Saan na yung "jealousy is just an unnecessary feeling?"

303 6 13
                                    

"Klay, nais mo bang samahan muna kita sa inyong klinika?"
"Akala ko magkikita kayo ni Elias?"
"Magkikita nga kami, ngunit mamayang pagkatapos ng tanghalian pa ang oras na aming napag-usapan."
"Ah ganun ba? Sige, bet ko yan! Sakto malalate daw ng dating si Basilio eh."

Masayang tugon sa kanya ni Klay.
Nasa hapagkainan silang mag-asawa ngayon. Masayang nag-aalmusal ng pagkaing hinanda ni Klay para sa kanilang dalawa.
Hinalo niya gamit ang kutsarita ang kapeng tinimpla para sa kanya ni Klay bago ito higupin.
Hhm napakasarap.

"Mahal kita Klay." Wika niya.
Napatigil naman ito sa pagkain, nagpunas ng bibig at ngumiti ito pabalik sa kanya.
"Mahal din kita Fidel."

Ganito siguro ang pakiramdam ng kanyang Papa't Mama noon. Sa alaala ni Fidel, paboritong eksena niya ang mga oras na nasa hapagkainan sila ng kanyang pamilya. Masayang nag-uusap habang kumakaen, nagtatawanan at may matatamis na ngiti sa labi ng kanyang mga magulang.
Kay sayang alalahanin.

Ngunit hindi iyon nagtagal, dahil nang pumanaw ang kanyang mga magulang ay naiwan na si Fidel. Isang Ulila, mag-isa at malungkot.
Simula noon nabuhay syang wala ng kulay ang mundo.
Para kay Fidel, kahit gaano pa kamamahalin, kahit gaano pa kasarap o kahit gaano pa kabagong init ang lutuin, wala na itong lasa. Hindi na niya maramdaman ang init nito. Tanging vino ang naging kahit papano, ang nagbigay tumbas ng init na hinahanap niya. Init ng pagmamahal mula sa kanyang pamilya na hindi na mapupunan.
Kay sakit balikan.

Pero hindi rin nagtagal iyon nang makilala at dumating sa buhay niya si Klay. Lalo pa ngayon na hindi na lang sa hapagkainan niya ito kasama kundi pati sa pagtulog at pagmulat niya sa bawat araw na ipinagkakaloob sa kaniya ng Maykapal. Ang muling nagbigay kulay sa kanyang mundo, nagbigay lasa sa pagkain at nagbigay init sa kanyang buhay sa bawat kapeng itinitimpla nito para sa kanya, damang dama niya ang init ng pagmamahal nito.
Kay sarap damhin.

"Klay? Handa ka na ba? Naghihintay na ang kalesa sa atin?" Sinilip niya ito mula sa pinto ng kanilang kwarto, abala sa kung ano. Humarap ito sa kanya at tumugon.
"Ah ganun ba? Sige, tara na."
"Bakit, may problema ba mahal ko?" Pag-usisa niya.
"May hinahanap lang ako. Pero 'yaan mo na. Mamaya ko na lang ulit hahanapin." Sagot nito sa kanya, halata ang pilit na ngiti sa mukha.
".. Tara?" Ani nito..
Ngumiti lamang siya. Bago sumunod sa asawa ay niligid muna ni Fidel ang paningin sa buong silid tulugan...at saka lumabas.

Nang maihatid na sila sa klinika ay tinulungan niya ang asawa sa paghahanda ng mga kakailanganin nito.
Bilib siya sa magkapatid kung paano nagagawan ang mga taong may sakit at may pangangailangan ay nabibigyang solusyon at lunas.
Siguro kapag may puso ka talaga para iyong kapwa ay magagawa mo talaga ang lahat para makatulong. Gaya na lang din ng mga nagawa nila upang palayain ang bayan sa mga dayuhang mapang-abuso. Para sa kapwa ginawa rin nila ang lahat.
Maliban sa kanyang mga negosyo, nagbibigay din siya ng tulong pinansyal sa mga kagamitan at mga gamot na kailangan nila na dito na minsan ay inaangkat pa mula Europa upang maging mas mainam sa kanilang panggagamot.

"Ah Fidel, pwede pasuyo ako ng mga bulak sa loob. Naubusan na kasi dito eh."
"Oo naman mahal ko."

Pumasok siya sa loob ng opisina ng klinika upang gawin ang inutos ni Klay nang makarinig si Fidel ng isang tinig na hindi nanggaling sa kanyang asawa.

"Isang meztisa de sagley."
"Ah yes? How may I help you sir?"
"Aba! At nakakapagsalita ng wikang Ingles! Nakamamangha!'

Napasilip sa pintuan si Fidel at natanaw niya na may kausap si Klay na isang lalaki. Formal ang kasuotan at itsurang may pinag-aralan. Napakunot ng kilay si Fidel.

"Anong swerte nga naman ang ipinagkaloob saakin ni Bathala at dito ko na pala matatagpuan ang babaeng makakasama ko sa habang buhay."
"Ha? Sira ba ulo mo Sir?"

Ang kanilang buhay mag-asawaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon