Chapter 35

22 1 0
                                    

ANGEL's POV


Dinilat ko ang mga mata ko at ang sinag ng araw ang sumalubong sa akin. Tumayo ako at pumunta muna sa banyo para maghilamos. Huling araw ko na ito kasama si Aldrin, yung tipong malaya kaming dalawa at walang pumipigil sa amin. sabi ko sa sarili ko. Pagkalabas ko ng banyo ay nakita kong nakahanda na ang almusal sa lamesa at doon ay parang hinihintay ako ni Aldrin.


"Angel, sabay na tayong kumain. Mamaya doon tayo sa may grass field, samahan mo ko dun." sabi niya at tumango ako na may kasamang ngiti.


~~~~~~~~



Pagkatapos naming kumain ay dinala ako ni Aldrin sa isang napakagandang lugar. Nandito na kami ngayon, sa grass field kung saan matatanaw mo ang ganda ng kapaligiran. Umupo kaming dalawa ni Aldrin.


Nagalit kaya talaga siya sa akin kagabi nung tinulak ko siya at hindi ko siya tinulungan? Hindi ko naman talaga gustong gawin yun eh at bakit ko gagawin iyon sa totoong tao na sinisigaw ng puso ko? sabi ko sa sarili ko pero wala na din naman akong magagawa eh, tapos na at hindi ko alam kung okay na kaming dalawa.


Siguro mas magiging maganda ang tanawing ito kung maayos ang buhay ko ngayon, yung tipong malaya akong makakasama siya at walang humahadlang sa aming dalawa. Wala eh, mamayang 5:30, babalik na kami sa Manila. Magkakahiwalay nanaman kami at lalong pilit na paghihiwalayin. Oo inaamin ko na. Inaamin ko na duwag ako kasi si Aldrin kung ipaglaban ako, parang buhay niya yung ipinagtatanggol niya eh pero ito ako, alam ko na ang totoo pero wala pa ding ginagawa.


Pero sa tingin ko, nagiging malakas at matatag din ako sa ginagawa kong ito kasi nakakaya ko ang magtiis nang sobra sobra kahit nasa harapan ko na ang totoong mahal ko. Masakit para sa akin ang makita siyang nalulungkot dahil sa pagkawala ko lalo na kapag mismong sinasabi niya mismo sa harap ko kung gaano siya nasasaktan.


"Siguro mas masarap ang umupo dito kung wala kang pinoproblema o hindi ka nasasakal sa mga nangyayari sa buhay." sabi ko kay Aldrin kahit hindi ako nakatingin sa kanya.


"Ano ang ibig mong sabihin? Sinasakal ka ba masyado ni Emmerson?! Sabihin mo lang at baka matamaan nanaman yun sa akin."


Imbes na mag-alala ako kay Aldrin, napatawa nalang ako sa sinabi niya. Hanggang ngayon, hindi pa din siya sumusukong ipaglaban ako. Talagang anuman ang mangyari, he will always be my protector at sobrang swerte ko dahil mayroon akong isang tulad niya sa buhay ko na maituturing kong totoong akin.


"Oh bakit ka natawa?" tanong niya sa akin, halatang sobrang nagtataka siya. Sino ba naman kasi magtataka sa ginawa ko diba? Ang seryoso nung tao, handa na ngang makipag-away tapos tatawanan pa diba.


"Ah wala naman, ang cute mo lang kasi magalit."


"Nagagalit na nga cute pa?"


"Ok fine sige, mas cute na si Emmerson sayo noh."


Bigla siyang napatingin sa akin at pinanliitan ako ng mata pero nagulat lang naman siya at hindi ganoon nagalit.

A Piece of My Heart (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon