Chapter 30

16 1 0
                                    

ANGEL'S POV

               Gabi na, maraming oras na ang nakalipas pero ayaw ko pa din humarap sa kanila except si Emmerson kasi magkasama lang naman kami dito. Matagal ko nang iniisip kung kailan kaya ito matatapos o posible pa kayang matapos ng lahat ng ito. Madami na ang nahihirapan eh, madami na din ang nasasaktan at lalo pang dumadami ang nadadamay: sila Sam, Jerome at yung Warren nay un. Hindi ko alam pero pakiramdam ko may mali kay Emmerson at Warren eh — parang may tinatago silang dalawa. Hindi ko alam kung ano pero aalamin ko.

               Hindi ako papayag na matuloy ang kasal nang hindi pa klarado ang lahat.

               Naisipan kong lumabas muna sa beach para magswimming sa dagat at hindi para mag-emote. Gusto kong ibuhos sa paglangoy ang bigat ng nararamdaman ko. Nang nakalabas na ako, napansin kong madilim na talaga pero may mga ilaw naman na gagabay sa mga lumalangoy kaya lumublob na ako sa dagat. Naka one piece swimsuit lang ako dahil kahit payat lang naman ako, ayokong mag two piece, bukas nalang.

               Masaya lang akong lumalangoy na parang walang iniintinding problema nang biglang naramdaman ko na tumataas na yung lebel ng tubig. Hindi ko na maapakan ang lapag. Tumingin ako sa lugar na tinutuluyan naming. Ang layo ko na! Nararamdaman kong malulunod na ako na unti-unti na akong nilalamon ng dagat.

"TULONG!" sigaw ko. May natanaw akong isang lalaki na nagalalakad kaya muli akong sumigaw. Maya maya pa ay palapit na sa akin ang lalaking iyon. Nakita ko si Aldrin, lumalangoy papunta sa akin, na parang pursigido siyang lamunin ng dagat maligtas lang ako.

"Aldrin! Tulungan mo ko! TULONG!" Hindi ko na kinaya. Hindi na ako mahinga kaya sumuko nalang ako. Palubog na ako sa tubig at nagsara ang mga mata ko.

ALDRIN'S POV

               Pupuntahan ko sana ang barkada ko doon sa malapit na pasyalan dito nang bigla akong nakakita ng nalulunod na babae sa dagat. Lumapit ako upang silipin kung sino iyon. Narinig ko ang boses ni Bella at nalaman kong siya nga! Nagmadali akong lumangoy papunta sa kinaroroonan niya. Kung sabay man kaming malulunod, hahayaan ko lang pero gagawin ko ang lahat para mailigtas siya, kahit siya lang hindi na ako.

               Bigla siyang naglaho kaya sumisid na ako sa ilalim. Doon ko siya nakita na lumulutang. Niyakap ko siya agad at lumangoy bitbit siya. Buong lakas kong hinawi ang tubig sa dagat para makadaan kaming dalawa. Buti nalang at natanaw ko si Enrique at Jerome na naglalakad magkasama.

"TULUNGAN NIYO KAMI!" sigaw ko. Napatingin sila sa amin ni Bella at dali silang lumangoy para sagipin kami. Inalalayan nila kaming dalawa palayo sa tubig.

               Binaba ko si Bella sa buhangin. Wala siyang malay. Bakit sa dinamidami ng tao dito, bakit siya pa yung kailangang malunod? Bakit kung kailan madami pa siyang problema? Naaawa ako sa kanya dahil sa mga nangyayaring ito, oo nasasaktan kami pero siya ang pinakanasasaktan at biktima sa aming lahat.

"Jerome tawagin mo sila Carla at Sam bilis! Hanapin mo!" utos ko kay Jerome.      

               Sumunod naman agad si Jerome at bilis na tumakbo papunta sa pasyalan na dapat ay pupuntahan namin. Sa ganitong pangyayari, isa lang ang alam kong solusyon: CPR o Cardio-Pulmonary Respiration. Agad kong ginawa ito at si Enrique naman ay nandoon sa tabi namin para suportahan ako.

"Bella, gumising ka!" sabi ni Enrique pero hindi pa din gumigising si Bella kaya kinakailangan kong ipagpatuloy ang CPR.

               Habang ginagawa koi to biglang may humila sa akin at napatayo ako. Si Emmerson pala! Bigla niya akong sinuntok nang napakalakas at bumagsak ako sa buhangin.

A Piece of My Heart (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon