#WDBHG? (1) Friendship Over

7 0 0
                                    

Nakahiga ako sa kama ko at di ko pa rin makalimutan ang ginawa sa akin ni Jeff, nung yakapin niya ako andoon din si Mayjoy at di ko alam ang gagawin ko kahit alam kong wala na sila...


Still awake? text message galing kay Jeff.. Wow after ilang months ito pa rin pala ang gamit niyang number...


Wrong send ka ba ulit? :) yan ang reply ko sa kanya.. arang dati lang ...


Ahhh, siguro hindi naman di ba? Siguro tama naman ang ka-text ko? Yung taong mahal ko? :) Pagakabasa ko ng text niyang iyon ang puso ko ay biglang tumalon sa sobrang saya ...


Sino ba ang taong mahal mo?


Siyempre yung nagbabasa ngayon nito ... Si Imee Joy Pascual ... nagulat ako at mukang di ako makakatulog nanaman nito ah?


Bukas, kita tayo sa park huh? :) Hihintayin kita :) Kasi bukas ang simula ng FRIENDSHIP OVER natin Good night ... 9am...


Friendship over? Ibig sabihin .....


Negative thoughts pops-up to my mind ..


—————————————


9am exact pumunta ako sa park at nakita kong naghihintay na sa akin si Jeff..


Takot akong puntahan siya dahil sa sinabi niya sa akin kagabi ...


"Jefff..Anong ibig sabihin mo na friendship over? Kahit magkaibigan ba ayaw mo na sa akin?.." ewan ko pero lumuha ako ng sabihin ko iyon


"Imee..Ano bang iniisip mo? Wag ka ngang umiyak .. ayaw mo yun Di na tayo magkaibigan Imee? Kasi Imee .. will you be my girlfriend?" tanong nito sa akin... Palalagpasin ko pa nga ba?


Ang negative na utak ko ay naging positive at wala ng ibang gustong sabihin kundi ay ..


"oO naman!! Hindi na ako gagawa ulit ng katangahan na alam kong ikasasakit din ng puso ko... Minsan na akong nasaktan ..." Sabi ko dito..


"Ngayon di ka na masasaktan pa Imee..Friendship over na huh? Kasi IN A RELATIONSHIP NA ang status natin ... Iloveyou ...."

Nakita ko ang diary sa loob ng Bag niya ..


"Tekaaa,,, bakit nasayo ang Diary ko?" tanong ko..


"Binigay ni Diane.. Wag ka ng magalit sa kanya.. Ikaw talaga... Okay na nga yun .. Atleast alam ko na may naiinvest ka na pala diyan sa puso mo ehhh... Iloveyou.. Ngayon pwede ka ng mag-invest at di na masasayang yan..." hinalikan niya ulit ako niyakap ng mahigpit ...


Naupo kami sa damuhan ang nagkuwentuhan ... Binalik ang mga taon at buwan na nasayang ..


"Alam mo ba kung bakit naging kami agad ni Mayjoy?"


"Okay.. kahit ayokong malaman.. bakit?"


"Kasi dahil kila Aldro .. Sabi nila sinasaktan mo daw ako lagi eh at wala akong pag-asa sayo kaya yun si Mayjoy na matagal ng may gusto sa akin niligawan ko. Sinagot naman niya agad ako.. Aminin ko.. kahit nung kami na ikaw pa rin ang nsa puso ko.. At yun din ang dahilan kung bakit naghiwalay kami Imee,, dahil ikaw pa rin ang nasa puso ko... Napapansin niya na ikaw lagi ang laman ng bibig ko kapag magkasama kami .. Nung nakita mo kami sa lobby... sa kanya lang ako nakatingin kasi sabi niya kapag puro ikaw nalang ang laman ng bibig ko susugurin ka daw niya..."


sa mga kinuwento ni Jeff, di ko alam na ako din pala ang may mali ..


"Pero ikaw din naman ehh.. Nasaktan mo ko dun.. mahal na mahal na kita noon pa kaya siguro nasagot ko si Adrian kasi akala ko ikaw iyong sasagutin ko... Mali ang mga nagawa kong desisiyon..." sagot ko ..


"Noong panahon na niligawan ka ni Adrian di mo ba alam na nasktan ako non kasi dapat pupuntahan kita nun.. para itanong kung pwede kitang maging date sa valentines pero may nauna na pala sa akin... Naging maluwag din ang hiwalayan namin ni Mayjoy ... Kasi nakahanap din agad siya ng ipapalit sa akin/ Ewan ko nasaktan din naman ako nung ginawa niya sa akin yun pero okay lang kasi alam kong meron ka. At pwede na natin ituloy ang pagmamahalan ..pero nauna si Adrian..."


Habang sinasabi niya iyon parang isang malaking katangahan ang pumasok sa isip ko na ginawa ko..


"Kaya nung nakita kita na puro pasa at laging umiiyak .. Sinundan kita noon at doon nakita ko ang ginagawa sayo ni Adrian.. Hindi na dapat ako manghihimasok pero nung makita kong pinipilit niyang halayin ka at nawalan ka na ng malay doon sinugod ko na siya..."


"So,, ikaw pala yung ayaw magpasabi kila Diane na tumulong sa akin.. Kaya pala may pilay ka noon?"


Niyakap ko ng mahigpit si Jeff at hinalikan sa labi..


"Sorry, pero alam ko ngayon ikaw na ang sagot sa kahilingan ko."


"ILOVEYOU IMEE..."


"ILOVEYOU TOO JEFFERSON..."


————————————————————————————————————————————————-

DEAR DIARY ...


Siguro nga sa buhay natin hindi natin alam ang taong nagpapapansin sa atin ay ang taong totoong nagmamahal sa atin..


Minsan humahanap lang tayo ng mga signs kung siya na ba talaga ang para sa atin ..Pero dahil sa mga signs na iyan ay napupunta tayo sa iba o maling tao ...


Ngayon .. Sa kantang favorite ko na WHERE DO BROKEN HEARTS GO?


Alam ko na ang sagot ...


Ang mga pusong sawi at nagmahal ng iba at maling tao ay sa kadulu-duluhan ay mapupunta din sa taong para sa atin at sila ang bubuo muli ng pusong nasaktan at sila muli ang magpapasaya nito at ipanunumbalik muli ang saya at hihilumin ang mga sugat na nabuo nito sa nakaraan....


Sa dulo,, ang pusong nasaktan ay mauuwi din sa taong bubuo muli nito at aalagaan...


I'm Imee.. and that's my story .... :)

Where do broken HEARTS Go?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon