Chapter 37

33 1 0
                                    

NATTASHA's POV


Nandito kami ngayon ni Emmerson sa loob ng kotse. Hindi ko pa din sinasabi sa kanya ang nangyari dahil hindi ko pa kaya. Sobrang sakit eh na umabot na sa puntong naapektuhan ang buong pagkatao ko.


"Ano ba talaga ang nangyayari sa'yo ha? Puntahan na natin si Angel!"


Kung alam mo lang Emmerson kung gaano kasakit kapag nakita mo silang magkayakap ni Aldrin. Maiintindihan mo din ako pero paano ko mapaiintindi sayo?


"She's not Angel. She's Bella." sabi ko habang umiiyak pa din.


"WHAT DO YOU MEAN?!"


"Accidentally, I pushed her at nabagok siya tapos nakaalala na siya!"


Hindi na nakasagot pa si Emmerson. Natahimik din siya at parang nawala siya sa sarili nang makita ko ang reaksyon niya.


"Emmerson, gumawa na tayo ng paraan habang maaga pa!"


"Anong paraan?!"


"Kahit anong paraan, mailayo mo lang si Aldrin sa kanya! Basta huwag na huwag mo lang sasaktan si Aldrin, nagmamakaawa ako sayo."


Oo gusto ko silang paghiwalayin. Oo kahit anong paraan gagawin ko pero hindi yung paraang mapapahamak si Aldrin. Siguro parehas kaming nasasaktan. Parehas kaming iniiwan lagi ng taong mahal namin pero hindi ako selfish tulad niya. Hindi ko magagawang ilagay sa panganib ang taong mahal ko para makuha lang ang gusto ko.


Siguro sa panahong ito, ipauubaya ko muna kay Emmerson ang desisyon. Alam ko namang hindi niya ako bibiguin na gagawin niya ang lahat dahil para sa kanya din naman ito.


"Kailan mo gustong gawin ito?" tinanong niya ako.


"Bukas dahil pinangako ko sa kanila na sa oras na lumabas ako ng ospital, doon magsisimula ang tunay na palabas."




BELLA's POV


(Hi guys! Author's note muna! Bella's back so hindi ko na kailangang gamitin ang ANGEL's POV. I know we're happy because they're together again but will this happiness last forever? Find out!)


Sobrang saya ko nung dinilat ko ang mga mata ko at nakita si Aldrin sa harapan ko. Isa itong hindi matatawarang pangyayari sa buhay ko. Akala ko magtatagal pa ang masamang panaginip ng nakaraan pero hindi ko inakalang sa isang iglap, magigising din pala ako.


Nandito ako sa kotse ngayon ni Aldrin, papunta sa bahay namin. Anim na buwan ko na din kasing hindi nakikita si nanay eh. Sigurado ako miss na din ako nun. Haay sobrang dami ko pang kailangang ipaliwanag sa kanya. Si Carla naman kasama din namin sa kotse. Nakakamiss din yung mga araw na One Direction songs yung mga pinapatugtog niya.

A Piece of My Heart (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon