#WDBHG (1) Friendship Over

10 0 0
                                    

Dear Diary,


hi, matagal din kitang hindi nabisita ah? Last na sinabihan kita ng secret ko ay yung umamin ako na may gusto ako kay Jeff. Diary alam mo bang nagkaroon na ako ng bagong friend / bestfriend na rin ... Pero awkward kanina kasi umamin siya sa akin eh. Diary anong gagawin ko? Kung tatanungin mo naman ako kung gusto ko siya sagot ko hanggang kaibigan lang talaga. Kasi alam mo yun? Aaminin ko pa rin sayo kay Jeff pa rin ang puso ko. Pero mukang matatag sila ni Mayjoy eh sana kung ano man ang pumasok sa utak ko ay hindi ito magiging another katangahan.


Hi good evening Imee, sana hindi naman sumama yung loob mo sa nasabi ko sayo kanina. Alam ko katangahan na aminin ko agad ang nararamdaman ko sayo. Pero una palang kita ko sayo gusto na kita. And di ko naman akalain na magiging close tayo ng sobra. Kung ayaw mo, hindi kita pipilitin Imee. Sana hindi rin masira ang pagkakaibigan natin. A message from Adrian. Di ko alam kung anong sasabihin ko dahil ayokong magkamali ulit.


It's okay Adrian, sorry nabigla lang din ako sa narinig ko galing sayo. Sige na matulog na tayo. Kita-kits bukas ah? I put my phone in a silent mode dahil ayoko munang magreply sa ano mang text messages.


-----------------


"One week nalang pala Valentines day na no? haay nako sana bigyan ako ni Rennel ng flowers" sabi ni Diane na kinikilig pa. Langya din ito eh. M.U daw sila ni Rennel.


"Alam mo kung seryoso siya sayo bibigyan ka talaga niyang lalaking yan." sagot ko naman.


Sa ngayon wala si Adrian baka nga lumalayo na siya sa akin. Dahil sa nangyari kahapon. Pero kung ganyan talaga wala tayong magagawa,


Nasa lobby na kami at nakita kong may naka-prepare .


"Wow huh ang agang valentines ata nito huh?" sabi ni Diane na nakangiti.


"Kaya nga eh. Anong pasabog nanaman kaya ito? Anong club to tingin mo?" tanong ko kay Diane...


Pero si Diane hindi na sumasagot sa akin dahil nakatingin siya sa may malapit sa entrance ng school.


"Tingin ko hi-hindi itoo anoo .." hindi na siya nakapagsalita dahil ako hindi din eh.


"Hi Imee, sorry huh? Ganito kasi ako ka-seryoso sayo eh. Ipagsisigawan ko at ipapaalam ko sa lahat ng tao na gustong-gustong gusto talaga kita..." si Adrian may dalang flowers tapos with background music pa.


"Hala, ano ka ba... Para ka naman nagpopropose ng kasal eh. Hhehe" sabay hampas sa braso ni Adrian.


"Di ba kung pwede agad na kasal kaso ayokong madaliin ka. Mahal kita Imee kapag pinayagan mo akong manligaw sayo i'll make sure na hindi ka sasaktan at lagi kitang papasiyahin." lumuhod ito at inaabot ang bouquet na hawak nito.


"Wag nang pa-choossssy" bulong ni Diane. "Di ba yan na may Forevermore pang background music. Wag ka ng pachoosy..." bulong nito ulit..


Nakita kong naglalakad si Jeff sa lobby at mukang kakahatid niya lang kay Mayjoy.


Tumigil ito saglit at nagkatitigan kami.


"Okay, sige Oo na nga Adrian..." di ko alam pero habang sinasabi ko ang mga salitang ito kay Jeff pa rin ako nakatingin.... Pero biglang ngumiti ito at doon ako natauhan..


Ang sunod ko na lang narinig ay nagpapalakpakan silang lahat sa lobby at sumisigaw si Adrian .."YES KAMI NA! AGAD!!!! ILOVEYOU IMEE..."


Niyakap niya ako ng mahigpit.. Hinanap ko si Jeff pero nawala na siya sa paningin ko.



Where do broken HEARTS Go?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon