#WDBHG? (2) After All

5 0 0
                                    

"Hello po tita Happy Birthday .." bati ni Venus kay mama... at sabay abot ng birthday gift.


"Ano anak, nag-abala ka pa..Kain na anak.. Hoy Justin pagsilbihan mo na itong si Venus.." sabi ni Mama..


"Ohh narinig mo yun bestfriend? Pagsilbihan mo daw ako.." bulong nito sa akin..Adik din itong isang ito eh.


"Wow huh... sapakin kaya kita diyan?" sagot ko na narinig naman ni mama at nilakihan niya ang mata niya.


Tumawa kami parehas ni Venus at umupo sa may view ang garden. Halos friends kasi kasama ni Mama eh.


Habang nagkakasiyahan ang lahat at pati kami ni Venus biglang may isang babae ang sumigaw na nag-caught ng attention ng lahat ...


"HAPPY BIRTHDAY MARE!!!!!"


Nagyakapan sila at nagbeso-beso..


"Sino yun?" tanong sa akin ni Venus ..


"Ah si Tita Marites. Matalik na kaibigan ni Mama, pero di mo siya nakilala kasi pumunta siya ng states eh..." sabi ko rito ..


"Anak, anak.... Si tita Marites mo oh .." tawag sa akin ni Mama at lumapit naman ako.


"Naku, laki mo na huh, ang gwapo mo pa...? Ay wait ... asan na ba yung lagi mong kalaro ..Anak ... Christian.." pumasok si Christian.


"Wow. Laki na rin ni Christian" sabi ni mama..


"Bro?!!!" bati namin sa isa't-isa ni Christian .. Ilang years din kami hindi nagkita at ngayon ang laki na ng pinagbago namin sa isa't-isa.


"Christian, papakilala pala kita sa bestfriend ko.." lumapit kami kay Venus at pinakilala ko sila sa isa't-isa.


"Si Venus ang naging bestfriend ko nung umalis kayo ng mama niyo. Pero siyempre bestfriend din kita no..." sabi ko..


"Venus.. Si Christian pala yung kababata ko. super sa sinapupunan pa lang kami ng mga nanay namin kilala na namin ang isa't-isa." pagbibiro ko.


Nagbatian silang dalawa at mukang nagkakahiyaan pa ...


Where do broken HEARTS Go?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon