Basta may alak, may pagtawag ng uwak.

219 9 18
                                    

"Haay, bat antagal ni Fidel? Sabi nya tanghalian lang makakabalik sya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Haay, bat antagal ni Fidel? Sabi nya tanghalian lang makakabalik sya." Nakasimangot na sabi ni Klay habang nakatanaw sa bintana.

Mag-aalasais na nang gabi pero walang bakas o ni anino ng asawa nya ang dumadating. Nagpaalam si Fidel sa kanya kaninang umaga na may katatagpuin itong kanegosyo at nangakong kapag katanghalian ay makakauwi pero nagtakip silim na lahat lahat ay hindi pa dumadating ito.
Nag-aalala na si Klay.

"Kasi naman bat hindi agad naimbento yung cellphone para naman makatawag or chat man lang kung nasan na sya. Tas yung cellphone ko, di ko na nahanap. Ah talaga naman oh. Nasan na ba kasi itong Fidel na'to?! Yari ka sakin pag-uwi mo!"

Lumakad siya papunta sa office table nito at doon naupo.

"Easyhan mo Klay, Baka naman may dinaanan lang. . .Oo, tama. Baka nagkita sila nila Elias or ni Kabesang Tales....Argh! Siguraduhin mo lang talaga Fidel yung idadahilan mo sakin pagdating mo."

Napangalumbaba si Klay at maya maya ay napahikab.


"Anong gagawin ko dito Fidel? Ang boring ng bahay pagwala ka."

Sa umaga, masasabi ni Klay na busy talaga siya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Sa umaga, masasabi ni Klay na busy talaga siya.
Ang klinikang ipinatayo nila ni Basilio sa tulong pinansyal ni Fidel. Malaking tulong na naibalik kay Fidel ang mga dati nyang mga kayaman kaya naman ay madali nilang naisakatuparan ang kanilang mga plano. At dahil sila ni Basilio ang tumatayong doktor at nurse sa nasabing klinika ay talagang abalang abala sila dito.

Kapag wala naman syang ganap sa klinika ay pumupunta sya at si Fidel sa kuta upang bisitahin ang mga kasapi at mga kasamahan nila upang kamustahin ang mga ito. Kung minsan naman ay meron silang pagpupulong na kailangan ang presensya nilang mag-asawa. Kapag wala naman at natripan lang nilang pumunta, minsan ay nagtuturo sya sa mga kasamahan nila na gustong matutong magbasa at magsulat.
Sa kanila namang tahanan ay mayroon naman silang mga kasambahay pero sa umaga sya ang naghahanda ng almusal nilang mag-asawa. Gusto ni Klay na sya ang magluluto ng pagkaen at magtitimpla ng kape ni Fidel.
It's one of her love languages.
On her weekends, nagtuturo din sya, sa mga bata naman.
Teacher din ang peg ni Klay sa mga anak ng kasambahay nila.
Oh di ba? Bentang benta ang lola nyo sa dami ng commitments nya dito.
At masaya siya sa lahat ng iyon.
Masaya sya sa mga taong natutulungan nya. Masaya sya kasama ang mga kaibigan nya at masaya sya sa suporta at pagmamahal na natatanggap nya mula sa mga taong ito lalong lalo na sa asawa nyang si Fidel.

Ang kanilang buhay mag-asawaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon