#WDBHG? (1) Friendship Over

9 0 0
                                    

"Selos ka?" tanong sa akin ni Diane..


Pauwi na kami at naisipan kong maglakad na lang kami maglakad. Di ko alam para siguro magpalamig at mawala na rin siguro ang stress.


"Ako? Ano ka ba? Bakit naman ako magseselos di ba? Hindi ko naman dapat maramdaman ang selos kasi wala lang." sabi ko dito.


"Naku.Naku, yan na nga ba di mo kayang ipagtanggol ang mga sinasabi mo. Wala kang maidahilan." seryosong sagot ni Diane.


-----------


Dear Diary,


Totoo ba yung sinabi sa akin ni Diane kanina nung pauwi na kami na may nararamdaman na ako kay Jeff? Pero sa tingin ko wala naman eh. Pero bakit ganon nasaktan ako nung makita ko sila ni Mayjoy na magkasama? At mas lalo akong nasaktan noong nalaman kong sila na rin?


Di ko kasi alam ang feeling ng magmahal at mahalin eh. Siguro nga 20 years na akong single. Di ba? Pero okay na rin yun atleast hindi pa ako nag-iinvest ng feelings ko para kay Jeff.


Pero alam mo Diary ... MALAPIT NA ...SANA ...NAGMATIGAS LANG AKO..


Hindi lang si Diane ang bestfriend ko, pero kahit na bestfriend ko si Diane hindi pa rin ako masyadong nagsasabi sa kanya. Di ba sabi nga nila magtira din para sa sarili.


Kaya tuwing gabi si Diary ang nakakaalam ng lahat. Kaya kinaiingatan ko talaga ito eh.


Still awake? nanlaki ang mga mata ko ng mabasa ko ang text ni Jeff. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.


Nagdadalawang isip ako kung rereplyan ko ba siya oh hindi.


Umabot sa 10 minutes ang pag-iisip ko bago ko siya replyan.

MAGREREPLY NA SANA AKO Pero...


Sorry, wrong send. Then it breaks my heart. Huminga ako ng malalim at nireplyan ko agad si Jeff.


Alam ko nga eh. Delete mo na number ko para hindi ka na nawro-wrong send sa akin. Night.


---------------------------


"Talaga? Ganon reply mo sa kanya?" tanong sa akin ni Diane. Naglalakad na kami papuntang school. Siyempre kwentuhan,


"Oo, bakit may mali ba sa nireply ko sa kanya?" proud kong sabi kay Diane.


"Wala namang mali sa reply mo kasi words yan eh. Alam mo ang may mali. Ikaw Imee. Di mo ba alam na BITTER ang ganon?" masakit na salitang binitawan ni Diane na halos tumagos sa puso ko.


Nasaktan ako sa sinabi niya at di ko alam kung babawiin ko agad ang reply ko kay Jeff pero huli na rin kasi kagabi pa yun eh.


Nanahimik na lang ako at hindi na nagsalita pa. Dahil siguro na-realize ko na BITTER nga ang pinakita ko kagabi.


Naglalakad na kami sa may lobby ng makita ko si Mayjoy at Jeff na magkaholding hands at mukang masaya sa isa't-isa.


Mukang masaya na si Jeff kay Mayjoy. Dahil naka-focus lang ang mga mata nito kay Mayjoy at wala ng iba pa.


"Alam mo tara na kaya? Yung hindi ka lang nakatayo diyan at tinitignan sila? Di ba?" hinatak ako ni Diane at hindi ko rin namalayan na nakatayo na lang pala ako at sakanila na lang nakatingin.


"Sige na pasok na." ako ang unang pinapasok ni Diane sa classroom. Di namin ito classroom. Umupo lang kami dahil Vaccant room ito.


"So, ano yang mga nangingitid na luha sa mga mata mo?" tanong sa akin ni Diane.


Di ako nagsalita at hinatak na lang ang isang arm chair at tumingin sa labas ng bintana.


"Ayaw mo pa kasing aminin sa akin eh. Bestfriend mo ako di ba?" di pa rin ako kumikibo at pilit na pinipigilan ang mga luha na gusto ng magsilabasan,


"Meron ka na sigurong na-invest kay Jeff noh?" nang marinig ko ang mga salitang iyon ay tuluyan ng bumuhos ang luha sa mga mata ko.


Humagulgol ako, parang isang bata na akala mo ay inagawan ng laruan.


"Nasa huli talaga ang pagsisisi Bestie, hindi naman pwedeng sirain mo ang relasyon nila. Tandaan mo kahit masakit man di ka niya mahal eh."


"Sorry... Sorrry...." yun nalamang ang lumabas sa aking mga bibig.


"Wag kang magsorry. Wag ka ng umiyak. Ngayon alam mo na? Hindi araw-araw na mamahalin ka ni Jeff, dahil napapagod din sila." Di ko ba alam, pero ang bawat salitang lumalabas sa bibig ni Diane ay totoo. At wala na akong maisip pa na dahilan kung sino ang sisisihin ay kung hindi ang sarili ko.


Where do broken HEARTS Go?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon