#WDBHG? (1) Friendship Over

17 0 0
                                    

Dear Diary,

Di ko ba alam kung tama ba yung ginawa ko kanina kay Jeffrerson pero kasi ayoko kasi yung ginawa niya na nakikisabat siya sa usapan naming magkaibigan.


Di ko ba alam na-guilty din ako after kong gawin yun, kasi sa harap ng mga kaibigan niya at mga classmate namin ginawa ko yun. Di ba masakit yun?

Pero parang nagmatigas ako. Oi diary di ko sinasabing may gusto na ako sa kanya ah. Na-guilty lang ako sa ginawa ko sa kanya.


Pero alam kong titigilan niya na ako. Pero okay sa akin yun ahh.... para okay na ang lahat. Goodnight


Tinago ko ang diary ko at nagsimula ng humiga sa kama ko. Pero kahit anong pikit ko at kahit anong gawin kong lipat ng pwesto hindi ako makatulog.


"Haaaa! Ano ba yan! Ganon na ba kalaking kasalanan ang ginawa ko at pati sa pagtulog ko hindi ako makatulog!!!! WAAAH!" sigaw ko.


Bestie.. Hindi talaga ako makatulog. Gising ka pa ba? Textback ASAP! pati si Diane tinext ko na kasi di talaga ako makatulog. Nakakainis maaga pa naman ang pasok ko bukas. Haaay.


After 5 minutes wala pa rin reply sa akin si Diane...


HELLO BESTIE?! BESTIE?!!


ANO? Istorbo ka naman eh. Anong problema mo? Maaga pa tayo bukas. sagot sa akin ni Diane na mukang nagising ko sa masarap na pagkakatulog.


Soorry Bestie, pero di ako makatulog. Ganon na ba kalaki kasalanan ang ginawa ko kay Jefferson? tanong ko dito.


Ano ba naman yan, di mo pa rin ba aalisin sa isip mo ginawa mo? Sabagay ginawa mo kasi yun eh. You're so mean kasi eh! Haay.. magsorry ka nalang bukas. Please? Sleep na bestie kasi anong oras na oh. Grabe gising ka pa rin?! 2am na?!!! bye na talaga bestie need to sleep wag mo ng isipin yun. Magsasalita pa lang sana ako pero biglang binaba ni Diane ang phone. Haaay no choice. Im going to say sorry to him tomorrow.


Bumalik ulit ako sa pagkahiga at ..


----------------------


"Bestie okay ka lang? Ang laki ng eyebags mo. Grabe." sabi ni Diane. Grabe huh, alam naman niya na di ako nakatulog.


"Hmmm. Okay di ba alam mo namang hindi ako nakatulog." sabi ko dito. Di na ata magfufunction ng maayos itong utak ko. Haaay -_-!


"Ui ayan na si Jeff!!!!" di ko alam pero ang utak kong di nagpa-function eh biglang nagfunction.


Kinakabahan lang ako! Ano ba kayo...


"Lapitan mo na." udyok sa akin ni Diane.


Lumapit ako kay Jeff dahil nahiya naman ako kung di ako magsosorry. "Ahhmmm Jeff? Pwede bang, ahh hindi may sasabihin sana ako sayo." tumingin sa akin si Jeff at akala ko naman irereject niya ako.


Ngumiti ito sa akin at nginitian ko rin.


"Ahhhm, gusto ko sanang sabihin na----"


"hey babe, kanina ka pa ba dito?" tinignan ako ni Jeff pati ng girl na humalik sa pisngi nito.


"Hindi naman babe, hinihintay nga kita para sana sabay tayo kumaen sa canteen." parang sinapak ako ng isang malaking libro sa muka ko ng marinig at makita ko iyon.


"Ahh, sorry may sasabihin ka ata Imee?" tanong sa akin ni Jefferson.


"Ahhh, hehe wala.. sasabihin ko sana na congratulations sa inyo ni Mayjoy! Ui Congrats! Nakita ko kasi sa post niyo!" edi wow di ba? Ano ba Imee?!!!


"Thank you Imee.. Feeling awkward nga kasi diba niligawan ka niya --?"


"Ay nako.wala yun. FRIEND LANG talaga ang turing ko kay Jeff."


"Yun lang ba sasabihin mo?" tanong ni Jeff.


"O-oo naman ano pa bang sasabihin ko? Atleast di ba hindi ka na mangungulit sa akin? Saka ano-ahm bagay kayo ni Mayjoy. Sige na kaen na kayo." umalis na ako sa harapan nila at pumunta na ako kay Diane.


Naglakad ako na parang nasaktan ako? Pero ganon ba yun? Bakit ang bilis naman ng story na ito matapos? Ganon na lang ba? Naku, baka parang Diane na ako nasasaktan eh WALA NAMANG KAMI DI BA?


"Okay ka lang bestie?" tanong sa akin ni Diane.


"Nu ka ba? Okay lang ako noh! Ikaw talaga! hehe.." pero bakit kaya ganito.


"Sigurado ka ah? Sila na pala eh kakaalam ko rin. Sorry." sabi ni Diane.


"Nu ka ba, bakit ka nagsosorry. Okay na yan Di ba ang bilis niyang makahanap. Ibig sabihin pinagsasabay niyang manligaw sa akin at kay mayjoy. Buti na lang hindi ko pa nasisimulan mag-invest ng feelings kay Jeff."


"Okay ka lang talaga huh?"


"Oo, ano ka ba? Tama na nga. Gisingin mo na lang ako kapag anjan na si Ma'am" yumuko ako at matutulog sa arm chair ko pero bakit ganito may mga luhang pumatak sa mga mata ko?


DAMN! WALA ITO...


Where do broken HEARTS Go?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon