Ang kanilang buhay mag-asawa: Extra chapter 3

131 3 7
                                    

"Nali!"

"Hernando?"

"Saan ang iyong tungo Nali? Malapit ng mag-alas nueve, bakit narito kapa sa labas? Hindi ka ba hinahanap ni Binibining Klay? O pinalayas ka na naman sainyo?"

"Anong pinalayas ang pinagsasabi mo riyan Hernando? Sira-ulo! Narito ako pagkat may hinahanap akong pagkain para kay Klay. Nais raw niyang kumain ng puto-bungbong."

Medyo malalim na ang gabi nang magsabi sa kanya si Klay na nais raw nitong kumaen ng puto-bungbong.
Agad naman niya itong pinagbigyan, huli na nang kanyang napagtanto na Mayo palang ngayon at malabong may nagtitinda na ng puto-bungbong sa ganitong buwan kaya narito siya ngayon naglilibot libot ng maaring mapaghanapan at mapagbilhan ng naturang pagkaen.

"Hahahaha. At saan ka naman hahanap dito ng puto bung-bong? Sa kalagitnaan ng Mayo? Hahaha"

Sinamaan niya ng tingin si Hernando at nang mapagtangtong hindi nakakatawa ang naging biro nito sa kanya ay agad inalis ni Hernando ang ngiti sa mukha.

"Patawarin mo ako Nali, naaliw lang akong makita na ang matapang at palabang si Naliwanagan ay narito sa kakalsadahan naghahanap puto bung-bong kahit Mayo."

"Hindi mo pa kasi nararanasang umibig kaya ganyan na lang kung pagtawanan mo ang konsepto ng pag-ibig. Hindi na ako magtataka kung bakit hanggang ngayon ay wala pa ring kasintahan. Hindi mo ako gayahin?"

Biglang ito napasimangot sa sinabi niya.

"Grabi ka naman sakin Nali, pinairal mo na naman ang kahanginan mo at bakit may pagpasaring sa aking lablayp?"

"Alam mo Hernando, kung tinutulungan mo na lang ako makahanap ng puto-bungbong kesa pagtawanan ako dyan.."

"Osya halina dito sakay sa aking kalesa. May alam akong maaaring gumawa ng puto bung-bong dito."

"Syang tunay??"

Nabuhayang tanong ni Fidel.

"Oo naman! Arat!"


~

"Fidel? Ano at naparito ka sa ating kuta ng ganito kaaga?"

"Elias? Narito ako pagkat mag-iigib ako ng tubig sa may sapa."

"Mag-iigib?? Bakit? Wala bang tubig sa inyong kabahayan??"

"Meron naman pero si Klay kasi."

"Anong meron?? Anong kakaibang bagay o pagkaen ang hiling ng iyong asawa?"

"Anong klaseng tanong yan Elias? Malamang buntis si Klay."

Natawa lang si Elias na imbis na sagutin ang tanong niya. Napapabalita kasi ang mga kakaibang pinaglilihian ni Klay. Hindi maintindihan ni Fidel kung bakit naging usap-usapan ang paglilihi ni Klay, para naman ngayon lang may nangyari sa kanilang lugar.

"Hay nako, isa ka pa Elias. Naturingan pa naman kitang kapatid."

"Paumahin Fidel, yaan mong tulungan kita sa kakailanganin mo. Ano bang sadya mo dito at kailangan mong mag-igib... dito pa talaga?"

"Nais daw kasing maligo ni Klay doon sa batis. Gusto daw nya ng tubig roon, ngunit ayaw naman daw nyang maglakad ng malayo kaya.."

Hindi pa niya natatapos ang kanyang sinasabi ay nakita na niyang nagpipigil ng tawa si Elias. Napailing na lang siya.

"Tara na sa batis, raradyohan ko ang iba nating kasamahan para tulungan tayo."

"Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa tulong mo Elias."

Saad ni Fidel na mas ikinatawa lang ni Elias.

~

"Fidel...Huhuhu"

Ang kanilang buhay mag-asawaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon