#WDBHG? (2) After All

6 0 0
                                    

justin's POV

After 3 months ...

"Alam mo hindi ko alam kung sinusundan mo ba ako o hindi ah. Talagang sa dinami ng lugar sa buong bansa dito mo rin naisipan pumunta." Oo, hindi kayo nagkakamali, I'm talking to Christine. Andito din kasi siya sa Paris ...

"Excuse me, I am not following you .. I just really love to bake and I know that here in Paris maaayos ko yun .." sabi nito sa akin ... "Eh ikaw?" sunod na tanong nito sa akin ..

"Magluto, yun ang gusto ko. Gusto ko kasing magkaroon ng sariling Restaurant balang araw. And I know hindi ako makakapag-concentrate kung nasa Pilipinas ako. Teka .. bakit di mo sinabi sa akin about dito?" tanong ko kay Christine ..

"Excuse me, You don't need to know everything!" pagsusunget nito ... "Okay ... My Ate is working here in Paris and she told me that here in Paris I can move on because of the weather..." malungkot na sabi nito ..

"So gaya-gaya ka talaga no?! Sa dami ng lugar na pwede kang mag move on dito rin?" sabi ko sa kanya. Naghiwalay na kasi sila ng Boyfriend niyang mayaman ..

"Wag kang ganyan, mamaya ma-inlove ka sa akin niyan ..oOps.. Kay Venus lang pala ang puso mo di ba?" bawi niyang sabi. 

Ngumiti lang ako at nag-isip ng malalim. Hindi ko ba alam kung anong buhay ang naghihintay sa akin dito sa Paris. But I'll make sure that I will become a Chef when I go back again to Philippines.

------------------------

VENUS' pov

"Ganon po ba Tita? Hindi po kasi nagsasabi sa akin si Justin, tatlong buwan na rin po kasi ang nakakalipas di rin po siya nagtetext ...Nasa Paris na po pala siya .." andito ako kila Justin ngayon para sana humingi ng tawad sa kanya. Dahil sa nagawa at nasabi ko sa kanya after ng nangyare noong Graduation Party namin ..

"Tara na kaya di ba? We are just wasting our time here, Thank you po Tita .." hinila ako ni Madonna palabas. 

"Ano? Iiyak ka? Sisigaw ka? Ano?" sabi nito sa akin, nakalayo na kami sa bahay nila Justin ..Tama ang mga sinabi ni Madonna, naiiyak ako, gusto kong sumigaw pero hindi ko magawa ..

"Ano?!" tanong ulit nito sa akin. "My gosh Venus! Kung hindi mo kasi ginawa yung katangahan na yun di ba?" alam kong mali ko kaya hindi ko alam kung anong sasabihin ko ..

"Kahit na 1 buwan ko lang nakilala si Justin, alam kong mahal ka na niya..." sabi niya sa akin. Doon nagsimulang tumulo ang mga luha ko at humagulgol ..

"Alam ,mo?" tanong ko ...

"Hindi dahil sa sinabi niya halata naman eh. Di mo lang ramdam dahil meron si Christian .." sabi nito sa akin ... 

Hindi ko na alam pa ang sasabihin ko basta ang alam ko lang hindi tama ang ginawa ko ..

"Bakit mo ba kasi nasabi yun? Ang ayos ng ginawa niya .." sabi sa akin ni Madonna, "Now what? Huli na ang lahat. Wala ka na rin magagawa ... " sunod nitong sabi ..

"I'll just want to say sorry .. That's all, mahal ko si Christian at di ko gustong masira iyon, saka ano ka ba bestfriend ko si Justin kay nasaktan din ako sa ginawa at sinabi ko sakanya." pagpapaliwanag ko kay Madonna.

"Ahh, okay maganda yan! Pero di ka mapapatawad nun! Kahit bestfriend kayo NOON. Kasi kung sa akin ginawa yun, yung ginawa mo baka isumpa pa kita .." galit si Madonna dahil andoon din siya nung mga pangyayaring iyon.

Ang pangyayare na hinding-hindi ko makakalimutan dahil sa pagkakamali din na nagawa ko na nasabi ko sa kanya, 

"Now what? Paano na yan?" tanong ko.

"Wag mo ng isipin si Justin. Kung totoo ang sinasabi mo na mahal mo si Christian wag ka ng ma-guilty. Kasi gaya ng sinabi mo kay Justin tama ang ginawa mo." sumakay na kami sa sasakyan ni Madonna.

Pero alam kong kailangan kong ma-contact si Justin. Pero mukang impossible na rin dahil wala na rin siyang FB account.

"Yaan mo na yun okay? Ohh, cellphone mo nagriring si Christian ata yan ..." sabi ni Madonna sabay pinaandar na ang sasakyan ...

Where do broken HEARTS Go?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon