ALDRIN’S POV
Everything needs to be in order.
Iyan ang motto ko bilang isa sa mga heads ng Villa Malls at kailangan hanggang dito sa personal naming mga buhay, nakaayos dapat ang lahat. Pagkaayos na pagkaayos ko ng sarili ko ay lumabas na agad ako ng kwarto namin para kumain ng breakfast. Nakita ko ang barkada ko na bumibili ng pagkain pero wala pa silang nakukuhang table. Inikot ko ang tingin ko para makahanap ng mauupuan at sa dulo, nakita ko si Angel na kumakain mag-isa pero baka bumili lang sa labas si Emmerson.
“Mga bro doon tayo kay Angel.”
Bago pa kami tumuloy doon ay hinila ni Enrique ang braso ko.
“ Gagawin na ba ang plano?” tanong niya. Oo, plano nga. Mayroon kasi kaming plano – kaming barkada para maibalik ang memorya ni Bella o kahit si Angel pa iyan.
“ Oo, gagawin na natin.”
Dumeretso na kami sa lamesa kung saan naroon si Angel at sakto kung kailan kami naupo ay dumating na si Emmerson – ang mapagpanggap na nilalang. Wala na siyang sinabi pang iba kaya hindi na nagkaroon ng inisan sa pagitan naming lahat.
“Uy guys! Haha nakuha ko wallet ni Aldrin kanina oh!” sabi niya na parang nanalo siya sa lotto. Best actor talaga ang best friend ko.
Pagkukunwari ni Enrique pero ang totoo, kagabi ko pa sa kanya binigay ang wallet ko. Bahagi ito ng mga plano namin. Nagkunwari akong inaabot ko ang wallet ko tapos pilit pa din itong binubuksan ni Enrique. Tahimik lang sila Emmerson at Angel, hindi sila kumikibo. Nilabas ni Enrique ang picture sa wallet ko at iyon ay yung picture naming dalawa ni Bella nung time na niligawan ko siya doon sa beach. Picture naming dalawa yun habang may fireworks sa langit.
“ Whoa! Buti hindi nilanggam itong wallet mo Aldrin.” sabi ni Quen habang tinitignan at tinatawanan ang larawan namin ni Bella.
Nagtawanan sila at ako, nagkunwari na naiinis. May humablot nung picture namin mula sa kamay ni Enrique. Tumingala ako para makita iyon at si Nattasha pala. Hawak niya yun hanggang tumabi siya sa akin. Parang pinagmamasdan niya pa ang litrato.
“Can I keep this?” tanong ni Nattasha.
Ano pumasok sa utak nito? Bakit niya naman maiisipang itago ang litrato namin? May hinala kaming kasabwat siya ni Emmerson at tingin ko, gusto niya itong itago para hindi makita ni Angel. Hinablot koi to sa kanya at tinago sa bulsa ko.
“Hindi ko ibibigay ang isang natitirang remembrance ko kay Bella.” sagot ko naman sa kanya habang sinasamaan siya ng tingin. Ano ba kasi tingin niya gagawin ko? Hahayaan siya? Nako baka nananaginip ata siya ah.
“Omg kuya! I remember nung time na yan, ako ang tumulong sa’yo right? Nilagyan ko pa nga si Bella ng blindfold sa mata tapos may mga petals, candles at may fireworks ka pang nalalaman.” singit ni Carla pero intentional iyan, scripted na.
Sinabi din ni Carla na magiging conyo ulit siya para maalala talaga ni Angel ang lahat. Ito kasi ang trademark kay Carla eh, yung magiging maarte niya sa pagsasalita.
“Weh? Oy Aldrin bakit hindi mo kami pinapunta?” angal naman nito ni Jerome.
Nakatingin lang sa akin si Angel habang sinasabi ni Carla iyon lahat. Bakas na naguguluhan siya at parang hindi niya alam kung ano ang paniniwalaan.
BINABASA MO ANG
A Piece of My Heart (Book 2)
FanficThis is a Rated G book. Anyone may read this. Wala po kayong maeencounter na maseselang tema, lengguwahe, karahasan, sexual, horror o droga na hindi angkop sa mga bata. This is open to everyone. =)