NATTASHA'S POV
Breathe, Nattasha, breathe.
Nasa tapat na ako ngayon ng Starbucks. Sabi ko sa sarili ko, kung si Bella man talaga ang makikita ko sa likod ng pangalang Angel Trinidad, haharapin ko nalang ito. Pumasok ako sa loob at lumingon-lingon. Maybe, hindi nga talaga si Bella yun kasi wala akong nakitang kamukha niya. Lumapit ako sa counter at tinanong kung may nagpareserve na nagngangalang Angel Trinidad. Sabi naman niya, wala pa. Lalo akong kinakabahan nito eh.
NATTASHA: Pakisabi nalang sa babaeng Angel Trinidad na pumunta nalang sa table kung nasaan ako. Please?
Tumango yung staff at umupo na ako malapit sa pinto. Tumingin-tingin muna ako sa labas pero wala padin akong nakita na nakapagtataka. Everything seems normal, walang kakaiba. Ngunit biglang may isang babae na pumasok sa loob. Average ang height niya, itim at wavy ang buhok, may matangos na ilong, malaking ngiti at kayumangging balat.
Gusto ko nang lumabas at hindi magpakita nang madatnan ko ang babaeng ito. S-si Bella, siya si Angel Trinidad? Pero paano? Hindi ba saglit lang siya nawala? Paano mapapalitan ang pangalan niya? Pumunta siya sa counter at tinuro naman ako nung nakausap ko kanina. Palapit siya ng palapit sa akin hanggang sa...
ANGEL: Ms. Nattasha Anderson?
Sabi niya sa akin. Tumango ako at umupo siya sa tapat ko. Nginitian niya ako pero hindi ako ngumiti.
NATTASHA: You're late.
ANGEL: I'm so sorry, may traffic kasi papunta dito sa mall. Actually, nandiyan nga lang yung first branch ng EMGEL kaya I can go here anytime kaya lang, from our house, traffic lang talaga.
NATTASHA: Miss Trinidad, my time is gold and I don't want to waste it. So let's talk?
Binigyan ko siya ng pilit na ngiti at tumango naman siya. Siya nga ata ito, parang anghel kung maging mabait eh. Binigay niya sa akin ang form kung saan nandoon ang information tungkol sa business nila.
NATTASHA: So one year na pala ang Emgel?
Hindi siya si Bella! Kasi kung si Bella iyan, edi sana 2 months palang ang business nila. Medyo nakahinga ako ng maluwag.
ANGEL: Oo daw.
NATTASHA: Daw? You're not sure of your own business?
ANGEL: Sorry may amnesia kasi ako.
Nahulog ang panga ko sa mga sinabi niya. 80% na si Bella nga talaga ito. Kung may amnesia siya, eh talagang hindi niya malalaman na siya si Bella Corpuz!
NATTASHA: Amnesia? Bakit?
ANGEL: Car accident two months ago.
Two months nang nawawala si Bella! Pero bakit car accident? Yun nalang ang hindi tama sa mga sinasabi niya. Kasi plane crash ang dahilan ng pagkawala ni Bella.
NATTASHA: Car accident? Niloloko mo ba ko?
Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ko. Nagpadala nanaman ako sa emosyon.
ANGEL: Hindi ako nagbibiro at tsaka hindi ba EMGEL ang pinag-uusapan dito? Bakit po napunta na sa personal kong buhay? You shouldn't be wasting your time, right?
NATTASHA: Miss Trinidad, we need background information, y-yun lang.
ANGEL: But I don’t think my amnesia concerns you.
BINABASA MO ANG
A Piece of My Heart (Book 2)
FanfictionThis is a Rated G book. Anyone may read this. Wala po kayong maeencounter na maseselang tema, lengguwahe, karahasan, sexual, horror o droga na hindi angkop sa mga bata. This is open to everyone. =)