Pangungulila, Pagsusumamo at kundisyon

149 6 6
                                    


Tatlong linggo na ang lumipas nang mabalitaan ni Basilio ang mga naganap sa loob ng Casa Delos Reyes at biglang paglalaho ng kanyang Ate Klay.
Halos isang buwan na rin ang nakalipas simula nang nag-iba ang mga diposiyon ng mga taong malalapit sa kanyang Ate lalong lalo na ang asawa nitong Fidel.

Bilang lang ang mga taong nakakaalam sa totoong nangyari.

May mga nagtataka at nagtatanong kung bakit o kung saan nagpunta ang kanyang Ate lalo na sa kanilang klinika.
Tanging dinadahilan na lang nila ay biglaan ang pag-uwi nito sa kanilang probinsya upang bisitahin ang pamilya nito na malapit naman sa tunay na nangyari, na ito nga ay umuwi sa tunay nitong mundo.

Napabuntong hininga si Basilio.
Narito siya ngayon sa Maglipol y Commercial.

Kumatok siya sa pinto ngunit wala siyang narinig na tugon.

Pinihit niya ang hawakan ng pinto at marahang binuksan ito at nakita niya ang kanyang kuya Fidel.

Naroon lang ito sa kanya mesa de oficina.
Tahimik na nakaupo.
Halatang malalim ang iniisip.

"Buenas días Kuya Fidel.."

Iniangat nito ang tingin sa kanya.

"Basilio.."

Sa loob ng isang buwan na pagkawala ng kanyang Ate Klay ay malaki ang ipinagbago ng kanyang Kuya Fidel.

Kitang kita sa mukha nito ang lungkot, pagkawala at pagiging miserable.
Hindi ito kumakaen ng maayos at madalas ay nalilipasan na ng gutom, kung hindi pa nila pipilitin ay hindi talaga ito kakaen ayon kay Mang Nando.

Maitim ang ilalim ng mga mata nito, senyales na hindi ito nakakatulog ng maayos.
Halos hindi nga ito natutulog at kung hindi iinom ng vino ay hindi ito dadalawin ng antok.

Kung susumahin, ay tunay na kalunos lunos ang sitwasyon ng kanyang bayaw.

"Patawarin mo ako kung hindi kita napansing kumatok bayaw..May ahh..iniisip kasi ako."

"Ayos lang Kuya.. Dito na ako dumiretso matapos kong dumaan sa inyong tahanan."

"May inayos lang ako mga papeles dito sa tindahan, maya maya ay uuwi na din ako. Narito rin kaninang umaga si Isagani ngunit ang sabi ko ay hindi muna kami magbubukas kung kayat pinauwi ko na muna siya."

"Ah ganoon po ba, kung iyan ang inyong nais.....
Tama na din upang kayo ay makapagpahinga. Nananghalian na ba kayo Kuya Fidel."

Hindi ito umimik.

Inilapag ang dalang buslo na naglalaman ng pagkain. Inaabot sa kanya nito ni Mang Nando kanina ng dumaan siya sa Casa. Pinakisuyuan siya nito na piliting kumaen dahil nag-aalala ito sa kanyang Señor.

"Kuya, kailangan mong kumain at huwag panay ang vino. Baka naman ikaw ay magkasakit nyan lalo na ang iyong atay-"

"Katunog mo na din ang iyong Ate kung magpaalala haha."

Nilingon niya ito.
Nakangiti ito ngunit may lungkot ang mga mata.

"Kuya Fidel, gusto mo atang mapagalitan ng iyong asawa. Pagnalaman niyang pinapabayaan mo ang iyong sarili, sigurado akong malalagot ka na naman dito."

Aniya.

"Syang tunay Basilio."

Malungkot na tugon nito saka nagsalin ng vino sa kanyang baso.

Isinandig nito ang ulo sa sandalan ng upuan.

"Kapag ipinagpatuloy ninyo ang ganyang gawain at kapag kayo'y nagkasakit ay pati kami ay malalagot sa galit ni Ate Klay."

Ang kanilang buhay mag-asawaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon