#WDBHG? (1) Friendship Over

29 0 0
                                    

Paulit-ulit kong pinapatugtog sa Music Player ng cellphone ko ang kantang Where do Broken Hearts Go. Kahit alam kong kantahin ito at alam ko ang mga bawat lyrics nito hindi ko pa rin ito nadarama.


Maybe this song is not for me, kasi nga naman NBSB ako (No Boyfriend Since Birth) at never ko pang naramdaman iyon.


"Hi bestie! Ohh yan nanaman ang pinapakinggan mo. Bakit nagmahal ka na ba?" tanong ng bestfriend ko since birth si Diane.


"Alam mo bestie, just shut up and eat okay? Saka, favorite ko kasi si Whitney Houston kaya meron talaga sa play list ko tong kantang ito kaya nga favorite ko eh." sabay ngiti.


"Hay nako kahit na ba anong sabihin mo eh ayan ko naka-repeat lang. HAHA, Nako Imee wag mo rin akong lolokohin kasi kaya nga bestfriend mo ko di ba?" niyakap niya ako at sabay dukot sa kinakaen ko.


"Hay nako, alam ko kaya nga di ba bestfriend kita kaya wag ka ng mainggay diyan baka sabihin nila makaluma ako nakakahiya naman." sabi ko kay Diane na kasalukuyan naman na nakatingin kay Renel.


Si Renel ang first crush ni Diane sa campus namin, Eh Orientation palang namin tinamaan na itong bestfriend ko eh.


"Alam mo tara na, umaasa ka nanaman diyan kay Renel. Alam mo naman na may pagkachickboy yan diba?" hinila-hila ko si Diane para pumunta na kami sa canteen.


Kasi itong bestfriend ko kahit di pa niya boyfriend iniiyakan niya na. Di ba napaka-assuming kasi nito kausapin lang siya or itext iba na iniisip. Kaya ayun kapag nakita niya na may ibang ka-holding hands umiiyak siya at hindi niya naman pwedeng sugurin kasi wala naman siyang karapatan kasi wala namang SILA. Ahaha...


"Nakakainis ka naman eh. Nagpapapansin na nga ako di ba? Ikaw talaga." inis na sabi sa akin ni Diane.


"Umayos ka nga, Alam mo hindi mo dapat pinagtutuunan ng pansin ang mga ganyang lalaki. Mga Chickboy. Tsk" sabi ko.


"Excuse me miss, wag mo naman lahatin ang lalaki noh. Hindi naman lahat chickboy." sabi ni Jefferson.


"Kuya, unang-una hindi ko naman nilahat eh. Saka pangalawa bakit nakikisabat ka nanaman huh?" sabi ko kay Jefferson. Si Jefferson na masugid kong manliligaw kasama niyang manligaw ang mga kaibigan niya. TAKOT kasi.


"Jeff kasi napaka-torpe mo. Kaya ganyan kaibigan ko hindi niya pa alam ang magkaroon ng BF." sabi naman ni Diane.


"Ayy nako, bestie kung ginaganyan mo ako hindi ako matutuwa." bulong ko kay Diane. Wala talaga akong nararamdaman kay Jefferson.


Kahit isang pursyento. Kahit pigain niyo po ako wala po akong nararamdaman sa kanya.


"Bakit kasi hindi mo pa payagan na pumasok siya sa puso mo? Ang tagal na kasing kumakatok." sabi naman ng kaibigan niyang si Aldro.


"Eh wala kasi akong nararamdaman diyan sa kaibigan niyo eh. Wag kasi ako ang paglalaruan niya paki sabi sa kaibigan niyo, Saka wala po kasi akong balak na mag-boyfriend kasi wala naman pong magandang maidudulot yan sa akin eh." kahit alam kong mali ang sabihin sa harapan ni Jeff. Yun ang nararapat kasi di niya ako titigilan hanggat hindi siya nakakarinig ng panget mula sa akin.


"Ui bestie, wag ka naman ganyan." bulong sa akin ni Diane nung pagkaupo ko. Tumayo talaga ako sa kinauupuan ko para lang sabihin yun.


I easily felt guilty but I think okay lang iyon.


tigilan mo na lang Jeffrey mukang ayaw naman kasi sayo eh. Wag mo ng ipagpilitan ang sarili mo sa kanya. Marami pang iba diyan.


Narinig kong bulong ng isang kaibigan niya. Di ko alam parang naguiguilty ako sa ginawa ko pero nararapat lang iyon para sa kanya.


Kasi ayokong mapaglaruan.


-------------------------------------------


FRIENDSHIP OVER CAST:


Nadine Lustre -- Imee

James Reid - Jefferson

Yassi Pressman - Diane

Jane Oineza - MayJoy

Manolo Pedrosa - Adrian

Where do broken HEARTS Go?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon