Chapter 8

5.6K 446 25
                                    

Dedicated to @luciannauriel

Chapter 8: Appearance 

Artiste Village
Tajimi, Gifu
August 21, 2022

"Why didn't you tell us, Sarah?"

Kasalukuyang nag-uumpukan ang mga kaklase kong babae sa paligid ni Sarah na nakaupo sa kanyang lamesa. Maging ang mga kaklase kong lalaki ay palihim din nakikinig sa pinag-uusapan nila sa likuran.

Pumutok na ang balita na si Sarah Anne ay ang kilalang manunulat na tinatangkilik ngayon ng nakararaming kabataan.

I stayed on my seat, wishing that I couldn't hear all their conversation. But Sarah's wicked enough to be proud for all of her lies. Dahil sinasadya niya pa talagang lakasan ang boses niya para marinig ko ang usapan nilang lahat.

Bakit hindi pa siya naging masaya sa pagkuha ng pangalang iyon sa akin? Bakit tuwang-tuwa pa siyang iparinig sa akin na wala man lang akong magawa para bawiin iyon sa kanya? 

"Writer talaga ako, matagal na. Tumigil lang ako. Hindi ko akalain na kapag bumalik na ako magugustuhan ko na ulit magsulat. At iyon, ako nga si Rowing Anne," she said proudly.

Impit na nagtilian ang mga kaklase kong babae. With the name Rowing Anne and her achievements right now, hindi na nakapagtataka na ganoon ang magiging reaksyon nila lalo na sa kaalamang kaklase lang pala nila ang kilalang si Rowing Anne.

"I love writing talaga! My mom even bought a new laptop for me. You know, I got my first payment."

"Grabe, ang swerte naman ng parents mo. Pumapasok ka pa lang nakakatulong ka na sa kanila," natutuwang sabi ng isa kong kaklase sa kanya.

"I heard nagsusulat din si Rhoe Anne and she also has a talent in drawing and painting. Wow naman! Ang talented ninyo naman magpinsan," dagdag na sabi ng isa ko pang kaklase.

Tila natahimik si Sarah nang marinig iyon. Of course, she hates it when someone will mention my abilities in front of her face, dahil siya iyong tipo na gusto niya kanya lahat ang papuri at talento.

"Ah. . . yes. By the way, do you want to see my latest drawings and paintings? May picture ako sa phone ko."

Sabay kumuyom ang dalawang kamao ko sa lamesa. I wish I could be one of my overpowered heroines in one of my fantasy stories, that I could break her nose or make her lips bleed for all her lies. Why there are people like her who love to antagonize other people?

And the worst? She's a relative. Bakit hindi na lang siya maging masaya para sa akin? If we share the same passion, hobbies, and wants, why can she hone it herself? Magiging masaya kaya siya sa ginagawa niya? Pretending is one of the worst things on Earth. 

Pinili ko na lang yumuko sa lamesa ko at magpanggap na natutulog.

I should accept that fact that in this story. . . I am that heroine who couldn't fight against her villain. I am just a powerless teenager with her villain's mother's grasp tied around my neck. 

***

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nasasanay sa mga hapon kapag itinatanong pa nila kay Kousuke kung ilan kaming dalawa sa lamesa. As if Kousuke was alone and wasn't there beside him, or maybe those Japanese really assumed that I couldn't even understand their language kaya hindi man lang nila ako bigyan ng pansin?

Nakakaintindi naman ako nang kaunti, but I wouldn't push it and make myself miserable in a conversation, lalo na't nag-a-adjust naman si Kousuke para sa akin.

Summer Trap (Matsumoto Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon