Tahimik lang si Fidel sa kanyang kinauupuan habang ang mga mata ay paligid-ligid sa mga nadaraanan sa labas at sa mga taong kanilang kasama. Mahigpit ang pagkakakapit sa bakal na nasa kanyang uluhan at ang isang kamay naman ay mahigpit din nakahawak sa kamay ng asawang si Klay.
Mabilis ang takbo ng karwaheng may apat na gulong na kung tawagin ni Klay ay Jeep. Ito raw ang kadalasang ginagamit sa paglalakbay ng mga tao rito.
"Ok ka lang ba Fidel?"
"Ha?..O-oo. A-ayos lang naman ako, medyo akoy nalulula lamang sa bilis ng ating sasakyan. Kahit ang pinakamatulin kong kabayo ay hindi uubra sa bilis nito."
"Haha, kapit ka lang sakin. Buti nga maluwag pa ngayon kasi kung inabutan tayo ng rush hour.. Naku, patayan na!"
"Ha? Anong ibig mong sabihing...patayan?"
"Ah! Hahaha I mean, siksikan na dito sa loob. Yung isang pisngi na lang ng pwet mo yung nakaupo. Minsan pa may mga nakasabiy dyan sa pintuan ng jeep. Mga ganung eksena ba, yun yung mga fresh kang aalis sa bahay mo tas uuwi kang amoy mandirigma hahaha."
"Kung ganoon pala ay hindi rin kaganda sumakay rito sa jeep?"
"Hindi naman lagi. Saka sanayan lang din yan. Oh ikaw magsabi ng 'para'at malapit na tayong bumaba."
"Pa..rá? la pausa?"
"Oo! sigaw mo lang 'para po'."
"Disculpe señor, por favor detenga el auto."
Nagtinginan sa kanila ang mga pasahero gayun na din ang nagmamaneho na wari ay naguguluhan.
"Por favor? Pa-para po."
Huminto naman ang sasakyan bago pa sila makalagpas sa dapat nilang hintuan.
"Napalakas ba masyado ang boses ko Klay?"
"Ah, hindi naman hehe. Tara! Saglit lang po manong ah?"
Tinangan ni Klay ang braso niya saka sila bumaba. Tumango muna siya sa ibang pasahero bago tuluyan bumaba.
"Akala ko koreano? Bat ganun iba yung salita?"
Narinig nilang saad ng isa sa mga pasahero, nagkatinginan na lamang sila at saka natawa.
~
Hindi na sila naglakad pa ng matagal at agad nilang narating ang isang mataas na gusali.
Pumasok sila at umakyat ng magkahawak kamay.Nakaramdam ng kaba si Fidel.
Noong naroon sila sa loob ng libro ay hindi niya naisip na darating ang araw na magkikita at makikilala niya ng personal ang ina ni Klay dahil hindi rin naman niya naisip na makakatawid siya sa mundo ng asawa.
Paano kung namumuhi pala ito sa kanya dahil sa pagpapakasal niya kay Klay nang hindi man lang nakapamanhikan? Ni makapagpakilala man lamang nga siya ay hindi niya nagawa.
Ngunit paano? Magkaiba sila ng mundo.
Ang mas karimarimari pa ay kung tutulan nito ang pagmamahalan nila sa kadahilang inilayo niya si Klay sa piling nito."Fidel?"
Sa lalim ng kanyang iniisip ay hindi na niya napansin na naiwan na pala siyang nakatayo ni Klay.
"Anyare sayo? Lika na! Nandito na tayo!"
Agad niyang tinakbo paakyat ang hagdan papunta sa asawa upang sana ay pigilan muna ito sa gagawing pagkatok sa pintuan ngunit huli na nang magawa niya ito.
"Saglit lamang Klay-"
Bumukas ang pinto sa kanilang harap at bumungad ang isang ginang.
Ang ina ng kanyang asawa.
BINABASA MO ANG
Ang kanilang buhay mag-asawa
RomansaHello everyone, This is only a fan fiction story and based lang ito sa aking imagination after mag-end ang series ng MCI. Para saakin, dahil nabintin ako sa ganap ng Filay ay ginawan ko na sila ng kung ano yung pwedeng mangyare kung nagstay si Klay...