#WDBHG? (2) After All

6 0 0
                                    

"Nakakainis ka talaga bestfriend.. wag nga ..." nagkukulitan kami dito sa park.. tambayan kasi namin ito ni Venus kapag break namin ...


Pawang masasaya at akala mo mga bata lang kaming naghaharutan ...


"Hi Guys!! Bro .....Venus ,, Hi .." biglang dating ni Christian ..


"Hello kuya.." sagot ni Venus ..


"Ikaw naman wag naman kuya .. Magka-age lang kaya tayong tatlo.. Tawag mo na lang sa akin hmmm... Babe... hehehe joke lang ... Chris nalang para di na mahaba.." sabi nito kay Venus ..


"Ikaw talaga kuya pabiro ka talaga ..." sabi nito ..


"Di ba Chris na lang .. wag ng kuya please.."


"Hhehe.. sorry Chris ..."


"Alis muna ako guys.. maiwan ko muna kayo. Pupunta muna ako library may titignan lang ako para sa assignment ko ..." sabi ko sa kanila ...


"Bakit bestfriend? Di ba sabi mo sa akin wala ka naman gagawin ngayon? Di ba sabi mo sasamahan mo ko hanggang mag time?" sabi ni Venus sa akin ..


"Hindi kasi naalala ko na may tatapusin pa ako ... Andiyan naman si Christian eh .. Di ba bro?"


"Oo nga naman Venus ... yaan mo muna yang bestfriend mo ...." sabi ni Chris kay Venus ..


"Bilisan mo bestfriend huh?" sigaw ni Venus ...


Masakit na makitang nagsisimula ng dumiskarte si Chris kay Venus ... Di ko kayang makita na ang bestfriend ko ay nililigawan ng taong malapit din sa akin ...


Zzzzzt ...


Bilisan mo bestfriend .. Ang boring kausap ni Christian ,., di pa ako nakakalayo at wala pang 5 minutes na nakakalipas tinext na agad ako ni Venus .. Napangiti ako dahil hinahanap niya ako .. Pero nangako ako kay Christian na tutulungan ko siya kay Venus ...


Kaya hindi ko ito ni-replyan ...


"Mag-isa ka ata? Si Venus bakit di mo kasama?" nagulat ako ng makita ko si Christine sa likuran ko ...


"Nakakagulat ka naman Christine ..." sabi ko dito ... "Wala kasama niya si Christian sa park .." sabi ko dito ...


"Ay yung bagong student from Amerika ... Mukang may bagong bestfriend na ah .." sabi naman ni Christine ,,


"Ayy na ko Christine .." yun lamang ang sagot ko ..


"Alam mo matagal ko naman ng alam at nahahalata na may gusto ka kay Venus eh. Mga bata pa tayo. Kaso alam kong natatakot ka kasi baka ma-reject ka .." pagpapaliwanag nito..


"Hindi .... at wala ....." tipid kong sagot ..


"Bakit di na lang kasi maging tayo?" nakangiting tanong niya ... "Ohhh.. iba nanaman itsura mo ... Bilis mong magalit .. Niloloko lang kita ... Sige na text mo nalang ako kapag wala ka ng BESTFRIEND .. bye Pogs!" at umalis na sa tabi ko si Christine .,


Parang stalker din kasi yung taong yun eh ...

Where do broken HEARTS Go?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon