Valid nga ba talaga? Or yun kasi yung true feelings mo?

257 8 1
                                    

Maagang nagising si Klay upang handaan sana ng almusal si Fidel ngunit pagbaling niya sa kanyang tabi ay wala ito.
Sinilip nya ang opisina nito ngunit wala. Sumunod ay sa kusina ngunit wala rin ito doon, tanging kasambahay ang nadatnan niyang naghahanda ng kanilang aalmusalin. Tumungo siya sa hardin at sa may trangkahan ay naroon ang lalaking kanina pa niya hinahanap.

Huminto siya sa kanyang kinatatayuan, hinintay at pinanuod lamang ang asawa habang may kausap itong dalawang lalaki. Nang mapansin naman siya ni Fidel ay matamis itong ngumiti sa kanya kasabay ng maigsing pagkaway.

Bat ganun nakatayo lang naman si Fidel? pero bat anlakas makamodel? Apakagwapo naman talaga oh lalo na pagnagsmile. gosh!

Hindi nagtagal ay natapos din ang pakikipag-usap ni Fidel sa mga ito pagkat lumisan na papalabas ng trangkahan ang dalawang lalaki. Nang naglalakad na ito patungo sa kanya ay itinaas ni Klay ang kanyang mga braso, pagpapahiwatig na gusto niya ng yakap mula rito. Nakangiti namang itong yumuko at yumapos sa kanyang katawan.

"Buenos días al amor de mi vida." Masayang bati sa kanya ni Fidel.
"Tungkol ba sa negosyo yun? Ang aga ha? Huli ka na ngang natulog kagabi mas nauna ka pa ring nagising sakin." Tugon niya.
"Sermon ba iyan galing sa mahal kong asawa? Ang aga ah?" Pabalik namang tugon ni Fidel.
Napabitaw siya sa pagkakayakap sa asawa at napasimangot.
"Excuse me mister?"
"Nagbibiro lamang ako mahal ko." Natatawang sagot ng asawa.

Talaga naman oh? Jusme! Nakakaloko yung ngiti nitong lalaking 'to pero infairness din talaga ang hot. Shet! Sarap naman! Shems! Aga-aga Klay ganyan nasa utak mo! Gurl, umayos ka nga!
Eh pa'no ba namang hindi? Tignan mo naman yung pa silhouette effect ng katawan sa sikat ng araw gurl!! OMGGG!!

"Klay?"
Naputol ang pagtili ni Klay sa loob ng isip nya.
"Ayos ka lamang ba? Namumula ka. Lo siento, hindi ko nais na painitin ang iyong ulo at tama ka tungkol nga iyon sa negosyo, naalala ko kasi na darating nga pala sila dito sa Casa upang ihatid ang ilang kargamento."

Sa totoo lang hindi na masyadong nagets ni Klay yung mga pinagsasabi ni Fidel dahil ang focus niya ay nasa mukha ng kanyang asawa. Naaliw siya sa expression na ipinapakita nito.

Lord, sure Kayo sakin 'tong lalaking to? Asawa ko talaga to? Napakagat labi siya.

"Klay? Ano bang nangyayari sayo mahal ko?"

tas mahal daw ako. Oh Gawd.

"Inaantok ka pa ba? gusto mo bang ihatid kita pabalik sa ating silid tulugan?"

"Sige nga ng malafang kita."

"Ma-?malafang? Anong ibig sabihin ng salitang iyon?"
"Ay este! Ayos lang ako! Di na ako inaantok saka di rin ako badtrip sayo no! Siguro gutom lang ako. Tara na kaya at mag-almusal na tayo? sigurado ready na yung almusal natin. hehe. tama almusalan time na. hehe."
"Ganun ba? Kung gayon ay halina sa hapag, ayokong nalilipasan ng gutom ang mahal kong asawa."


Jusme Klay, ano na ate gurl? Kanina kapang umaga. Sabaw na sabaw ateng!

Sa totoo lang lumilipad talaga ang isip nya at muntik pa syang magkamali sa klinika nila ni Basilio. Mabuti na lamang at nakamasid ang kanyang nakababatang kapatid kundi napahamak nya ang isa sa kanilang mga pasyente. Nahalata pala ni Basilio ang kanyang estado kung kaya pinauwi siya nito ng maaga upang hindi na makagawa ng kung ano pa.
Sa pag-uwi ay napagdesisyunan niyang maglakad lakad at dumaan sa mercado. Bibilhan niya ng paboritong kakanin si Fidel na sa isip niya at ikatutuwa ng asawa. Nang makabili na ng kanyang pakay ay napag-isipan ni Klay na maupo at panandaliang magpahinga muna sa ilalim ng mayabong puno ng mangga. Maya maya pa ay may narinig siyang dalawang babaeng nag-uusap. Hindi siya napansin ng mga ito.

Ang kanilang buhay mag-asawaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon