#WDBHG? (2) After All

7 0 0
                                    

"Ano ba yan may flower nanaman sa chair ko .... Isang buwan na itong si Mystery Guy.." naiinis na sabi ni Venus sa akin ..


"Baka naman talagang gusto ka ng taong nagbigay niyan?" sabi ko kay Venus ,,, "Ohh may letter pa ohh" ...


Binasa niya ang letter.. "Alam mo kung sino man ito sabihin na niya kasi para hindi na siya nahihirapan pa .."


"Bakit anong ibig mong sabihin ?" tanong ko pero may halong kaba ..


"Ano ka ba yung isang shoe box puno na ng red roses tas ng letter ... Kung hindi pa siya aamin sa akin baka mas lalo lang akong mainis sa kanya .." sabi nito at umupo na sa upuan niya at tinago ang rose at letter sa bag niya ..


"Kamusta naman kayo ni Christian ?" tanong ko ..


"Ayun okay lang naman bestfriend .. Nakakainis ka nga hindi ka man lang sumama sa amin kahapon nag-arcade kaya kami .. bakit lagi ka nalang humihiwalay sa amin?" tanong niya sa akin ...


"Kasi ano ..." hindi ko alam ang idadahilan ko sa kanya dahil ayoko naman malaman niyang pinupush ko siya kay Christian dahil baka magalit lang siya sa akin ...


"Yaan mo na nga .. basta bestfriend sama ka sa amin minsan huh? Para naman mas masaya .. Panget kasi kapag kaming dalawa lang .. Masyado siyang caring .." sabi nito ...


"Ayaw mo nun .. inaalagaan ka?" tanong ko ....


"Ayuko ng ganun ... Over Protective naman kasi ee .." sagot nito sa akin ...


"Hi!" biglang bati ni Christine ... Tignan ko si Venus parang wow aa hindi ko inasar nito kay Christine ...


—————————————————————-


"Tara na bestfriend uwi na tayo .. Don't tell me na hindi ka nanaman sasabay?" tanong sa akin ni Venus ... Tinignan ko si Christian at mukang sa sinesenyas nito ay ayaw gusto niyang masolo si Venus ..


"Hindi na muna Bestfriend .. Sige lang una ka na .. maggagabi na ..." sabi ko dito ..


"Oo nga tara na Venus .. " umalis na ang dalawa at nakaakbay pa si Christian dito ..


Masakit ulit makita ang mga ganitong pangyayare .. Parang sinasaktan ko nanaman ang sarili ko ..


"Sabi sayo eh ... May gusto ka kay vENUS .... Di mo lang masabi sa kanya .." biglang sumulpot ulit itong si Christine ..


"Alam mo para kang kabute ... kung san san sumusulpot .." sabi ko dito ..


"Grabe ka naman .. Di naman .. sadyang napapansin ko lang talaga kasi sa inyo yun eh .. At sinasaktan mo lang sarili mo .. Nang sobra ..." sabi ni Christine sa akin .. Di ko namamalayan na sabay na pala kaming papunta sa paradahan ng jeep ...


"Hindi naman sa ganoon Christine .." sagot ko rito ..


"Alam mo hindi mo naman kasi ako dapat layuan .. Kasi inamin ko lang naman na may gusto ako sayo before kasi may gusto lang akong makitang reaction." naguguluhan ako sa sagot ni Christine kaya sympre tinanong ko siya kung anong ibig sabihin niya pero nginitian lang niya ako..


Weird...


"Oh sige na Justin aalis na ako anjan na sundo ko ..." pagtingin ko isang de-kotse ang nagsundo sa kanya ...


Napanganga ako dahil hinalikan niya sa labi ang lumabas sa driver's seat at pagkatapos noon ay nagbabye si Christine sa akin at sumakay na ng sasakyan...


Yun ba ang ibig niyang sabihin sa akin?


So feelingero lang ako? Feeling gwapo na hinahabol-habol lang ni Christine ... Napangiti na lang ako habang nag-aabang ng jeep nakita ko si Venus na mag-isa na papunta sa akin ..


"Bestfriend ..." tawag nito sa akin..


Nagulat ako dahil niyakap niya ako. "Bakit?" tanong ko dito..She just smiled at biglang tumakbo ulit papalayo...


Sinundan ko nang tingin kung san siya pupunta nakita ko si Christian na naghihintay sa kanya at nakangiti rin.


Anong ibig sabihin non?

Where do broken HEARTS Go?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon