Mga pahiwatig at Bisita

128 5 3
                                    


Matapos ang pangyayaring naganap noong hapong nagpakita si Ali at ang pagtunog ng kampana sa hindi malamang dahilan ni Klay ay bumalik sa normal ang lahat.
Lumakad ang mga araw na tila segundo lamang.
Naging abala muli si Klay at Fidel sa kanya kanya nilang gawain.
Wala namang kakaiba sa mga araw ni Klay.
Hindi na din naman ito nasundan ng kakaiba pang mga pangyayari kung kaya ay hindi na niya ito sinabi pa sa kanyang asawa.

"Siguro gutom, pagod at masakit lang yung ulo ko nun kaya naghahallucinate ako. Jusme."

Aniya sa sarili.

So sinimulan ni Klay ang araw niya sa klinika na gaya sa araw araw niyang routine.
Magcheck ng inventory ng mga gamot at kagamitan nila sa panggagamot kapag maaga aga pa at tignan ang mga record ng mga naka schedule na pasyenteng darating.

Matapos niyang matignan ang kwarto kung nasan ang mga kagamitan nila ay tumungo na siya sa sarili niyang tanggapan.

Maaliwalas ang umagang ito tingin niya sa kalangitan.

Kumatok at sumilay sa pintuan si Juli.

"Ate Klay, narito na po ang unang magpapakunsulta sa inyo."

"Sige Juli, papasukin mo na sila.."

Tugon ni Klay.

Isang babae na may dalang sanggol ang pumasok at bumati sa kanya.. Kilala niya ito, isa ito sa mga buntis na nagpapacheck-up sa kanila. Kaya pa hindi niya ito nakita ng mga nakaraang linggo ay nanganak na pala ito.
Sa pakiwari niya ay kaedad lang niya ito.

"Magandang umaga po Señora Klay.."

"Magandang umaga din naman. Kamusta ka? Nanganak ka na pala."

Nakangiting sagot niya.

"Opo, señora..'

Habang nag-eexplain ang babae sa kanyang harapan ay nahagip ng kanyang mga mata sa labas ng kanyang tanggapan si Hernando.

Kausap nito ay isa mga kasamahan nila sa kuta na nagtatrabaho sa tindahan ni Fidel.
Mukhang seryosong usapin ang ipinasa nito kay Hernando dahil seryoso ang mga mukha nito.

Ano kayang pinag-uusapan nila Kuya Hernando?

Tanong niya sa sarili.

"Malakas naman pong dumede ng gatas ang aking anak .."

Muli ay ibinalik ni Klay ang atensyon niya sa babaeng nasa harapan niya..

"Ah mabuti yan Ate. Mainam talaga ang gatas ng ina para sa kanyang sanggol. Hindi mo lang siya nabibigyan ng susutansya kundi pati ugnayan ninyo bilang mag-ina ay titibay.. Pwede ko ba syang kargahin?"

"Opo, pwede po.."

Kinuha ni Klay ang sanggol at maiingat niya itong kinarga..

"Hello baby..ang cute cute mo naman.."

Nakangiting saad ni Klay sa bata.
Kasabay noon ay ang paglalakbay ng diwa ni Klay kung saan siya, si Fidel at ang kanilang magiging supling ay masayang magkakasama.

Nakikita na niya kung paano ang magiging mukha ni Fidel kapag nasilayan na nito ang magiging anak nila.
These kinds of happy thoughts makes her feel so excited na magkababy na.

In Gods perfect time, darating din ang bagay na iyon.

~

"Kuya Hernando, anong meron at may pumuntang isang kasamahan natin dito? May inutos ba si Fidel?"

"Ah, Binibining Klay..Magkakaroon daw kasi nagpupulong ngayon.."

"Ngayon na? Bakit may emergency ba? May duty pa ako.."

Ang kanilang buhay mag-asawaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon