BELLA'S POV
Nandito na ako sa airport, naghihintay ng flight. Inagahan ko para kahit anong mangyari, hindi ako malate. Sabi ni Aldrin, pupunta daw siya. Nasaan na kaya yun? Kanina ko pa iniikot tong ulo ko para hanapin siya pero hindi ko makita. Tinatawagan ko naman pero nakapatay yung phone. Tsk baka tulog pa. 15 mintues nalang at aalis na ako. Nasaan ka na ba Aldrin? Kaya si Carla nalang muna ang tinawagan ko.
Carla...good morning, nasaan si Aldrin?
Kakaalis niya lang, pupuntahan ka. Nalate ng gising eh, dami atang ginawa kagabi. Uy friend ingat ka ah! Wag mo pabayaan ang sarili mo...
Oo naman, thank you ah! Okay sige bye na! Ingat din kayo diyan. Grabe 3 days kitang hindi makikita.
Meron naman atang wifi diyan, chat tayo or convo sa twitter!
Oh sige na bye Carla!
5 MINUTES nalang wala padin si Aldrin. Baka hindi na makaabot yun, traffic pa naman ata yung dadaanaan niya.
Flight to Hongkong....
May bigla nang nagsalita at kinuha ko na yung bagahe ko para pumasok na. Ibibigay ko na yung boarding pass ko nang may sumigaw ng pangalan ko sa likod. Lumingon ako at nakita si Aldrin na kumakaway sa akin.
"Oh nalate ka ah." sabi ko sa kanya.
"Sorry ang traffic eh. oh ingat ka ah! Pagbalik mo dito, may surprise ako sayo ha? Sige na bye I love you." sabi niya sa akin at sabay akong hinalikan sa noo.
"Bye Aldrin! I love you!" pumasok na ako pero bago yun ay kinawayan ko muna siya. Ewan ko ba kung bakit sabik na sabik akong kawayan siya haha! Walang tigil parin ang pagkaway niya hanggang sa sinara na ang pinto.
BINABASA MO ANG
A Piece of My Heart (Book 2)
FanficThis is a Rated G book. Anyone may read this. Wala po kayong maeencounter na maseselang tema, lengguwahe, karahasan, sexual, horror o droga na hindi angkop sa mga bata. This is open to everyone. =)