#WDBHG? (2) After All

11 0 0
                                    

Ang bilis ng panahon at patuloy pa rin ang paglabas ni Christian at Venus. Siyempre ako bilang matalik na kababata ni Christian pinagbigyan ko siya dahil sabi niya mahal daw niya si Venus..


At dahil nga sa utang na loob ko dito noong mga bata pa kami ...


"Hey, tulala ka nanaman?" langya talaga tong si Christine parang kabute talaga kung saan-saan sumisinget ...


"Ano ka ba, magsabi ka nga minsan huh ... Ayoko ng ginugulat ako..." sabi ko rito. Andito kasi ako sa Canteen mag-isa ko si Venus ayun gumagawa ng project kasama ang groupmates niya.


"Ikaw naman, oh kailangan mo ba ng kasama?" tanong sa akin ni Christine. Mukang safe naman na ako kasi may boyfriend pala ito. Kaya nag-agree na lang ako ..


"Perfect! Pwede na ulit tayo maging close friend." natutuwang sabi ni Christine.


"Alam mo wala ka pa rin pinagbago, para ka talagang bata ...." kinurot ko ang ilong nito.


"Aray naman, ano ka ba! Namiss ko lang ang bonding natin, nag-iba ka kasi nung sinabi ko na may gusto ako sayo eh. HEhe, saka hindi naman ako bata no! Ganito na talaga ako, cute lam mo na! hehe.." sabi nito. Nagtatawanan lang kami at nagkukwentuhan sa mga nangyari noon. Pagbabalik ba sa nakaraan ...


Hindi ko namamalayan na halos isang oras na pala kami magkausap. Okay lang wala naman akong class. Sakto lang din.


Habang nakakasayahan ,,,


"Wow, ang sweet niyo naman..." isang boses na nanggaling sa likod na naging rason ng paglingon ko.


"Kami ba ang ang sweet oh kayo?" biglang sagot ni Christine.

Siniko ko ito para manahimik. Tinignan ko si Venus at ngumiti lang ito sa akin. Medyo hindi na siya yung sweet sa akin na yayakapin agad ako kapag nakita ako dahil sinabihan ko siya noon.


"Pwede makisalo?" tanong ni Christian sa amin ... Oo palang sana ako pero biglang nagsalita si Venus ..


"Wag na Chris, sa other table na lang tayo kasi mukang may pinag-uusapan sila ... makaistorbo pa tayo, saka sweet niyo nga ehh .." sabi ni Venus nakangiti lang ito at hinawakan ang kamay ni Christian .. Masakit tignan na magkahawak kamay sila ...


"Okay." sagot ko.


"Okay?" tanong ni Christine .. "Eh mukang sa muka mo di naman okay .. Hay nako, alam niyo nasisira ang friendship niyo ni Venus ng dahil sa Chris na yun huh ..." dagdag nito.


"Ano ka ba, nililigawan ni Christian si Venus. Pero mukang di pa alam ni Venus." sabi ko dito ...


"Huh? Ang gulo ..." nagtawanan na lang kami ni Christine at nagkwentuhan ..


Tinignan ko sil Chris at Venus at mukang nag-eenjoy na si Venus na kasama si Christian ..



Buti naman ...


"Tara na .. nasasaktan ka lang .." hinila ako patayo ni Christine palabas ng canteen ,,


"Nasasaktan??" tanong ko dito .. Bakit alam ba niya na may gusto ako kay Venus? Halata ba ...



"Oo, kasi di ba may iba na siyang FRIEND .." sabi nito sa akin na ikinaluwang naman ng paghinga ko ...


"hay nako Justin ... basta kapag may gusto ka man i-open sa akin just text me .." binigay niya sa akin ang number niya ...


"Ang sweet nila kanina no?" sabi nito sa akin habang naglalakad kami papunta ng classroom.

"Ah? Oo, ehh baka kasi siyempre gusto na rin ni Venus si Chris? Ewan natin di ba?" sagot ko dito. Ngumiti na lang ito at hindi na nagbigay ng follow-up question ..

Hay buti naman ... -_____-






Where do broken HEARTS Go?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon