Felix's POV
Alas syete na ng umaga pero madilim parin ang paligid. Nagbabadya na naman ang ulan. Lumabas ako ng kwarto ko at tumungo sa kwarto ni Ace para icheck kung gising na siya.
Nang ilibot ko ang paningin ko sa kwarto niya ay tumambad ang mga boxes at mga gamit niya sa sahig na hindi pa niya naliligpit.
Dahil wala akong magawa ay liligpitin ko na lang itong mga kalat niya. Baka sakaling maging mabait na siya sa akin.
Isa-isa ko ng pinasok ang mga gamit niya sa mga boxes na nakakalat dito sa kwarto niya ng may mahagip ang mata ko na isang pamilyar na bagay.
Nanginginig man ang mga tuhod ko ay pinuntahan ko ang bagay na 'yon upang makasiguradong mali ang nakikita ko.
Nang makalapit na ako ay parang naestatuwa ako sa kinatatayuan ko habang nakatingin sa bagay na 'yon.
Isang sulat. Sulat na hinding hindi ko kailanman hahangaring matanggap.
Kahit nanginginig ay inabot ko ang papel at binasa ang nakasulat dito.
What??? Akala ko ba?? Hindi pala? So sino???
Ace's POV
Hindi ko na alam kung anong oras na kaya kinuha ko ang cellphone ko sa bedside table. 7:34 AM na pala. May ulan parin pero hindi na ito masyadong malakas at makulimlim parin sa labas.
"Gising ka na pala." Napalingon ako sa nagsalita at nakita si Felix na hawak-hawak ang isang papel-Damn!
"Ba't ka ba nangingialam ng mga gamit ko?!" Bulyaw ko sa kanya.
Tumayo ako at lumapit sa kanya para kunin ko sana ang papel sa kamay niya pero inilayo niya agad ito sa akin.
"What is this Ace? Bakit meron ka ring ganito? At bakit naka-address sa'yo?" Nalilitong tanong niya sa akin.
"Wala ka na doon Felix. Ibalik mo na 'yan sa akin." Mariin kong sabi sa kanya.
tw // mention of death threats
"Hanggang kailan mo itatago sa akin na nakakatanggap ka rin ng death threats? Hanggang kailan mo itatago sa akin na hindi pala galing sa'yo ang mga natatanggap ko ring death threats? Wala ka ba talagang balak ideny 'yon? Ace naman, ba't mo ako pinagmumukhang tanga?" He said in frustration.
"Pinaniwala mo lang naman ang sarili mo na sa akin galing 'yon eh. Hindi ko kailanman inako 'yon Felix." I said as a matter of fact.
BINABASA MO ANG
MANA | A KENTIN AU
FanfictionDahil sa isang pangako, hanggang saan mo kayang protektahan ang taong kinasusuklaman mo?