Mga kasagutan

131 10 7
                                    

"Buhay? Anong ibig ninyong sabihin Mr. Torres?"

"Well kasi-"

"Ang nais nyo bang tukuyin ay kailangan kong ialay ang buhay ko? Pero paano?! Teka pero kung mamamatay ako ibigsabihin ba nito ay saglit ko na lamang na makikita at makakasama si Klay? Ganoon po ba iyon Mr. Torres? Pero ayoko ko pang mamamatay! Nais ko pang makasama ng matagal si Klay! Pero aanhin ko pa ang buhay ko kung hindi ko naman na makikita si Klay?? Kung wala din naman si Klay ay wala ng saysay na mabuhay pa ng mahaba. Pumapayag na ako! Kung ito na lang ang huli at tanging paraan na makita at makasama ko sa huling sandali ng aking buhay ang pinakamamahal kong asawa ay gagawin ko. Sige po Mr. Torres! Handa akong mamatay para sa aking asawa."

Diretso at matapang na saad ni Fidel.

"Ha? Ano?! Anong mamamatay?? Walang mamamatay! Ano ka ba Fidel! Dire diretso ka naman! Hindi pa nga ako tapos magsalita! Ano bang pinagsasabi mo bata ka?"

"Ho?"

"Patapusin mo muna kasi ako pwede ba Mr. Fidel.. Ang tinutukoy kong kapalit ang buhay is that are you willing to dedicate your life as a book keeper in this world?"

"Book keeper??"

"Oo. Book keeper. Let me explain.. Tutal alam mo naman na ang inyong mundo..Itong mundo kung nasaan kayo ay magkaiba sa mundong pinanggalingan ni Ms. Infantes. Na ang inyong mundo ay mula lamang sa panulat at nobela ng pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal. Mahirap mang i-explain in details pero this is a multiverse. Ako, na sa mundo ni Ms. Infantes ay isang guro pero dito...ako ay isang book keeper. Nagagawa kong tumawid sa iba't-ibang mundo hanggat nasa akin ito.."

Inilabas ng matandang guro mula sa bulsa nito ang isang bilog na orasan.

"...sobrang tagal ko na sa serbisyong ito ay dito na ako tumanda. Unti unti ay humihina na ako at kailangan ko ng taong papalit saakin upang maging tagapagbantay....Ginoong Fidel, ikaw, na sa orihinal na takbo ng kwento ay wala naman talagang...mahalagang kaukulan ay nabigyang buhay ng dahil kay Ms. Infantes at naiba ang takbo ng kwento, well hindi lang din naman kay Ms. Infantes, dahil din iyon sa pagmamahalan ninyong dalawa..Dahil sa pag-ibig ninyo ay nagkaroon ng isa pang libro."

"Isa pang libro? Hindi ko po kayo maintindihan.."

"Kahit ako man ay nahihiwagaan kung paano nangyari ito dahil sa totoo lang sa tagal kong naging book keeper ngayon lang may nangyaring ganito. Anyways, tatanungin kita Fidel, nais mo bang maging book keeper?"

"Ako? Maging tagapagbantay?"

"Oo. Matanda na ako at medyo hirap nako kaya kailangan ko ng mapagpapasahan nitong trabahong ito. .Dedikasyon ang kailangan dito kaya sinabi kong kapalit ang buhay, pero di naman ibigsabihin ay kailangan mong ibuwis ang buhay mo."

Nakahinga ng maluwag si Fidel sa sinabi ni Mr. Torres.
Ang buong akala nya talaga ay ibubuwis niya ang buhay na handang handa naman niyang gawin para lang kay Klay.

"Kapag naging isa akong book keeper ay makakapiling at makakasama kong muli si Klay."

"Tama at ahh-"

Naputol ang pagsasalita ni Mr. Torres ng makarinig sila ng kakaibang tunog.

(Tumunog at umilaw ang cellphone ni Klay.)

Nagulat si Fidel ng biglang sumindi at lumikha ng kakaibang tunog ang telefono ni Klay. Kinuha niya ito at mababasa ang salitang 'Mama', sa ibabang parte ay may salitang Decline at Answer. Napatingin siya kay Mr. Torres ng may pagkataranta dahil hindi niya alam ang gagawin sa nangyayari.

"Ah si Ms. Infantes na siguro iyang tumatawag.."

"Tumatawag? Si Klay? Ngu-ngunit pa-paaano po?"

"Sige sagutin mo.."

Ang kanilang buhay mag-asawaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon