodyguard ni papa.
"Halughugin niyo ang buong bahay kasama na ang mga quarters ng mga trabahante. Kung may makita kayong kahinahinala sabihin niyo agad sa akin."
"Yes Sir."
"Hon, do you think you're going overboard? What if mali pala ang nasa document na 'yan? Nag-aaksaya lang tayo ng oras. Dapat ngayon hinahanap na natin ang last will and testament ni papa. 9 days na lang at birthday na ng anak natin." Pagsingit ni mama sa usapan.
"No hon. We need to do this. Nanganganib ang buhay ng anak natin. Kung hindi natin malaman kung sino ang may pakana nito habang may oras pa ay baka mahuli na ang lahat." Tumingin si papa sa akin na may takot sa mata. "I don't want anything to happen to our son. Mas importante ang kaligtasan niya kesa sa yaman na 'yan."
Natahimik si mama sa sinabi ni papa.
Makalipas ang ilang oras ay bumalik na ang mga bodyguards matapos nilang gawin ang inutos ni papa sa kanila.
"Sir wala po kaming nakitang kahinahinala."
"Inayos niyo ba ang paghahanap?" Tanong ni papa sa kanila habang nakapamewang.
"Yes sir pero wala po talaga kaming nakita."
"Sige. Bumalik na kayo sa lugar niyo. Ireport niyo agad sa akin kung may makita kayo." Utos ni papa sa kanila
"Yes sir."
BINABASA MO ANG
MANA | A KENTIN AU
FanfictionDahil sa isang pangako, hanggang saan mo kayang protektahan ang taong kinasusuklaman mo?