#WDBHG? (1) Friendship Over

8 0 0
                                    

Naging masaya akong kasama si Adrian kahit si Diane din. Muka nga kaming bestfriend tatlo eh.


Crush din ng bayan si Adrian. Pero wala lang sa kanya, kahit yung pinakamaganda pa ang umamin sa kanya na may gusto sa kanya wala lang sa kanya kasi meron na daw siyang mahal.


Mukang dating classmate niya sa school na pinanggalingan niya.


"Alam mo kung hindi pa tayo naging seatmate sa Religion subject baka hindi na tayo naging close." sabi sa akin ni Adrian.


"Hay nako, una palang napansin ka nanamin no, kahit hindi naman tayo seatmate siguro magiging friends din tayo." sagot ko.


"Oo nga gwapo ka kaya, crush nga dapat kita eh kaso narealize ko si Rennel pa rin pala hhihi." yan malanding sagot naman ni Diane.


"Hay nako, basta masaya na ako kasi magkakaibigan tayo." sagot ko.


"Ui si Jeff oh, ang tibay niya no? Laging hinihintay si Mayjoy. Sana ganyan din siya sayo noon no diba Imee?" alam kong nanloloko nanaman itong si Diane eh wala nanaman siyang magawa.


"Bakit? mukang wala akong alam ah? haha." nagtatakang tanong niya.


"Kasi yaan mo na yun Adrian." pero kinurot ako ni Diane at di nagpapigil kaya pati yun kinuwento pa niya.


"Hay nako, ano pa at naging friendships tayo. Kasi ganito yun Adrian, si Jeff ang first love nitong si Imee, nag-iinvest na siya ng feelings niya kay Jeff eh, tapos yun sa katangahan niyang babaeng yan sinabihan niya ng kung ano sa loob ng room tas maraming nakarinig. Ayun kinabukasan sila na nung Mayjoy. Yan ang ateng mo naiyak."


"Wag mo na ngang balikan. Tapos na yun" sabat ko.


"Okay ka naman na? Naka-move on ka na ba?" tanong sa akin ni Adrian. Tumango na lang ako sa kanya para naman na iparating na nakamove on na ako.


"Kung ako kay Jeff maghihintay ako. Tulad nga ng sabi sa Jollibee kapag di available ang product. Willing to wait po ba kayo?" sabay kindat.


"Nako, tumigil ka Adrian, pero ang problema di naman ikaw si Jeff no! Adik!" sabay hampas.


"Pero, pano kung may nararamdaman na ako sayo?" seryoso ang muka ni Adrian. Di ko ba alam pero biglang nag-iba ang ihip ng hangin.


"Ehem! Ehem!!!! FRIENDSHIP!!!!!! Tara na po. " singit ni Diane. Awkward moments ang nangyari at ang kaninang maingay ay biglang napunta sa isang tahimik at seryosong ambiance.



Where do broken HEARTS Go?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon