#WDBHG? (2) After All

9 0 0
                                    

Si Venus Manzano ..


Isang sikat, matalino, maganda at napakabait na estudyante dito sa Arellano University. Siya na ata ang babae na pwedeng kantahan ng NASAYO NA ANG LAHAT Ni Daniel Padilla...


"Huy bestfriend! Ano na hindi ka pa ba tapos diyan?" tanong sa akin ni Venus.


Siyempre ang sikat na babae sa buong Campus ay may bestfriend ding sikat ako din siyempre ah? haha ^_____^


"Ohh.. anong ginagawa mo? Akala ko ba aalis ka na? Hoooyy .. wag nga yang laptop ko ..." inaagaw kasi lagi ni Venus ang laptop ko balak niya kasing tignan ang ginagawa ko sa laptop ko. Eh isa ngang malaking sekreto eh.


"Nakakainis ka na Mr. Justin Cuevas! Bakit ba kasi ano bang andiyan sa laptop mo at hindi mo pinapakita sa akin yan... " pagtatampo nito sa akin .. Siyempre pa-cute nanaman naka-pout nanaman ang labi niya ...


"Wag ka na ngang pa-cute diyan. Bakit ba gustong-gusto mo makita ang laptop ko?" tanong ko sa kanya.


"Grabe naman, naging ano pa at naging magbestfriend tayo? Dati naman pinapahiram mo pa sa akin yang Laptop mo nung elementary tayo ah? Kahit nung highschool tapos ngayon hindi na...."


"Nagtatampo ka pa rin ba? Hindi kasi lang naman ano eh. Ikaw talaga bestfriend. Halika lilibre kita ng favorite mong yema cake.. Dalawang slice sayo..." sabi ko dito.


Yema cake lang kasi ang paraan para magbati kami nito eh. Spoiled ito sa aking bestfriend ko eh..


"Talaga?" nakangiti niyang sagot sa akin ...


"Oo, para okay ka na... Ikaw kasi tatampo-tampo ka pa sa akin eh. Lika na nga.. Doon tayo sa dati .." sabi ko ...


————————————


"Ang sarap talaga ng Yema cake!! Wooooah!! HEAVEN! Thank you bestfriend." hinalikan niya ako sa cheeks at pinagpatuloy ang pagkain ng yema cake..


"Kadiri ka naman.. hinalikan mo pa ako sa cheeks..." pinunasan ko ng panyo ang pisngi ko at tinignan ko ulit siyang kumaen. Tsk, parang bata lang hehe..


"Kadiri ka diyan, eh dati naman na kitang hinahalikan diyan ah? Dami mong arte... Daming nagbago sayo ..." sabi ni Venus.


"Ano ka ba, hindi na tayo mga bata .. Venus tandaan mo magkakaboyfriend ka rin ..." kahit sa sarili ko gusto kong ako ang maging boyfriend niya pero wala akong lakas ng loob sabihin sa kanya dahil alam ko ang limitation. Hanggang kaibigan lang ...


"Wala akong panahon sa boyfriend na yan. Unless ikaw gusto mo ng magkaroon ng girlfriend?" tanong sa akin ni Venus habang nakangiti ..


"Hay nako. Tama na nga ano ipipilit mo nanaman ako kay Christine? tigilan mo nga ako..." Si Christine kasi yung may gusto sa akin na childhood friend din namin ni Venus pero wala akong gusto sa kanya dahil kilala niyo naman kung sino ang gusto ko.


"Ohh bakit? Bagay kaya kayo.." pilit niya.


"hay ... aalis na ako may class pa ako.." kinuha ko ang bag ko at umalis na...


"Hala naman itong bestfriend ko naiinis nanaman...." hinarangan niya ang daraanan ko. Pero pilit akong umiiwas. Parang patentero...


"Sorry na bestfriend.. Ohh sige hindi na kita ipipilit kay Christine. Bati na tayo huh?" hinalikan niya ulit ako sa cheeks at tumakbo.


Hay nako Venus....parang bata ...


———————————————————————————-


After All Cast:


Kathryn Bernardo bilang Venus

Daniel Padilla bilang Justin

Jerome Ponce bilang Christian

Ella Cruz bilang Christine

Where do broken HEARTS Go?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon