#WDBHG? (2) After All

4 0 0
                                    

JUSTIN'S POV

"Are you nervous amour?" (amour means love in French). Hinawakan nito ang kamay ko at tinignan ko naman siya . Mukang may halong kaba ang mga mata niya at ang kamay niya ang nagpapasma dahil sa kaba ...

"Of course not amour .." sabi ko dito. Konting oras na lang at lalapag na ang eroplano sa Pilipinas. Halong emosyon ang nararamdaman ko dahil iniwan namin lahat ni Christine sa Paris ng matapos namin ang pag-aaral ng Cooking pati na rin ang trabaho namin ay iniwan namin.

Dahil sabi niya gusto daw niya kasama rin ang pamilya niya sa darating na Pasko.

"Amour, what if you saw her again?" tanong nito sa akin.

"Who?" I asked...

"Wag ka na ngang magmaang-maangan .. Syempre si Venus ... May mararamdaman ka pa ba sa kanya?" tanong niya sa akin. Alam kong si Venus ang tinutukoy niya ..

Maganda ang samahan ng relasyon namin sa Paris at ngayon ko lang siya ULIT narinig nagtanong kay Venus .. 

"Wala na yun. Ikaw na ang mahal ko amour, and wala ng iba ... " hinalikan ko ito sa noo at niyakap ...

After 5 minutes nagsalita na ang Flight attendant na malapit na kami sa Pilipinas ..

----

"Welcome to Philippines!" bati ng mga tao sa Airport ..

"Amour, hihiwalay na tayo huh.. Baka hindi muna ako makakapunta sa inyo because Im going to surprise Mom, Dad and bunso ..." sabi ko dito .. Pumayag naman ito at binigay sa akin ang bagong simcard na gagamitin namin ..

"yan, new number natin. Special number ..." sabi nito ..

Maya-maya pa ay nakita na niya ang pamilya niya .. Pero pinakilala muna niya ako kahit na kilala na ako dahil sa magkababata kami noon pero ngayon ipapakilala niya na ako bilang nobyo niya ..

"Naku anak, ang ganda-ganda mo na! Amoy Paris huh!" biro sa kanya ng Mama niya ..

"Kaw naman Mama" sabi nito ..

"Teka, si Justin ba ito? Naku, kay gwapong binata! Laki ng improvement anak ah? Lumaki ang katawan mo at wala ng eyeglasses .. Dati ka ng gwapo ..PERO MAS GWAPO NA!" sabi ng mama nito .. Ngumiti ako siyempre gwapo daw eh. :D

"Naku, wag niyo masyadong sabihan yan Ma, baka  alam mo na.." biro ni Christine ..

"Ohh, anak saan naman ang Boyfriend mo? Akala ko ba ipapakilala mo?" tanong ng Papa nito ..

"Bukas niyo makikilala Papa at Mama pero uuwi na rin si Justin kasi pagod din siya .." sabi ni Christine sa magulang nito ..

Naghiwalay kami ni Christine at sumakay naman ako ng taxi.

Masaya ako dahil masaya si Christine at wala ng makakapantay pa ng ligaya na nararamdaman ko lalo na napasaya mo ang mahal mo ..

-------------

Tatlong beses na katok at pang-apat na saka binuksan ang pintuan ...

"Anaaaak ko!" isang mahigpit na yakap na galing kay Mama at natanggap ko...

Lumapit si Papa at kinuha ang mga gamit ko.

"Dito ka na ba kuya?" tanong sa akin ng kapatid ko ..Tinignan ko silang tatlo at ngumiti ..

"Oo. Hindi ko yatang kaya na hindi rin kayo kasama .. Saka ang Paris ang lugar na nagpabago sa akin at nagpa-refresh ng mind ko .." sabi ko sa kanila ..

Niyakap ako ni Mama at hinalikan sa noo .." Mabuti naman anak at nahanap mo ulit ang sarili mo .. Kahit hindi mo sinabi sa amin noon ang dahilan kung bakit ka naging ganon noon.. Masaya na ako dahil okay ka na .." sabi ni Mama ...

"Hayaan niyo Ma, Pa ... Makilala niyo rin ang babaeng nagpatibok ng puso ko at nagmamahal sa akin.. Makilala niyo rin siya .." sabi ko sakanila ..

"Si ate Venus ba yan kuya?" tanong ng kapatid ko ...Ang ngiti ko ay biglang nawala agad ng marinig ko ang sinabi nito ,,

"Ayy oo nga pala anak, noong pumunta ka ng Paris di ko na alam kung kelan iyo eh. basta pumunta yun dito sa bahay at hinahanap ka .. Mukang problemado pa .. Di mo ba sinabi sa bestfriend mo na aalis ka?" tanong ni Mama sa akin ..

Magsasalita na sana ang kapatid kong may alam ata sa lahat pero nilakihan ko ang mata kaya nanahimik ito ..

"aHh, di na kasi kami nakapag-usap ma .. Punta na muna ako sa room ko Mama .." sabi ko sa kanila ..


Where do broken HEARTS Go?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon