"Nakakamiss naman maglakad lakad ng ganito sa hapon no?"
"Syang tunay aking mahal. Ikaw at ako, magkahawak kamay."
"Sa true. Ewan ko ba, grabeng busy natin last week."
"Hindi na ba sumasakit ang ulo mo Klay?"
"Hindi naman na, siguro dahil nga sa sobrang busy natin. Pagod siguro."
"Yaan mo at mamasahihin ko ang iyong ulo mamaya kung muli mang sumakit ito."
"Hmp! Masahe sa Ulo na napupunta into whole body massage."
Isang pilyong ngiti ang sumilay sa mga labi ni Fidel dahil sa mga tinukoy ni Klay. Ang masahe na saglit lang sana upang mapawi ang sakit ng kanyang ulo ay nauuwi sa 'latenightalks' nilang mag-asawa.
"Bakit hindi ka ba nasasarapan sa aking pagmamasahe sayo??"
"Sira ka Fidel! Baka may makarinig satin! Ano pa isipin nila!"
Sabay hampas sa braso ng asawa.
"Bakit? Kung ano man ang isipin nila ay tama ang iniisip nila. Hahaha"
Natatawa namang sagot ni Fidel.
"Well tama ka din naman dyan. Hahahaha"
Walang paki sa mga matang nakatingin sa kanila ay tuloy lang sila sa kanilang masayang pag-uusap na para bang may sarili silang mundo.
"Mahal ko, may gusto ka bang ipabili? Kakanin o kung ano pa man?"
"Hmm, nagugutom ako pero parang gusto ko ng tapsilog.."
"Tapsi..log?? Ano iyon Klay? Ngayon ko lang narinig iyan. Isang klase ba yan ng delikasiya?"
"Tapa. Sinangag. Itlog is Tapsilog."
Maikling explanation ni Klay.
"Namiss ko na yun.. parang gusto ko nun.."
"Nakamamangha. Pagkaen ba iyon sa inyong mundo?"
"Oo, kahit san meron nun, pero pwede din naman tayo na lang magluto. Gusto mo lutuan kita nun?"
"Oo naman mahal ko. Nais ko matikman ang tapsilog na sinasabi mo. Yaan mo at mag uutos ako kay mang Nando na bumili ng tapa sa mercado."
"Sige, bet ko yan! Tara uwi na tayo!"
Masayang pag-aaya ni Klay ngunit bago pa sila lumakad ay nahagilap ng kanyang paningin ang dalawang pamilyar na pigura kung kaya itinuro nya ito kay Fidel.
"Teka, si Basilio at Isagani ba yun?"
"Saan?"
Sinundan naman ni Fidel ang direksyong kanyang tinukoy.
"Syang tunay. Sila nga, ngunit ano ang ginagawa ng dalawang iyon at nakasalampak sa damuhan si Isagani?"
"Tara puntahan natin Fidel."
Nang makalapit ay namukaan agad sila ni Basilio kung kaya tumayo ito sa pagkakaupo at bumati sa kanila.
"Ate Klay, Kuya Fidel. Magandang hapon sainyong dalawa."
"Magandang hapon din naman sayo Basilio."
Nagkunot naman ng mukha si Klay sa inabutan nya.
"Oh bat malungkot ang beshy mo, Basilio?"
"Ha? Ate Klay?"
"Ayan oh. Anong nangyari dyan kay Isagani?"
Inginuso ni Klay ang direksyon patungo kay Isagani saka napagtanto ni Basilio na ang kaibigan pala ang tinutukoy ng kanyang Ate.
BINABASA MO ANG
Ang kanilang buhay mag-asawa
عاطفيةHello everyone, This is only a fan fiction story and based lang ito sa aking imagination after mag-end ang series ng MCI. Para saakin, dahil nabintin ako sa ganap ng Filay ay ginawan ko na sila ng kung ano yung pwedeng mangyare kung nagstay si Klay...