MANA 3

314 6 0
                                        

Liam's POV


"Still planning on escaping?" Andito ako sa kwarto habang pinagmamasdan ang bangkang papalayo sa amin. Sakay nito ang tatlong kasabwat ni Ace. Narinig kong tinawagan nila ito kanina na magpapasundo na sila. Saan nga pala ang cellphone ko?

"Paano ka tatakas niyan kung wala kang lakas?"

"Kumain ka muna." Dagdag pa niya. Inilapag niya ang isang tray ng pagkain sa bedside table ko.

"Hindi ako kakain ng pagkaing galing sa'yo. Baka nilagyan mo pa 'yan ng lason."

"'Yan ba talaga ang tingin mo sa akin Liam?"

"Stop calling me Liam! Nakaririndi!" I howled at him. Bakas ang pagkabigla sa mukha niya dahil sa sinabi ko.

"May masama naman talaga kayong plano sa akin diba? Kaya niyo nga ako dinala dito. Kaya 'wag kang umaktong nag-aalala ka sa akin. For all I know it's part of your plan." Dagdag ko pa.

"Kung ayaw mong kumain, fine! Hindi kita pipilitin. The hell I care!" Frustration is evident on his face. "Wala akong pakialam kung magutom ka. Bilin lang 'to sa akin, sinusunod ko lang." Sabi niya sabay kuha sa pagkaing nilapag niya sa bedside table at tumalikod sa akin at lalabas na sana ng kwarto.

"Patayin mo na lang ako. Ba't pinapatagal mo pa? 'Yon naman talaga ang plano mo diba?" Hinarap niya ako pabalik.

"Alam mo kung hindi lang dahil kay lo-whatever. I won't argue with you anymore. Wala ring patutunguhan ang pag-uusap natin."


"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Where's my phone?" Tanong ko sa kanya.

"Tinapon ko." Tipid niyang sagot na nagpainit na naman ng ulo ko. "Kung nagbabalak kang humingi ng tulong, 'wag ka ng umasa. Hindi nila matatanggap ang tawag or text mo."

"Pero narinig kong may tinawagan 'yong Jacob kanina no'ng nagpasundo sila."

"Observant ka pala. Well, just so you know encrypted lahat ng communications dito. No one will know. Now one will see. Forte 'yan ni Jacob."

So they have a hacker? Or an IT? I don't know what they call it.

"Kapag kumain ka, bibigyan kita ng cellphone para naman malibang ka kahit papano. 'Wag mong isiping concern ako sa'yo kasi hindi." Dagdag pa niya. Inilapag niya ulit ang platong may pagkain at tuluyan ng lumabas ng kwarto ko.

Hindi naman siguro gano'n kagaling ang Jacob na 'yon diba? I doubt! Mukhang bano naman 'yon.

Wala na akong nagawa kundi ang kumain. Nang maubos ko na ang pagkain ko ay agad ko siyang pinuntahan sa kwarto niya at naabutan ko siyang busy sa cellphone niya.

MANA | A KENTIN AUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon