Umaga, kakatapos lamang ng misa at napagdesisyunan ng mag-asawang Fidel at Klay na maglakad pauwi sa kanilang tahanan.
Balak nilang dumaan sa mercado.
Wala lang trip lang nila.
Sa termino ni Klay, tamang lakad lang.
Maaliwalas ang panahon.
Maraming tao.Masayang pasulyap sulyap sa mga nadadaanang paninda, paminsan minsang tumatango sa mga nakakasalubong na kakilala. Dinadama ang katamtamang init ng araw na tumatagos sa mayayabong puno na nagbibigay ng saganang lilim sa kanila at sinasamyo ang presko at malinis na hangin ng umaga, ganyan ang pakiramdam nila habang magkayapos ang mga braso habang naglalakad.
"Mahal ko, mayroon kabang gusto ipabili saakin? Sabihin mo lang at kahit ano pa iyan ay bibilhin ko para sayo."
"Asset mo yang pagiging mahangin mo eh no?" natatawang wika ni Klay.
"Gwapo naman." Sabay kindat sa kanya ni Fidel.
"Hahaha buti nalang mahal kita eh no?"
"Bakit? wala namang mali sa aking mga sinabi hindi ba? Kaya sabihin mo lang Klay kahit ano pa yan."
"Ok ok. Sige, parang trip ko din kumaen ng kakanin eh."
"Osige, hintayin mo na lamang ako dito at babalikan kita."
"Samahan na kita, dyan lang naman ata yun."
"Hindi na, dito ka nalang sa lilim para hindi ka mainitan at ayaw kitang mapagod." sabay haplos sa kanyang pisngi na ikinangiti ni Klay.
"Kahit mahangin ka, sweet ka rin talaga eh no."
"At huwag mo kalimutan, gwapo pa."
"Oo nga pala hahaha. sweet at gwapo kong asawa. Sige na ibili mo na ako para makabalik ka kagad."Lumakad na si Fidel at naiwan siyang nakatayo ilalim ng puno nang dumating si Basilio at Juli.
"Ate Klay, ano at mag-iisa ka lamang rito? Nasaan si Señor Fidel?" Panimula ni Basilio
"Magandang araw Ate Klay." Bati naman ni Juli.
"Oh Basilio, Juli. Hello. Hindi, may binili lang si Fidel. Nagpaiwan na lang ako dito, nagpapahinga lang saglit. Kayo ba? Asan yung plus one nyo?" Pagtugon ni Klay sa magkasintahan.
"Plas wan?"
"Edi yung BFF ni Basilio."
"BFF? Ahm Bestfriends for..for ahm?" Napakunot ang mukha ni Basilio sa hindi maalalang terminong tinuran ng kanyang Ate Klay kung kaya isinuko na lang niya ang pag-alala dito.
"...Ang inyo po bang tinutukoy Ate Klay ay ang aking amigo na si Isagani?"
"Bakit nyo po natanong Ate Klay?" Tanong pabalik ni Juli.
"Ah, wala naman. Nakikita ko lang kasi sa trio nyo yung dating kami."Sa tuwing nakikita ni Klay ang mga batang ito ay lagi niyang naalala ang mga panahong lagi silang magkakasama, siya, si Sir Ibarra at ang laging nakabuntot na si Fidel.
Napangiti siya ng maalala ang nakaraan."Oo nga pala Ate Klay, maaari ba akong magtungo sa inyong tahanan mamayang hapon? Nais ko sanang ipakita sainyo ang mga takdang aralin na ibinigay ninyo sa akin. E-eks..Egsayted na kasi ako sa bagong mga engles na salitang inyong ituturo."
Saad ni Juli. Isa rin kasi ang dalaga sa mga tinuturuan niya kapag hindi siya nagpupunta sa klinika."Wow taray! Oks yun! Sige gorabels lang sa bahay!"
"Gorabels? Salitang engles ba iyan Ate Klay?" Naguguluhang tanong ni Juli sa kanya.
"Ay naku Juli, kahit ako hindi ko rin alam kung anong salita o san ba nag-originate yun hahaha" Natatawa na lang nyang sagot
"Maari rin ba akong magtungo sainyo Ate Klay?" Singit naman ni Basilio sa kanila.
"Jusme Basilio, bat kelangan pang magpaalam? One big happy fam tayo dito no! Go lang ng go!"Masaya silang nagtatawanan at sya namang pagdating ni Isagani.
"Mukhang nagkakasiyahan kayo dito."
"Oh, Amigo, bakit ngayon ka lamang?"
"Saan kaba nagpunta Isagani at natagalan ka?"
Tanong ng magkasintahan sa kadarating na binata
"Ah, pagpasensyahan na ninyo ako at may nangailangan lang ng aking tulong."
"Ahsus! Charot charot mo Isagani, sabihin mo after ng misa nangchicks ka na kagad." Banat ni Klay kay Isagani
"Tsiks? Hindi ba iyon ay sisiw sa tagalog Basilio?" Tanong ni Juli sa kasintahan na ikinakamot naman ng ulo ni Basilio.
"Alam ko na ang ibig sabihin ng tinutukoy ni Binibining Klay. Ang ibig niyang sabihin ay babae. At gusto kong pabulaan iyan sa inyo. Hindi totoo ang ipinaparatang ninyo sakin.. dahil kusang ang mga babae ang lumalapit sa akin. Ako lang naman ay isang maginoo may mabuting puso na nais tumulong at may angking kagandahang lalaki." Paglalahad ni Isagani
Natawa lang sila Klay sa mga sinabi ng binata
"Bakit? Wala namang mali sa aking mga sinabi."
"Alam mo, feeling ko talaga long lost brother ka ni Fidel eh. Manang mana ka ng kahanginan sa kanya eh."Kung umulan ng kahanginan noon, panigurado si Fidel at Isagani ang tanging gising ng araw na yun dahil parehong pareho ang dalawa sa ugaling iyon. Nakakatawa man isipin pero ang cute nilang tignan, pwede talagang magkapatid.
"Ay teka speaking of long lost, maiwan ko muna kayo dyan at na-lost na ata si Fidel sa tagal bumili ng kakanin ko. Kita kits na lang tayo sa bahay mamaya. Babu!"
"Sige po Ate Klay, mag-iingat kayo."
Paalam nila sa isat-isa.Nang pinuntahan ni Klay ang direksyon kung saan huling nagtungo si Fidel ay hindi niya ito agad nakita. Medyo matao kasi ang lugar.
Lumingon lingon at naglakad pa siya ng kaunti ng matagpuan na niya ang asawa.Agad na naningkit ang mga mata nya sa kanyang nakita.
Si Fidel, may kausap na mga babae.Ay ang galing. Kaya pala ang tagal eh.
Napansin din ni Klay na isa sa mga kababaihang kumakausap kay Fidel ay todo pagpaypay sa sarili.
De-battery ba yung pamaymay ni Ate? Ambilis ng pagpaypay eh. Parang gusto ko mabadtrip ah. Wait lang. Easyhan mo Klay, wala namang ginagawang masama ang asawa mo, nakikipag-usap lang sya oh. Yung mga babaeng yun lang ang todo pacute sa asawa mo...Klaay, behave.Dapat ata lagyan ko ng placard to si Fidel na may nakasulat na taken eh.
Nanlaki ang mga mata niya at mabilis na lumapit si Klay ng makita ang babaeng mabilis na nagpapaypay ng kanyang abanico ay humawak sa braso ni Fidel.
"Fideeel.."
Napalingon sa kanya ang asawa at ang tatlong babae. Nang makalapit siya..
"Mahal, kanina pa kita hinahanap, nandito ka lang pala."
With a side eye.Wika ni Klay habang nakatingin kay Fidel
"Patawad mahal ko at-"
"Ok lang! basta nakita na kita." Napakunot ng kilay si Fidel sa kanya.
"Ah mahal ko, maaari bang samahan mo akong maupo doon? Napagod kasi ako maghanap sayo... Alam mo namang nanghihina pa ang aking mga binti...ikaw kasi ehh..PINAGOD MO'KO KAGABI."Rinig na rinig ni Klay ang pangsinghap ng mga dalaga sa mga binitawan nyang salita habang si Fidel naman ay nanlaki ang mga mata kasabay ang pumumula ng mga pisngi.
"Tara?"
"H-ha? O..oo halika na kana." Pautal utal na sambit ni Fidel.
"Sige po mga madam, magandang araw sainyo." Magalang na pamamaalam niya kasabay ang isang matamis na ngiti."Nang makalayo layo sila ay agad siyang kinausap ni Fidel, hindi malaman kung ito ba ay natatawa o nahihiya.
"Klay, bakit mo naman sinabi ang mga ganong bagay?"
"Bakit? May mali ba sa sinabi ko? Totoo namang napagod ako kagabi eh, hahaha. Nakita mo yung reaksyon ng mga mukha nila?" Tatawa tawang sagot ni Klay.
"...Nakita mo yung pagpapacute sayo nung isa? Kulang nalang liparin yung mukha sa lakas ng pagpaypay eh." Dagdag pa niya.
"Nagseselos ka ba mahal ko?" Namamangha namang tanong pabalik sa kanya ni Fidel.
"Hoy Mr. Fidel Maglipol! Selos? Excuse me ha?!Saka bat parang maypagrejoice?" Natawa lang si Fidel sa naging tugon niya.
"Alam mo asawa ko, Jealousy is just an unnecessary feeling." Aniya ni Fidel
"Wow ha? Talaga ba Fidel? Coming from you? Sino kaya yung selos na selos dati sa kaibigan nya? Sino kaya Fidel?" Nanlalaking mata sabi ni Klay sa asawa.
"Well it's all in the past at aminado naman ako doon, ngunit wala kang dapat ipangamba sa katapatan ng aking pag-ibig sayo aking mahal na asawa. Hindi pa ba sapat na katunayan ang lumipas na dekada na ni minsan ay hindi ko nagawang umibig o tumingin man lang sa ibang babae pagkat tanging ikaw lang ang nilalaman ng puso't isipan."
Natawa naman si Klay sa defensive na sagot sa kanya ng asawa
"Ay grabe ha, may pagkonsensya yarn? Ang sakin lang naman and FYI hindi po ako nagseselos. Ayoko lang na may nagpapacute na iba sayo....Gusto ko ako lang."At napatameme naman ngayon si Fidel. Alam naman lahat iyon ni Klay. Hindi naman niya kahit kelan pinagdudahan ang pagmamahal sa kanya ni Fidel pero kung nagseselos ba sya? Hmm hindi sya sure. Basta one thing's for sure, mahal na mahal niya ang lalaking nasa kanyang harapan ngayon.
"Oh edi its a tie."
"A tie?"
"Wala. Tara na uwi na tayo at mayayang hapon ay pupunta sina Basilio at Juli sa bahay natin."
"Ah ganoon ba. Osige, halika kana." Bahagyang yumukod si Fidel sa kanya.
"Oh bakit nakaganyan ka?" Tanong niya
"Hindi ba't ang sabi mo kanina ay nanghihina ang iyong mga binti? Kakargahin na kita...tutal ako naman ang may dahilan kung bakit.. napagod ka kagabi." Nakangising saad nito sa kanya
"Baliw ka Fidel! Tumayo ka nga dyan! Nakatingin satin yung mga tao! Baka narinig nila yung sinabi mo! Nakakahiya, kaloka ka haha!"
"Talaga ba Klay? Coming from you?" Panggagaya sa kanya ni Fidel na ikinatawa niya
"Sira ka! Gayang gaya mo na pati pagsasalita ko hahaha."Tumayo si Fidel, kinuha ang kanyang mga kamay at hinalikan. Muli ay magkapayapos ang mga braso at nagpatuloy na sa paglakad habang natatawa sa bawat isa.
BINABASA MO ANG
Ang kanilang buhay mag-asawa
RomansaHello everyone, This is only a fan fiction story and based lang ito sa aking imagination after mag-end ang series ng MCI. Para saakin, dahil nabintin ako sa ganap ng Filay ay ginawan ko na sila ng kung ano yung pwedeng mangyare kung nagstay si Klay...