Nagitla si Fidel sa kanyang pagkakatulog nang may narinig siyang galabog sa sahig.
"Klay?"
"Ay Sorry.."
Bumangon siya sa pagkakahiga at naupo sa gilid ng kama. Nakita niyang pinulot ng asawa ang nabitawang suklay sa sahig. Nakabihis na ito at mukhang nagmamadali.
"Bakit ang aga mo mahal ko? Aalis ka na agad?"
"Ah oo eh, nalimutan ko kasing ayusin yung ibang gamit sa clinic.. kaya aagahan ko today para bago dumating yung mga magpapacheck up tapos ko na gawin.."
"Ganoon ba..ngunit ahh..wala ka bang naaalalang..ahm okasyon ngayon Klay?"
"Okasyon? Ano meron??"
Lumingon ito sa kanya ng may pagtataka.
Hindi ba nito naaalala?Lumapit ito sa kanya. Pumagitna sa kanyang mga binti habang siya ay nakaupo at ikinawit ang mga braso sa kanyang leeg.
"May okasyon ba today?"
"Ahh..wala naman-"
"Ah sus! Syempre joke lang! Malimutan ko ba na kaarawan mo ngayon?"
Napailing na lang si Fidel.
Talaga naman itong asawa nya."Maligayang kaarawan Mahal kong asawa."
BINABASA MO ANG
Ang kanilang buhay mag-asawa
RomansaHello everyone, This is only a fan fiction story and based lang ito sa aking imagination after mag-end ang series ng MCI. Para saakin, dahil nabintin ako sa ganap ng Filay ay ginawan ko na sila ng kung ano yung pwedeng mangyare kung nagstay si Klay...