Chapter 6

51 2 0
                                    

Tinatamad akong umuwi ngayon ng Plipinas kasi nandoon si Nattasha. Hayy, siguro hindi muna ako makikipagkita kay Aldrin. Ay hindi, kailangan kong pumunta sa office niya para naman ipakita kay Nattasha na I'm here at hindi siya kailangan ni Aldrin. Pero hindi ko naman sasabihin yun, kasi baka maging Nattasha na din ang ugali ko.

May kumatok sa pinto ng hotel ko at nandito na si Emmerson. Binigay ko sa kanya yung maleta ko dahil sabi niya siya na daw ang magdadala. Napakagentleman naman pala nitong lalaking to. Sumakay kami ng elevator, from tenth floor hanggang ground floor. Nang makababa na kami, nagbayad na kami ng fees at ibinalik ang susi sa lobby. Habang hinihintay ang sukli, ay nagabang ng taxi si Emmerson. Lumabas na kaming dalawa at sumakay ng taxi.

"Bella, kung nagalit man sayo yung boy-----"

"Ay hindi...hindi siya nagalit kaya okay lang." mabilis kong pagkasabi sa kanya.

Nakasakay na din kami ng eroplano at kumain kami ng mga pagkain na binigay sa amin nung stewardess. Ang sasarap ng mga pagkain nila grabe tapos umorder pa ako ng chocolate ice cream. Honestly, ito ang pinakamasarap na ice cream na natikman ko sa buong buhay ko. Habang kumakain ako, tumunog ang cellphone ko at nakita na nagtext sa akin si Aldrin. Binuksan ko to ng painis at binasa.

Hi Bella! Text mo nalang ako kapag nandiyan kana para naman masundo kita :)

Pero hindi ko nalang inintindi ang sinabi niya. Nung wala ako kasama niya si Nattasha tapos ngayong nandito na ako, sweet sweetan siya. Tapos tumunog ulit ang phone ko, voice message naman yung sinend niya, clinlick ko to at pinakinggan.

Hi Bella, please huwag ka nang magalit sa akin. Ito oh, I'll sing a song for you.

We can build this dream together standing strong forever nothing's gonna stop us now and if this world runs out of lovers, we'll still have each other nothing's gonna stop us, nothing's gonna stop us.

At nagstop na yung voice message. Hindi ko alam kung paiiralin ko ba yung inis ko o rereplyan siya. Hayyy, di ko alam! Huwag ko na nga lang replyan.

BOOM!

Bigla akong may narinig na medyo malakas na pagsabog at halos lahat ng tao dito sa loob ng eroplano ay nagpanic. Hala, anong nangyayari?! 

"Emmerson, anong nangyayari??!" tanong ko sa kanya pero hindi niya din alam ang sagot. May mga batang umiiyak na sa loob at mga matatandang nagpapanic. Ano meron? Sasabog? Babagsak ang eroplano? ANO???!

"Passengers, we are ordering EVERYONE to fasten your seatbelts. Please this is for your own good!" sabi ng isang stewardess na incharge kanina doon sa pag-iinstruct bago lumipad ang eroplano.

"Bella, sumunod ka nalang sa sinasabi ng stewardess bilis!" nagmamadaling sinabi sa akin ni Emmerson habang inaayos niya ang seatbelt niya kaya gumaya nalang din ako sa kanya. Hindi na maganda ang nangyayari. Baka ito na ang huling pagkakataong makikita ko ang mundo. Kinuha ko agad ang cellphone ko at tinext si Aldrin.

Aldrin, I love you until the end.

Message sent! Ngayon, okay na...I'm ready sa anumang pwedeng mangyari. Biglang may sumabog sa likod ng eroplano at nag-aapoy na ito. Lumalakas na ang iyak na naririnig ko mula sa mga batang pasahero. Nakakaawa naman sila. Paano ko sila matutulungan? Paano ko maisasalba ang lahat ng tao dito?

ALDRIN'S POV

"Bella!!!!!!!!!!!"

Sinigaw ko ang pangalan ni Bella nang imulat ko ang mga mata ko. Nakatulog na pala ako dito sa office.Bakit ganoon ang panaginip ko? Napanaginipan ko kasi yung nasagasaan si Bella nung galing kami sa park. Anong ibig sabihin nun? May masamang mangyayari sa kanya?

"Anak, prepared ka na ba para sa party mamaya?" lumapit sa akin si mommy at umupo sa chair.

"Mom, pwede niyo po bang i-contact yung eroplanong sinasakyan nila Bella? Para kasing may masamang nangyayari eh."

"Ano ka ba Aldrin wag mo nga pag-iisipin iyan. Magiging masaya ka mamaya dahil I'm sure, makukuha mo na ang oo ni Bella."

"Sana na nga lang po, walang masamang mangyayari...wag naman po sana sa araw na 'to."

"Aldrin, invited pala mamaya si Nattasha?"

"Hindi nga po dapat kaya lang, inimbita sarili niya eh."

"Nothing changed, hay."

CARLA'S POV

Kasama ko si Jerome ngayon na nanonood ng tv habang kumakain ng popcorn.

"Anubayan commercial nanaman...wait lipat ko nga sa news para makita ko yung nanalo sa awards night." sabi ko kay Jerome habang sinusubo ang cheese flavored popcorn.

Nilipat ko ang tv sa news at bad news ang tumambad sa akin. Anubayan, wala na bang good news ang maibabalita? It's about a plane that crashed, hay nako. Lahat nalang ata bad news, wala na silang tinira.

"Wala na ba silang maibabalitang maganda?" sabi ko habang nakatingin kay Jerome, pero siya, nakatingin sa tv.

"Wait lang...si Bella ba yun?" sabi niya sa akin. Tumingin ako sa tv pero ibang tao ang nakita ko.

"Wala naman eh! At tsaka hindi naman sinabi na from Hongkong ang eroplanong iyan." sagot ko sa kanya.

"Pero siya talaga yun eh! Hindi ka kasi tumingin eh...andun siya!" ipinaglalaban padin niya ang sinasabi niyang nakita niya daw.

"Kung si Bella yun, may sign na siya nga yun okay?"

"Pero......Carla, believe me."

"Stop hallucinating na! Ano ka ba, magpopropose mamaya si kuya sa kanya okay? So please, let's just hope na mali ang nakita mo. Please." nagmakaawa ako sa kanya dahil kung totoo man yung sinabi niya, alam kong malulungkot nang sobra-sobra si kuya. Yung mafefeel niya na mawawala yung taong mahal niya sa pinakaespesyal na araw para sa kanilang dalawa.Please Lord, no.

Kinuha ko ang phone ko at para masiguro na namalik mata lang si Jerome, tinawagan ko si Bella. Pero cannot be reached.

"Oh ano, sumagot na?" tanong sa akin ni Jerome.

"Cannot be reached eh....baka naman, nasa luggage niya lang." pagdadahilan ko.

Sinubukan ko ulit na tawagan pero yun padin ang nangyayari.

"Baka naman low batt or naka-off lang...basta everything's fine."

"Eh tawagan mo kaya si Aldrin."

"Should I?" tinanong ko siya at siya'y tumango.

Tinawagan ko si kuya.

Hello kuya, anong oras uuwi si Bella?

I don't know eh...ang nireply niya lang is...Aldrin, I love you until the end.

H-ha? B-bakit ganun ang reply niya? Ano ba meron? May nasabi ba siya sayo?

Wala naman, medyo nagkamalabuan lang kami.

Pero bakit ganun ang reply niya? Out of topic!

Ewan ko basta ang alam ko nalang, magiging masaya tayong lahat mamaya dahil magiging fiance ko na si Bella, okay?

Kuya, just don't expect too much.

Bakit naman? Alam kong makukuha ko na din ang oo ni Bella so don't worry Carla. Everything would be perfect!

O-okay kuya...goodluck!

A Piece of My Heart (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon