#WDBHG? (2) After All

6 0 0
                                    

VALENTINES DAY ...

Lahat ng student sa school busy ..

Lahat sila may mga regalong dala para sa mga liligawan nila o mga ka-relasyon nila ... 

May mga magkakaholding hands sa lobby ...SWEET nga ng mga tao ngayon .. Grabe so it means that every Valentines Day lang ba dapat sweet ang bawat tao?

"Huy! Ang lalim naman ng iniisip mo!" nagulat nanaman ako dahil itong si Christine ay nag-appear nanaman.

"Alam mo, pasalamat ka at wala akong sakit sa puso.. Lagi ka nalang biglang nag-aappear eh ,," nagpout siya at inayos ang hair niya na bagong rebond.

"Hay nako. Ayos ba ang hair ko? Maganda na ba ako? Siyempre alam ko oo, kasi magdidate kami ng Jowa ko mamaya kelangan pretty ako di ba?" sabi nito with matching smile pa .. 

"Hay nako, hindi mo na kailangan pang magpaganda. Kasi kung talagang mahal ka niya kahit anong itsura mo tanggap niya ..." sabi ko sa kanya .. Bahagya naman siyang natahimik at tumingin sa akin ... 

As in? Seryoso ang muka niya?

"Eh kaya nga di mo ako nagustuhan noon di kasi panget ako?" sabi niya with a serious face pa rin... Anong nakain nito at biglang nagkaganito?

"Seriously Christine? Do I need to answer your question?" tanong ko sa kanya .. Di ko alam kung tatawa ba ako o magiging serious din ba ako .. Ewan ko ba ...

After of 2 minutes of silence .. Biglang tumawa ng pagkalakas-lakas si Christine na halos lahat ata ng attention ng tao sa amin nakatingin ..

"Huy!" pagpapatigil ko dito ..

"Alam mo kasi ikaw ..." tawa pa rin siya ng tawa hindi niya tinatapos ang sinasabi niya dahil lang sa kakatawa ... "Kasi ikaw ....ang panget ng itsura mo ..... hahahahaha .. kapag alam mo yun." 

Sa sobrang hiya ko dahil sa lakas ng tawa niya umalis ako sa tabi niya .. WALKOUT ...

Sinundan naman niya ako at pinigilan .. Pero natatawa pa rin siya ..

"Alam mo anong nakakatawa TinTin?" tanong ko sa kanya ...

"Wow! Tintin ... parang tawag mo sa akin yan noong mga bata pa tayo ah? Ayiee,, Oh sige na sorry na ,. ikaw kasi msyado mong sineryoso yung sinabi ko sayo kanina na ano eh alam mo na .. Joke lang yun .. Alam ko naman kasi na hindi ako ang gusto mo talaga ... " pagpapaliwanag nito ..

"So kelangan talaga na tumawa ka talaga?" tanong ko ulit ..

"Alam mo naiinis ka na .. Chill ka nga lang .. Sorry na ..." nag nod na lang ako as a sign na okay na ... 

"Huy .. ano yan? Blue Magic? Wow, kanino mo naman ibibigay yan?" tanong niya sa akin .. Agad naman akong nahiya at tinago ang bluemagic na dala ko ..

"Alam mo wag ka naman ganyan. Wag mo ng itago .. Sino yang nililigawan mo huh?" pangungulit niya sa akin..

"Wala ..." sagot ko ..

"Wala?! Eh bakit ka may dala niyan? Oh baka naman binigay sayo?" tanong niya ulit sa akin ..

Hanggang sa umabot ang point na nagkukulitan nanaman kami .. Parang mga bata lang ... 

"Hay nako, Justin kilala kita .. siguro ibibigay mo yan kay ano ..."hindi niya na naituloy ang sinabi niya dahil napatid ito na agad ko naman siyang sinalo ..

Parang sa pelikula, ang mga labi naman ay malapit ng magdikit .. Pero walang malisya yun para sa amin ... 

"Sweet huh!" nang marinig ko ang tinig na iyon agad kong itinayo si Christine at nag-ngitian na lang kaming dalawa at nakita ko na si Chris at Venus ang magkasama ...

"Hi Venus .." bati ni Christine .. Ngumiti lang si Venus at pati na rin sa akin ..

"Sweet niyo naman .." sabi ni Venus ... pero malumanay ang boses nito ..

"Anong sweet? eh kayo nga diyan eh ... Yan ohh holding hands pa kayo .." sabi ko sa kanila .. Di ko alam kung mapapaluha ako sa nakita ko .. Mukang malalaman ko na ang hindi ko dapat malaman ...

"Siyempre bro .. KAMI NA!" natutuwang sigaw naman ni Chris.. 

"Talaga? Congrats huh?" sagot naman ni Christine ... at sabay kapit sa akin ..

"Eh ikaw bro?" tanong ni Chris ..

"Anong ako?"sagot ko.

"Kanino mo naman ibibigay yang malaking Blue magic na yan .. Ikaw ahh, di ka nagsasabi na may nililigawan ka na pala .." sabi nito sa akin .. 

"Oo nga Justin, di mo pa ako sinasagot huh ... kanino ba?!" pangungulit ulit ni Christine sa akin ..

Tinignan ko si Venus at nakangiti pa rin ito mukang masaya ..

"Ah ito ba? kay Christine ko ibibigay ito ..." ibinigay ko kay Christine ang Blue Magic na may laman na teddy bear ... Kinagula ni Christine ang pagbigay ko nito. Pero mukang nakisama naman siya at di na nagsalita pa ..

Binuksan niya ito ang regalo ko at natuwa naman ito kaya hinalikan niya ako pero sa di inaasahan sa labi .. Dahil lumingon din ako sa kanya ...

"Wow naman ..PDA Bro! haha" sabi ni Christian ..

 "Sorry ..." sabi ko kay Christine ..

"Kayo din pala sa end eh . Ayaw-ayaw ka pa nuon Justin ..." sabi ni Venus sa akin ..

"Di ba Venus ito yung favorite bear mo na gusto mong idagdag sa collection mo? Anyway favorite ko rin pala ... hiihi" sabi ni Christine kay Venus .. Tumingin sa akin si Venus at ngumiti lang ako ..

"Di mo sinabi babe na gusto mo rin pala ng ganon.. Don't worry bibilhan kita .." sabi ni Chris kay Venus ..

"Di na .. Sige na babe una na tayo ..." nagpaalam na si Chris pero si Venus ngiti lang ang binigay sa amin ni Christine ...

Nang makalayo na sila agad naman akong humingi ng tawad kay Christine ...

Okay lang naman daw sa kanya ...pero biglang niyang hinampas ang bear sa tiyan ko ..Na ikinagulat ko naman ..

"Alam mo ikaw!Hindi ako naniniwala na para sa akin ito .." sabi niya ..

Hindi na ako nakapagsalita pa dahil alam kong totoo ...

"Sabi na eh .. Alam mo hinihintay kong ikaw na lang ang mag-open sa akin Justin pero yun ehh kung ready ka na . Hindi ako galit sayo Justin huh.. Pero ayoko yung ginagawa mo na saktan ang sarili mo ..." nagpaalam naman si Christine sa akin at ibinalik ulit ang bear ...

-------------------------------

Tintin pasensya ka na sa ginawa ko kanina ...  hindi ko alam kung rereplyan pa ako ni Tin kasi alam ko na busy din siya ...

Okay lang yun :) Alam ko naman na di para sa akin yun .. Sinakyan ko lang ... 

Huh? Anong ibig mong sabihin ...? naguguluhan ako sa reply niya ..

Alam mo, matagal ko ng alam .. at matagal ko ng ramdam .. Nagkunware ako na may gusto ako sayo dahil para malaman ang isang bagay ...

Ang gulo tintin .. di ko alam kung anong sinasabi ni Tin pero ang punto mukang malapit ko ng makuha ..

Wag ka ngang ano diyan .. Alam kong gusto mo si Venus matagal na halata naman sayo eh .. Dont deny .. tulad na nga lang kanina eh .. Hay ..kung alam mo lang .. Yung mata mo nung malaman mo na sila na .. parang babaha ata sa school kung di mo pinigilan ang luha mo ...

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko Kay Tin pero tama .. Alam na niya na may gusto ako kay Venus .. Wala akong dahilan pa para itago ito sa kanya ..Kaya inamin ko na rin at naintindihan naman nia ako ...

----------------------------------------

Tumagal ang panahon at hindi na kami ganoong nagkakasama nila Chris at Venus ..Dahil meron na silang sariling relasyon ..At hindi na ako manghihimasok pa sa kanila ..

Magkikita man kami pero HI o Hello lang ...

Mas naging mas okay kami ni Christine ...

Where do broken HEARTS Go?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon