ANGEL’S POV
I want to clarify things with Emmerson.
Kasi sa totoo lang, ayoko talagang umalis. Mahal ko na yung trabaho ko at ayoko nang lumipat pa sa ibang lugar kasi I’m already comfortable with this kind of atmosphere. Mahihirapan nanaman akong mag-adapt sa USA kapag pumunta pa kami doon next next week.
EMMERSON: Kailangan nating pumunta sa USA kasi doon mas magiging maganda ang future natin.
ANGEL: Minamaliit mo naman masyado ang Pilipinas. Palibhasa half American ka kasi.
Napasimangot siya sa akin at hindi ko nalang iyon pinansin. Ayoko nang makipagtalo pa sa kaniya. Ang gusto ko lang naman eh manatili dito sa Pilipinas.
EMMERSON: Ganito nalang, kapag tinanggap ka ng Villa Malls, hindi tayo aalis pero kapag walang tumanggap, goodbye Philippines.
Ha? Papaano naman yun? Alam naman niyang hindi na kami mapagbibigyan pa ni Ms. Anderson kaya sigurado na akong tuloy kami sa States.
ANGEL: Alam mo ang daya mo! Alam naman natin na hindi na tayo matatanggap dun tapos yun pa yung ginawa mong kondisyon.
EMMERSON: Haha para naman may thrill. Malay mo, bukas makuha na ang EMGEL diba? Tiwala lang iyan pero may usapan tayo ah.
Hindi na ako umimik pa. Oo Emmerson panalo ka na! maghihintay nalang ako ng dalawang linggo para sa flight naming papuntang USA. Sigurado din ako na doon na din kami maninirahan habang buhay. Wala na din naman kasi kaming babalikan dito. Sana may rason para manatili ako dito sa bansang ito. Umakyat ako sa kwarto ko at nagmuni-muni. Tumingin ako sa mga cabinets para humanap ng litrato ko pero kahit isa, wala akong nahanap.
EMMERSON: Angel sorry na oh…gusto ko lang naman Makita sila mommy.
ANGEL: Eh pwede ka naman kasing bumisita dun tapos iwan mo nalang ako dito eh.
EMMERSON: Lalong hindi pwede yun, sinong kasama mo dito?
ANGEL: Baby talaga ang tingin mo sa akin eh noh?
Hindi na siya nagsalita pa.
ANGEL: Oo nga pala, tanggap ko na na hindi tayo matatanggap ng Villa…basta isang hiling nalang.
EMMERSON: Sige ba ano yun?
ANGEL: Gusto kong Makita yung mga litrato ko at litrato natin nung bago ako maaksidente.
EMMERSON’S POV
Gusto kong Makita yung mga litrato ko at litrato natin nung bago ako maaksidente.
Gusto kong Makita yung mga litrato ko at litrato natin nung bago ako maaksidente.
Gusto kong Makita yung mga litrato ko at litrato natin nung bago ako maaksidente.
Gusto kong Makita yung mga litrato ko at litrato natin nung bago ako maaksidente.
Sabi na nga ba may nakalimutan ako sa planong mga ginagawa ko ngayon. Wala akong kahit isang litrato ni Angel. Hindi ko alam kung saan ako kukuha. Saan ba naman kasi ako makahahanap diba? Ni hindi ko nga malapitan yung pamilya niya. Isa nalang ang pumapasok sa isip ko ngayon. Magagawa ko ang hinihingi niya sa pamamagitan ni Nattasha.
ANGEL: Don’t tell me, wala tayong pictures?
EMMERSON: Hindi naman, wala lang kasi tayong pictures kasi yung iba nasa USA tapos yung iba naman, nasa office ko.
BINABASA MO ANG
A Piece of My Heart (Book 2)
FanficThis is a Rated G book. Anyone may read this. Wala po kayong maeencounter na maseselang tema, lengguwahe, karahasan, sexual, horror o droga na hindi angkop sa mga bata. This is open to everyone. =)