Buhay Mrs. De Los Reyes y Infantes

582 12 8
                                    

Klays POV.

"Pangatlong gabi na'to ah."

Sabay buntong hininga habang nakaupo mag-isa. Pangatlong gabi na ito ni Klay na mag-isa na naman syang matutulog sa kanilang kama. Mag-aalas Dyes na at hindi parin tumutungo ang kanyang kabiyak sa kanilang silid tulugan.

Tumayo siya at lumabas ng kwarto, naglakad lakad saglit hanggang sa marating niya ang opisina ng kanyang asawa. Huminto muna siya sa tapat nito bago kinatok ang pinto at marahang binuksan ito, doon ay nakita niya ang kanyang asawa, seryoso at sobrang busy sa pagbabasa ng mga dokumentong panigurado ay tungkol sa kanilang negosyo.

"Fidel?"

Tumingin ito sa kanya.

"Oh, mahal kong asawa, bakit narito ka at hindi pa natutulog? May problema ba?"

Saad nito na may halong lambing sa tono na ikinangiti niya ngunit imbis na sagutin ang tanong ay ibinalik lang ni Klay ang tanong kay Fidel habang naglalakad siya papalapit siya rito.

"Ikaw ba? 'di ka pa ba magpapahinga? Anong oras na oh."

Nang nasa tabi na siya ni Fidel ay marahang nitong hinawakan ang kanyang pisngi.

"Nais ko man na ikaw saluhan agad sa ating silid ay hindi ko pa maaring iwanan ang mga dokumentong ito pagkat kakailanganin na ito bukas ng umaga kung kaya't ipagpatawad mo sana aking Binibining Klay."

"Ah ganun ba?"

Medyo disappointed man sya pero hindi nya iyon pinahalata sa asawa, anong magagawa nya eh importante nga daw yun pangungumbis ni Klay sa sarili nyang utak.

"Osige, basta pagnatapos ka na dyan sumunod ka na sa kwarto natin ah. Wag ka masyadong magpakapuyat dyan baka pumangit ka!"

Bahagyang natawa naman ito sa kanyang mga sinabi.

"Pangako mahal ko."

"Ok, balik nako dun sa kwarto. Goodnight Fidel."

"Goodnight din sayo aking Klay."

Ngumiti siya at naglakad na patungo sa pinto ngunit bago makalabas ay nilingon ni Klay uli ang kanyang kabiyak ..

"Fidel,-"

"Yes my dearest wife?"

"Mahal kita Fidel."
Sabay Flying kiss.

"Mahal din kita Klay."

Nasa adjusting period silang dalawa ngayon ni Fidel.. Una, dahil bago palang silang mag-asawa, pangalawa nasanay na sila sa buhay sa gitna ng kakahuyan kasama ang mga kaibigang tulisanes pero naririto silang muli sa dating casa ng mga De Los Reyes. Ang dating bahay ni Fidel.

Sa totoo lang ay hindi nila inakala na muling maibabalik ang mga kayamanang naiwan noon ni Fidel ng magdesisyon siyang maging kasapi ng mga tulisanes. Muli nila itong nabawi kasama ang dati nitong casa gayun din ang kanyang dating companya.

Tatlong buwan palang ang nakalipas ng maipanalo nila ang rebulusyong kanilang ipaglalaban at tatlong buwan palang din ng silang ikinasal. Sa pangunguna ni Padre Florentino ay nagsagawa sila ng seremonya sa harapan ng kanilang mga kasamahan at kaibigan. Biglaan lang ang lahat pero naisip ni Klay bakit pa nya ito patatagalin kung kaya sya na ang nag-aya ng kasal kay Fidel. Sa tuwing naaalala ni Klay ang mga kaganapan ng araw na yun hindi nya maiwasang mapangiti at matawa.

Flashback~

Masayang nagsasalo salo ang buong kasamahan sa kuta sa pagkapanalo ng kanilang kilusan na mapalayas ang mga tiwaling Kastilang Prayle at mga Opisyales sa San Diego at sa ibang kalapit na lugar. Alam nilang lahat ng mayroong pagsubok pa silang kakaharapin ngunit ano naman ba ang kaunting selebrasyon sa kanilang unti-unting pagkapanalo sa tulong ng Maykapal makakaya rin nilang lahat ito.
Magkatabing nakaupo si Fidel at Klay habang sa harapan naman nila ay si Basilio, Juli at Isagani ay masayang nag uusap usap.

"Fidel, tuloy pa din ba yung kasal na inalok mo noon saakin?"
Napalingon ang lalaki sa kanyang direksyon gayun din ang iba nilang kasama.
"Ahm.. bakit mo naman natanong iyan Klay?" Tanong pabalik ni Fidel sa kanya
"Naisip ko lang kasi bakit pa natin patatagalin tutal mahal naman kita, and wala naman akong ibang lalaking gustong makasama habang buhay kundi ikaw lang. Bakit hindi pa tayo magpakasal? Mahal mo naman din ako diba? unless hindi na ako ang iyong tinatanggi? or....hindi mo na ako gustong pakasalan?" Pag-aalalang tanong ni Klay.
Hindi agad nakasagot si Fidel, kahit ang mga tao sa paligid nila ay natahimik sa biglaang deklarasyon ng babae.

Biglang pinutol ni Isagani ang katahimikan ng ito'y nagsalita, "Oo nga naman ho Ginoo, kung tunay nga kayoy nag-iibigan ay bakit pa kailangan patagalin? Sakto at naririto ang aking Tiyo!"

"Teka Klay, hindi ka ba nabibigla saiyong mga pinagsasabi? Hindi basta basta ang iyong mga tinurang salita." Ani ni Fidel.

"Hindi mo kailangang magulat at maguluhan sa mga sinasabi ko, Fidel. Ayoko ng magkamali ulit ng desisyon. Ayokong magsayang ulit ng panahon. Ayoko ng magkamaling mawala ka sakin. Ikaw ang desisyong ipaglalaban ko at araw araw ay pipiliin ko. Pinipili kong maging iyong kabiyak at pinipili kong makasama ka sa habang buhay."

Muli at natahimik ang buong lugar sa mga salitang binitawan ni Klay habang si Fidel naman ay hindi mawari ang nararamdaman sa kanyang mga narinig sa babaeng kanyang pinakamamahal. Sumilay ang pilyong ngiti sa mga muka ni Fidel..

"Tama ka Mahal ko. Bakit pa nating kailangang patagalin kung tayo naman ay tunay na nag-iibigan? Tayo na at mag-isang dibdib saksi ng ating mga kaibigan, kapatid at mga kasamahan."

Naghiyawan ang buo nilang kasamahan at nagdiwang sila ng munti ngunit sagradong kasal sa tulong ni Padre Florentino.

~End of Flashback

Bumalik na sya sa kanilang kwarto at 'di na kinulit ang asawa, alam naman nya mahalaga ang ginagawa nito dahil mula pa ito sa kanyang mga namayapang magulang and for sure namiss ni Fidel ang ganitong gawain dahil dati naman talaga itong business minded.
Humiga na siya sa kanilang kama at nagmuni muni, inalala ang mga nakalipas na kaganapan hanggang sa dalawin ng antok at nakatulog.

Ang kanilang buhay mag-asawaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon