ANGEL'S POV
Grabe nakakapagod talaga ang paggawa ng mga bagay na dapat talagang pinaghahandaan kasi konting pagkakamali mo lang, hindi na magiging maganda ang kalalabasan. Haay iyan ang grand opening ng isa naming branch dito sa Metro Manila. Hindi muna ako nagpasundo ngayon sa driver namin dahil gusto ko namang mag-commute. Sa ngayon, tumatawid na ako eh pero simula nung nasa mall ako hanggang ngayon, parang may sumusunod sa akin.
Lumilingon-lingon ako pero hindi ko naman makita yung taong iyon. Hmm sino kaya? Baka mamaya pagkamalan nanaman akong si Bella! Iyan na naman tayo eh! Tumigil ako sa paglalakad. Wala akong pakialam kung masagasaan ako sa gitna ng kalsada kasi kung may sumusunod talaga sa akin, syempre ililigtas ako niyan. Maya-maya may paparating na na kotse. Hmm may magliligtas kaya sa akin? Napakalapit na nito sa akin nang biglang.
Naramdaman kong may yumakap sa akin. Niligtas ako nung taong iyon. Dinilat ko ang mga mata ko at nakitang buhay pa ako. HIndi pa ako patay! So tama nga na may sumusunod talaga sa akin kanina pa. Tinignan ko kung sino yung taong iyon at...si Enrique pala. Siya ba yung kanina pang sumusunod sa akin? O nagkataon lang?
ENRIQUE: Be--I mean Angel, bakit ka ba nakatayo lang sa gitna ng kalsada, ha?
Niliitan ko siya ng mata at sinabing:
ANGEL: Para makita kung sino ba yung taong sunod ng sunod sa akin. O ngayon, aamin ka na?
Bigla siyang napangiti. Kumpirmado na siya nga talaga.
ANGEL: O ano naman nakakatawa, ha? Hindi nga ako si Bella.
ENRIQUE: Gusto ko lang naman makipagkaibigan sayo.
ANGEL: Hay nako bakit ako pa kasi ang kailangang sumalo ng lahat ng nagmamahal diyan sa Bella na iyan. Sabihin niyo nga bumalik na siya agad-agad.
ENRIQUE: Nawawala nga eh, paano namin masasabi? Tsaka gusto ko lang naman makipagkaibigan ah, masama ba yun?
ANGEL: Wala naman po akong sinabi na masama makipagkaibigan.
Nagpatuloy ako sa paglalakad. Akala ko titigilan niya na ako pero pilit niya pa din akong sinusundan. Hay nako ang malas naman ng kapalaran kong ito. Naiipit ako sa mga taong pinipilit na ako si Bella na yan. Paulit-ulit niya pa ding tinatawag ang pangalan ko pero hindi ko siya nililingon. Nang-aasar na ata ito eh!
ENRIQUE: Angel!
Hindi ako lilingon.
ENRIQUE: Angel! Anghel! Ange! Ang! An! A! Angel! Angel Trinidad! Trinidad! Uy Angel!
Natatawa nalang ako sa pinaggagawa niya eh. Ang dami na kayang tumitingin pero hindi pa din siya tumitigil. Para tumigil na siya at hindi na mapahiya, nilingon ko na siya.
ENRIQUE: Sabi ko na nga ba hindi mo din ako matitiis eh. Gusto mong mag milk tea tayo?
ANGEL: Ayoko nga, mamaya masamang tao ka pala eh.
ENRIQUE: Sa gwapo kong to?
ANGEL: Hay nako maghanap ka ng kausap mo! Kainis to!
ENRIQUE: Ano sabi mo? I love you? Huwag kang mag-alala, I love you too!
Nang lumingon ako sa kanya muli, nakita ko siyang tumawa. Biglang sumakit ang ulo ko. Ang sakit! At habang namimilipit sa sakit ang ulo ko, bigla kong nakita si Enrique...nakita ko sa ala-ala ko yung tawa niya na tulad ng ginagawa niya ngayon. Ibig sabihin ba nito, kilala ko talaga siya noon? Naging parte ba talaga siya ng buhay ko?
BINABASA MO ANG
A Piece of My Heart (Book 2)
FanficThis is a Rated G book. Anyone may read this. Wala po kayong maeencounter na maseselang tema, lengguwahe, karahasan, sexual, horror o droga na hindi angkop sa mga bata. This is open to everyone. =)