#WDBHG? (2) After All

7 0 0
                                    

Justin's POV


"Grabe bestfriend nakakatakot si Mrs. Catacutan kanina pinahiya niya kanina sa clasrrom si Christine. Hindi kasi nasagot ni Christine yung tanong ni Ma'am eh." kwento sa akin ni Venus.


Ganito kami kapag uuwi na nagkukwentuhan habang naglalakad. Hindi rin kasi siya nauubusan ng kwento eh.


"Ohh, tapos anong ginawa mo? Christine nanaman... haay" sagot ko.


"Wag ka ng magalit. Kasalanan ko ba.. Hindi naman kita inaasar bestfriend.. Ayun tinuruan ko siya kanina. Kawawa naman kasi eh laging pinagtitripan ni Mrs. Catacutan." sabi ni Venus ...


"Kahit kailan ang baet mo talaga. Pero pag sa akin inaasar mo ako lagi.." kinurot ko ang ilong nito tapos siyempre nagpout nanaman siya pa-cute effect... Oo na cute ka na effective bestfriend....


"Pa-cute! Panget ka naman!" sabi ko dito ...


"Yabang mo... ako nga ang laging sinasali sa pageant. Nanalo naman ako.. bleh!" sabi nito sa akin.


"Okay fine. Bestfriend punta ka pala sa bahay mamaya huh? Kasi birthday ni Mama ..Nakalimutan mo nanaman?" sabi ko rito.


"Hala oo nga pala! Birthday pala ni Tita .. Naku," sabi nito .. Mukang di makakapunta ulit itong si Venus... " Pero pupunta ako don't worry!" pasaway talaga ito pa-suspense pa! Batukan ko nga..


Ayun nagharutan nanaman kami ..


"Teka bestfriend marami ba kayong bisita?" tanong nito sa akin.


"AHH bakit? May hinahanap ka ba?" tanonng ko pabalik


"Grabe huh, siyempre para alam ko para di ako mahihiya nuh.." sagot niya sa akin..


"Wala lang naman. Small celebration lang naman kasi eh."


"Okay."


Where do broken HEARTS Go?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon