Chapter 28

29 1 0
                                    

ALDRIN’S POV

 

NATTASHA: Guys sabi ni Emmerson doon daw tayo sa may rest house. Mayroon doon bar, may spa, mayroong basketball court, basta madami! Siya na daw magbabayad ng kung ano ang gagawin niyo doon.

                Sumunod nalang ako sa sinabi niya. Pumunta kaming lahat sa rest house ng Tagaytay resort na ito. Napakaganda pala dito, bakit hindi ko nga pala naisipang pumunta dito noh? Alam niyo kung ano ang meron sa ibang bansa, meron din dito kaya huwag na huwag nating mamaliitin ang Pilipinas dahil kapag nawala bigla ang mga yaman na meron tayo, tayo din ang magsisisi sa huli.

                Doon ako pumunta sa bar kasama si Enrique. Umorder kami ng tig-isang baso lang dahil wala naman sa nature namin ang maglasing. Umiinom lang kami kapag gusto naming. Disiplinado naman kaming mga tao noh!

ENRIQUE: Alam mo pare, gusto ko na din magmove-on.

                Huh? Bakit biglang ganito ang sinasabi nito? May problema ba ito sa love life? Ay oo nga pala, dati pa hahaha! Kung naririnig lang ako nito ngayon, hay nalagot na ako.

ENRIQUE: Mahirap na eh baka mamaya hanggang kamatayan hindi na mawala si Bella sa puso ko.

ALDRIN: Oo nga eh alam na man nating nagmamahalan kami. Huwag kang mag-alala pare, hahanapan kita ng para sayo. Syempre, best friend mo ko eh.

ENRIQUE: HAHA! Best friend talaga kita! Alam mo na pare ha? Yeah! Amazing, nice one dude!

                Hindi pa nga nagsisimulang uminom para na agad siyang lasing.

ENRIQUE: Aldrin tignan mo yun oh.

                Tinuro niya yung pinapakita niya sa akin at alam niyo kung ano iyon? Si Emmerson tsaka si Angel! May mga kausap silang mga taong inimbita din nila. Si Emmerson nakaakbay pa kay Angel na akala mo kung sinong fiancé eh sa katunayan nga, manloloko naman!  Boyfriend daw?  Eh girlfriend ko iyan eh! Nakakainis! Walang respeto sa buhay ng may buhay!

                Ininom ko nalang yung inorder namin nang tuloy-tuloy. Si Enrique nga napapatpaik nalang sa balikat ko dahil napansin niya din ata na galit nag alit na talaga ako pero ayaw ko lang ilabas. Sige Emmerson, tignan natin kung hanggang saan iyang kaligayahan mo. Baka nakakalimutan mo, amnesia lang ang meron si Bella pero hindi nilipad ang utak niya.

ALDRIN: Alam ko na pare! Si Nattasha! HAHAHA!

                Hindi ko na din namamalayan ang mga sinasabi ko dahil madami-dami na akong nainom. Mga sampung minuto na kasi ang nakalipas nang uminom kami dito ni Enrique.

ENRIQUE: Ayoko dun! Yung tulad ni Bella kahit hindi niya kamukha, basta mabait!

ALDRIN: Ahh oo nga hindi nga pwede si Nattasha doon.

                Nagtawanan kaming dalawa nang malakas dahil sa joke na sinabi ko. Eh bakit, totoo naman eh! Ugali palang, hindi na pwede kasi ang sabi niya tulad daw ni Bella eh ang layo-layo ng ugali nun sa girlfriend ko eh.

EMMERSON: Alam niyo ba guys once na nakapagpakasal na kami ng fiancée ko, pupunta kaming America. Doon kami maninirahan permanently! Hindi na kami bibisita dito at plano naming magpakasal next month.

                Kausap ni Emmerson yung mga ibang inimbita niya nang sabihin niya iyon pero halatang nilalakasan niya talaga para marinig ko. Next month?! America?! Permanently?! Niloloko ba kami ng lalaking ito?! Tumayo agad ako para ilabas yung galit ko sa kanya pero pinigilan ako ni Enrique. Inupo niya ako ulit para pigilan. Ayaw naman niyang magkaroon ng gulo dito sa celebration kahit gusto talaga naming sirain iyang lahat.

ENRIQUE: Chill lang! wala din mabuting maidudulot ang padalos-dalos na desisyon. Naalala mo nung sa school dati?! Ang dami kong pasa pare!

                HAHA naalala ko tuloy yun.

ALDRIN: Eh ikaw eh, tinulak mo si Bella tsaka sinaktan mo kapatid ko. Sinong hindi magagalit sayo?

ENRIQUE: Sa bagay HAHA! Gusto mo part 2? Para makaganti naman ako sayo!

                Nagulat ako nang bigla siyang lumapit sa akin, malapit na malapit talaga.

ENRIQUE: Gusto mo ikaw nalang pumalit kay Bella sa puso ko?

ALDRIN: YUCK! Kadiri ka! HAHA! Bakla ka pala Enrique?! All this time, ako lang pala ang gusto mo? Halika pakasal na tayo, HAHA!

ENRIQUE: Naniwala ka naman…kadiri ka pre! Mas kadiri ka! Iww iww iwww!

                Nagtawanan lang kaming dalawa. HAHA! Ganito ba talaga kami kapag nakainom? Napansin kong si Emmerson nalang ang kumakausap sa mga tao. Hala, nasaan na kaya si Bella? Bakit parang bigla siyang nawala?

ALDRIN: Pre magpapahangin lang ako sa labas ah.

                Tumango si Enrique at lumabas na ako ng rest house. Tumayo ako doon sa may tabing dagat at tinignan ang mga alon. Gusto ko nang matapos ito! Sobra na! hindi ko na kaya! Once na magpakasal na yung dalawa, wala na akong pag-asang makuha si Bella.

NATTASHA: Aldrin, lasing ka na ba?

                Nandito na naman to! Hinawi ko siya dahil babalik na ako sa kwarto ko para magpahinga pero bigla niya akong inakay.

ALDRIN: Pwede ba Nattasha, kahit 1 inch lang lumayo ka muna.

                Pero hindi niya pa din ginagawa kaya aksidente ko siyang natulak pero hindi naman ganoon kalakas. Hindi na siya nagsalita pa kaya ginawa ko na itong paraan para makatakas. Bumalik ako sa bar at naabutan na nandoon na din pala sila Jerome at Sam kasama ni Enrique. Umupo ako sa pwesto ko kanina at nagtinginan lang sa akin ang apat. Tumingin ako sa salamin na kaharap ko pero wala namang kakaiba sa mukha ko. Baka sadyang lutang lang ang mga ito.

                Buti nalang at hindi muna ako kinakausap ng mga ito para makapag-isip muna ako ng tama. Paano ko kaya malalaman kung naaalala na talaga ako ni Angel? Papaano ko mas mapapadali ang pagbalik ng ala-ala niya? Ting! Bigla akong may naisip na magandang ideya kaya nga lang, malalagay sa panganib ang buhay ko once na gawin ko ito. Pero hayaan mo na, mas pipiliin ko nalang na mamatay habang pinaglalaban si Angel kaysa naman kami pa ni Nattasha ang ipakasal ng mga magulang niya!

ALDRIN: Mga tol kailangan ko ng tulong niyo.

JEROME: Sige ba! Para saan ba?

                Binulong ko sa kanilang apat ang plano ko at sabay-sabay silang namangha pero kita na may pag-aalala pa din sa mga mukha nila. Nagtinginan silang apat tsaka sumang-ayon sa plano ko.

SAM: Bakit mo naman naisipan iyan?

ENRIQUE: Oo nga pare, pero huwag kang mag-alala tutulong kami.

                Nginitian ko silang apat. Maaasahan talaga ang mga totoong kaibigan.

ALDRIN: I will get her back.

AUTHOR’S NOTE: HI GUYS!

ANO KAYA ANG GAGAWIN NI ALDRIN AT MALALAGAY SA PANGANIB ANG BUHAY NIYA?

MAY MAGAGAWA PA BA SI WARREN PARA PIGILAN SI EMMERSON?

MAGTATAGUMPAY KAYA ANG BARKADA SA PLANO NILA?

 

THANK YOU FOR READING!

THANK YOU FOR SUPPORTING!

A Piece of My Heart (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon