Hello everyone,
This is only a fan fiction story and based lang ito sa aking imagination after mag-end ang series ng MCI.
Para saakin, dahil nabintin ako sa ganap ng Filay ay ginawan ko na sila ng kung ano yung pwedeng mangyare kung nagstay si Klay...
"Ate Klay, bakit narito kana? Hindi ba dapat ay nagpapahinga ka?"
"Ha? Wala naman akong sakit eh. Saka nakapagpahinga na ako kahapon ayokong iwan sayo ang lahat ng trabaho dito no."
"Ngunit Ate Klay, narito naman sina Juli at aking amigo na si Isagani upang ako'y alalayan sa mga gawain dito sa klinika."
Nasa klinika na ngayon si Klay at pumasok na matapos mapaabsent ng de'oras kahapon dahil sa nangyari kamakailang gabi. Nang dahil sa pagkabored nya eh ginawa nyang C2 ang isa sa mga vino ni Fidel. Ang sabi naman sa kanya ng asawa ay hindi naman daw iyon alak. Well there are various types daw ng cordial, it either contains 15% alcohol or is made of concentrated beverages daw.
"Raspberry cordial? Saan ko ba narinig yun dati? Kung di alak yun bat nalasing ako? . . ay ewan!"
Kung ano pa man yung nainom nya lesson learned nya is never ever na sya makikialam sa mga vino ng asawa.
"Apaka traydor! Ugh!"
"Ayos ka lamang ba Ate Klay?" Tanong sa kanya ni Juli. "....baka kailangan pa ninyong magpahinga?"
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Ngayon kasama nya ang magjowang Basilio at Juli, pati nadin si Isagani.
"Hindi kaya ay nagdadalang tao ka Binibining Klay?"
Napahinto silang tatlo sa kanilang mga ginagawa at napatingin sa direksyon ng nagsalita. Si Isagani.
"Isagani, kahit kailan talaga ay walang preno ang iyong mga binibitawang salita." Saway ni Juli kay Isagani
"Bakit? May maliba sa tanong ko? Mag-asawa naman si Binibining Klay at Señor Fidel. Kung kaya hindi malabo na magdalang tao si binibining Klay."
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"Ngunit ang mga ganyang mga paksa ay hindi basta bastang binibitaw na lamang lalo ito ay usapin tungkol sa mga gawain ng mag-asawa." Saad ni Juli habang namumula ang pisngi.
"Ako? Nagdadalang tao?"
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.